Chapter 44: Closer

Magsimula sa umpisa
                                    

"Huh really Sean? O baka naman may iba ka pang dahilan?" tiim-bagang na wika ni Min. 

Biglang itinutok ni Florence Albert ang baril nito kay Min kaya naalerto ako. Not this time. No way! Not anymore.

Lumapit ako kay Min. 

"You are Mr. Captain, right? Sa Airport that time, sa Germany." usad ko. 

Tumawa ito.

"Not too fast. And I am the real Florence Albert if you are still confuse my dear." sagot nito na ikinabigla ko. This is so fucking shit!

Lumingon ako kay Aki.

"Ikaw rin ang babaeng ina-inahan ni Hans." galit kong wika. 

Ngumiti ito na para bang masaya sa pagpatay. 

"Finally! Now you know the connected scenes." 

Bakit ngayon lang nagsink-in sa isip ko lahat? Kung bakit si Aki na nainvolve sa nangyari doon sa Auditorium at si Matthew na bigla na lang nagpakita kay Min na hindi man lang ikinabigla ni Sean. Dahil planado ang lahat na parang isang kwento lang. 

"Planado na ba ito noon pa?" sabay naming sambit nila Min pati si Tan na naramdaman kong nakahawak sa aking kamay kaya napahawak rin ako rito.

"Tama na naman!" sigaw ni Sean.

"Bakit ba pinipilit mo ako?!" inis kong tanong. This is all cucking shit! The heck?!

"Ang Ina mo ay dating nagtatrabaho sa akin noon maging si Joey at ang iyong Ama. Lahat sila! Ngunit umalis si David at si Sandra kaya nagalit rin si Joey dahil mahal na niya noon si Sandra kaya inutusan ko siyang i-trap silang dalawa ngunit nakialam si Alexander. Nalaman rin ito nila David kaya napatay nila si Alex. Kaya ngayon, ikaw ang babawi sa kasalanan nila." salaysay ni Sean.

Hindi ko alam pero–

"It was your problem after all." maawtoridad kong wika.

Hindi na ako natatakot. Ngayon pa ba sa dami-dami kong naranasan? 

"Huh?! Ganon ba? Alam mo ba kung bakit dito tayo nagkita? Kasi dito ko rin inutos kay Joey noon na patayin ang iyong Ina maging ikaw, dito nagsimula at dito rin matatapos. At dahil nabuhay ka, maaari ka ng sumunod sa kanya ngayon." wika nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng galit.

"Huwag kang makinig Selene. Ginagalit ka lang niya para madistract ka." singit ni Min. 

Lilingon na sana ako kay Min nang naramdaman ko ang pagbitiw ni Tan sa aking kamay kaya naalerto ako. Dahan-dahan akong lumingon kay Tan. 

Bigla akong napahawak sa aking bibig. 

"T-Tan." nanginginig kong sambit sabay lapit sa kanya na nakahiga na sa sahig. 

"Kristan." rinig kong sambit ni Min na sumunod rin sa akin. 

Hinawakan ko ang dibdib ni Tan na dumudugo. Hindi ko batid kung ano ang nararamdaman ko pero parang nagdurugo ang puso ko sa nakikita ko. Nahihirapan na si Tan. Sana panaginip lang ito lahat. Sana panaginip na lang! Please!

Hinawakan ni Tan ang aking kamay. 

"S-Selene, salamat sa ilang taon na nakasama kita at naging inspirasyon. Alam ko naman n-na hindi mo masusuklian ang nararamdaman ko p-pero salamat ah? Gusto kita. Gustong-gusto kita."

Hinagkan niya ang aking kamay na nakahawak sa dibdib niya na may dugo kaya nagkaroon ng dugo ang kanyang labi.

Tumulo ang nagbabadyang luha sa aking mata papunta sa aking pisngi.

Naramdaman ko na ring humihikbi ako. 

"Selene." sambit ni Min sabay himas sa aking likod. 

"Selene, sa h-huling pagkakataon gusto kong sabihin sa'yo na a-ako si–

Hindi na natapos pa ni Tan ang sasabihin nang bigla akong sumingit. 

"You are Detective Andrei, right?" usad ko. 

Napangiti ito ng mapait. 

"Ang galing mo talaga." sambit nito. 

"Bago ko pa sasabihin sana sa kanya Tan ay sinabi na niya sa akin noong araw na nagsasayaw kami sa school after kayong nalock sa detention." seryosong wika ni Min. 

"B-Bro, ingatan mo si my labs ah?" nakangiting sambit ni Tan. 

Hindi ko na siya binara na tinawag niya akong my labs, ganito naman eh. Hindi naman talaga ako nagagalit na tawagin niya akong ganyan, hindi lang ako sanay lalo't marami ang nakakarinig. 

Muli kong hinawakan si Tan ngunit nabigla ako nang hindi na ito nagsasalita. Nanatili akong nakatingin sa kanyang mata na nakabuka lang.

Muli akong napahikbi. Hindi ko alam pero ayaw kong isipin, ayaw kong sabihin. Ayaw kong tanggapin kasi unti-unti na akong nadudurog sa loob.

Hahawakan na sana ni Min si Tan ngunit pinigilan ko siya. Niyakap ko ng mahigpit si Tan. 

"Tan!" sigaw ko kasabay ng pagpikit sa kanyang mga mata.

Patay na si Tan. Patay na si Tan.

Patay na siya.

Patay na siya.

Patay na siya.

No! No way!

Tan.

"Tama na ang arte!"

Dahan-dahan akong napalingon kay Sean na nakatutok ang baril sa akin, at si Aki nama'y nakahawak rin ng 45 calibre na nakatutok naman kay Min.

Pinunasan ko ang luha sa aking mata at pisngi bago hinalikan si Tan sa noo.

Agad naman akong tumayo. Nanlilisik na ang aking mga mata na nakatingin sa kanila.

"How dare you to betray me Aki?!" galit kong sigaw sa harap niya.

"We're not friends Selene." sambit nito sabay turo ng baril sa akin.

Ngayon, dalawa na ang baril na nakatutok sa akin. 

"Don't you dare to pull that gun!" nanggagalaiting sigaw ni Min.

Bumaling ang tingin ko sa kanya. Tumingin rin ito sa akin. 

"Min." bulong ko sa hangin.

Kahit hindi niya narinig nakita naman niya sa aking bibig na ibinigkas ko iyon. 

Nginitian ko siya. Napatingin ako sa aking relo. Hindi ko namalayan na 10 na pala ng gabi. 2 hours to go before new year. 

Magiging ayos pa ba ang lahat pagkatapos nito? It seems our new year will not be that happy like what we are expecting.

Really, some of the stories end up sad.

It's not love the way they thought all about, it's about how to survive and live after the storm. Ang ayoko sa lahat ay iyong malapit ko ng matapos ang kwento pero may mawawala pala. Ganyan ba talaga ang bagyo? Pagkatapos ay may mamatay?

Lumingon akong muli kay Sean at kay Aki na sabay na pinutok ang baril sa akin.

Ipinikit ko ang aking mata sabay ngiti ng mapait.

"Magkikita na tayo Ma."

***

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon