20

158 4 0
                                    

"Ba't mo uli pinasok ang trabahong to?" Tanong ni Seungkwan habanng kinakain ang hapunan nila

"Ah, basta"

Flashback

Nagdesisyon si jihoon na mag-audition sa isang kompanya bilang isang idol o producer.

Pangarap talaga niya ang gumawa ng kanta.  Kaya ngayon, hindi na siya tatalikod sa oppurtunity na ibinigay sa kanya.

"Mr. Lee. " tawag ng isang staff na lumabas sa studio

Tumayo naman si jihoon at inayos ang kanyang sarili. Huminga siya ng malalim bago pa pumasok sa  studio. Hindi niya inasahan na malaki ang studio at madami ang tumitingin sa  kanya na staff, kasali na dito ang mga idols na bunga ng kompanya.

"Magandang araw Mr. Lee." Bati ng isa sa  mga staff na naka-upo sa harapan.

"Nakita namin ang iyong application form at video. Namangha kami sa iyong kagalingan kaya hindi mo na kailangan na dumaan pa sa second auditions. " pumalakpak naman ang ibang staffs at idols na nasa loob ng silid. Habang si jihoon ay hindi makapaniwala sa  mga pangyayari.

Bago pa makalabas si jihoon, nilapitan siya ng isa sa  mga idols na hindi pa niya masyadong kilala. Binasa niya ang tag na nakabitin sa leeg niya at nalaman niyang nagtatrabaho pala siya sa ibang kompanya.

"Magandang araw Jihoon. Ako nga pala si Ailee. So eto pala ang mga gagawin  mo before your debut" inabot niya ang isang  clearbook

"Ano to?"

"Basahin mo. Wala yang deadline. Soooooo we will wait for you." Ngumiti siya at tinapik ang balikat ni jihoon  bago lumabas sa studio.

Nagdesisyon si jihoon na pumunta muna sa coffee shop para ireward ang kanyang sarili para sa mga pangyayari na naranasan niya ngayon.

Ngayon, nakaupo lang siya sa labas ng coffee shop dahil mahangin dito. Binuksan niya ang clearbook at binasa na ito

Your goal is to be a self-producing idol. Ang layunin mo ay gumawa ng kanta.

Ang kanta na gagawin mo ay dapat unique. Lahat ng content ng kanta ay dapat nangyayari sa totoong buhay. Ang layunin mo ay mailahad sa makikinig ng kanta mo ang mga pangyayari sa paligid na hindi nila na papansin.

Tumingin muna si jihoon sa paligid bago bumalik sa  pagbabasa. Napansin niya ang isang lalaki sa  hinayhinay na tumatawid sa kalsada. Wala siyang pake kung mababangga siya. At dahil alerto si jihoon, tumakbo siya papunta sa lalaki at itinulak ito bago pa ito mabangga ng sasakyan.

Pareho silang natumba at tumayo na si jihoon agad para tulungan ang lalaki

"Okay ka lang ba?" Tanong ni jihoon.

"Hinayaan mo na sana ako. Gusto ko nang mawala sa mundong ito!!!" Iyak ng binata at hinampas ang dibdib ni jihoon.

"May nagmamahal pa sa'yo, kaya di ka pa pwedeng mawala dito" ngumiti si jihoon at tinulungang makatayo ang binata

"Lee Jihoon." he stretched out his hand."tutulungan kita para  mahanap mo ang importansya ng buhay mo"

Nilaro ng binata ang kanyang mga daliri. Tumango siya bago tinanggap ang kamay ni jihoon

"Boo, Boo Seungkwan"


poison; soonhoonWhere stories live. Discover now