17

159 8 1
                                    

Sa mga araw na walang nakakausap si soonyoung, nakakaranas nanaman siya ng pananakit ng dibdib. Hindi lang niya ito nararanasan kaisa sa isang araw kundi nararamdaman niya ito palagi. Sa tindi ng lungkot na nararamdaman niya hindi niya mapigilang maiyak hanggang makatulog siya.

Ngayon nasa classroom siya, nakaupo sa seat niya na nasa may windows. Nakakalungkot lang dahil hindi nakalocate ang room nila sa mahanging part kaya medyo mainit.

Nakikita niya ang mga estudyanteng dumadaan sa  lockers, naglalaro o nagmamadaling makaakyat papunta sa kanilang room.

Medyo gumaan lang ang pakiramdam niya nung naramdaman niya kung gaano kapayapa ang school nila.

Tumunog na ang first bell at nagsipuntahan na ang mga  kaklase sa kanilang mga upuan.

°•°•°


"Sama ka soons? " yaya ni mingyu

"Pass muna, gusto kong magpahinga"

"Sige, mag-ingat ka"

Nagsimula na siyang maglakad. Nagdesisyon siyang maglakad pauwi dahil gusto niya munang damhin ang kapayapaan.


Dumaan siya sa walk way kung saan may mga hindi mastadong maliwanag na street lamps na nababagay sa sunset na nangyayari ngayon.

Nasiglahan siya.

May pag-asa  pa pala ako, isip niya.

Habang nakatingala at pinagmamasdan ang kalangitan hindi niya namalayang nakabangga pala siya.

"Ay sorry po" sabi niya at tumingin sa  baba at tinulungan ang binata na pulutin ang kanyang gamit.

"Hala, namantsahan ko ang damit mo " natarantang sabi ng binata at kinuha ang panyo para linisan ang uniporme ni soonyoung.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni soonyoung habang tumititig sa binata. Hinawakan niya ang mga  kamay nito para tumigil na sa paglilinis ng mantsa. Napatingala naman ang binata dahil mas maliit pa ito kaysa kay soonyoung. Biglang nanlaki ang mata nito at nabato.

"Okay lang"

"H-hindi, dali bilhan kita ng bagong damit"

"Okay lang, uniform din naman 'to malalabhan ko pa 'to. Pauwi naman din ako"

"Librehan na lang kita. Patawarin mo ko please." Pagmamakaawa ng maliit.

"Ako nga yung nakabangga sa'yo"

"Mas malala pa nga yang sayo"

Napatawa lang si soonyoung sa kilos ng binata.

"Umuwi ka na lang ha? Mag-ingat ka"  he ruffled the shorter's hair.


Tumango naman ang binata at nagsimulang maglakad.


Sinulyapan ito ni soonyoug at sumulyap naman pabalik ang binata.

poison; soonhoonWhere stories live. Discover now