Chapter 45: "Finding Them"

36 1 0
                                    

[Justine's POV] 

andito ako sa lugar kung saan ko unang nakilala ang mga Rean. I was looking at the orphanage, hindi ko alam kung bakit hindi ako makapasok sa loob? yung mga paa ko mismo ang huminto sa tapat. hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, pero natatakot ako. 

napa-buntong hininga ako at hinawakan ko yung Lukcy charm ko, yung opener ng soft-drinks in-can na binigay sakin ni Jusmine, ginawa kong locket yun ng kwintas. 

"para kay Jusmine" I said. 

at pumasok na ko sa orphanage. my heart was pumpin 10x faster. I was looking at it, mas gumanda pa yung lugar, may iba't ibang cubicles na, parang classroom. 

"di ba absketball player ka?" 

tumingin ako sa batang lalaki na may hawak-hawak na bola. yumuko ako para maging mas malapit ako sakaniya. 

"kilala mo ko?" nakangiti kong tanong. 

nag nod siya. "magaling ka ee. idol kita Rean" sabi niya. baby voice pa siya pero deretso na magsalita. 

"salamat, mahilig ka rin bang magbasketball?" tanong ko. 

nag nod siya habang naka-ngiti. 

"magiging magaling na basketball player ka rin" sabi ko sakaniya. 

mas lalo lumawak yung mga ngiti sa labi niya. tapos napayakap siya sakin. "thank you Rean" sabi niya. 

napangiti ako. 

dinala ako nung bata sa playroom nila, tinignan ko yung buong lugar, ang ganda, parang private orphanage na rin tong orphanage kung saan nila ako kinuha. 

"hiiii!" sabi sakin nung mga bata. parang sabik na sabik silang maka-kita ng bagong tao. 

"siya si Rean! yung magaling na basketball player sa Tv na napapanood natin" sabi nung batang kausap ko kanina,hawak-hawak niya parin yung mga kamay ko. 

naglaro kami ng matagal, nakakatuwa yung mga bata dito, parang wala silang kamuwng muwang, laro lang sila ng laro, nag shoot kami ng mga bola, tapos nag tea party kami ng mga baby girls. there so cute. 

tumingin ako sa plagid ko, at isang bata lang ang nakita kong hindi naglalaro. 

pinuntahan ko siya. baby girl siya.

"bakit hindi ka naglalaro?" tanong ko. 

tinignan niya ko habang naka pout siya,ang ganda ganda niya. "kasi ayoko dito ee" 

"bakit naman ayaw mo dito?" tanong ko. 

"kasi wala akong mama at papa" sabi niya, nakita kong malungkot talaga yung mga mata niya. 

hinarap ko siya sakin at hinawakan ko yung magkabilang balikat niya. "alam mo baby, kaya ka nga andito para magkaroon ng mama at papa, alam mo ba na galing din si kuya dito?" 

nilakihan niya yung mata niya. "talaga?" 

nag nod ako habang nakangiti. "dahil naging mabait ako at palangiti, nagkaroon ako ng mama at papa, kaya dapat ikaw ganon din, malay mo mamaya dumating na yung mama at papa mo" sabi ko. 

bigla naman siyang ngumiti. "tama ka kuya" niyakap niya ko. "thank you" at tumakbo na siya sa ibang mga bata para makipag-laro. 

natawa naman ako. dati, walang mga laruan dito, pero ngayon, yung mga bata laro lang sila ng laro, carefree lang. 

"sino po kayo?" 

napalingon ako sa nagsalita. 

"Justine Rean po--" 

"Justine Alexander Rean? ikaw na yan? ikaw yung batang kinuha nila Alexandra at Jumaine?" tanong nung madre. 

"opo ako nga po" sabi ko habang nakangiti. 

"ang laki laki at ang gwapo gwapong bata" sabi niya. 

at marami pa kaming napagusapan, nai-kwento niya na kaya daw gumanda ng husto itong bahay-ampunan, gawa ng charity help ni momy, lagi daw nagdodonate dito si momy ng pera, at kung hindi naman, mga pang interior at mga laruan, kasi  ang sabi ni Sister Lara, yun daw ang pagbibigay salamat ni momy sa pagkakaroon niya ng anak na kagaya ko. 

in that way napapangiti ako, kasi nung nalaman ko yun, naramdaman kong mas thankful nga sila mamy kasi dumating ak sa buhay nila. 

"ano bang sinadya mo dito Justine?" tanong ni Sister Lara. 

napalunok ako, ito na yun, ito na yung pinunta ko dito. 

"sister... gusto ko po sanang malaman kung paano ako napunta dito?" mahinang tanong ko, napayuko ako. 

may binigay siyang folder sakin. "ito ang binigay ng nagbigay sayo samin na impormasyon" sabi niya. 

agad kong kinuha yung folder. 

Name: Kurt Lawrence

Age: 1 year and 2 months

Birthdate: September 20, 1995

so my birthday is really september 20? 

"Linda Marie, yan ang pangalan ng babaeng nagdala sayo dito" sabi ni Sister. 

"ito yung address niya, diyan mo siya matatagpuan, siya ang nakakaalam ng totoong pagkatao mo anak" 

napabuntong hininga ako, handa naba akong malaman kung sino talaga ako? 

[Jusmine's POV] 

"mama! wait lang po aa, may tumatawag sakin ee" sabi ko. 

kinuha ko yung phone ko sa bulsa. 

|Calling: momy Alexandra| 

"hi mamy" 

"anak ko, namimiss na kita" 

"mamy, namimiss na din po kita, sobra!" 

"ay anak nakuha ko na yung grades mo, dean's lister ka anak, congratulations!" 

"talaga po ma? siyempre kanino pa po ba ako magmamana, sainyo po ni dady" sabi ko. 

"siyempre... anak.." 

"ma are you okay? parang may problema po kayo" 

"worried lang ako anak.. kay Justine, alam ko kasing close kayo... hinahanap niya yung mga totoong magulang niya" 

Kumunot yung nuo ko. "talaga po ma? bakit niya daw po hinahanap?" 

"anak, gusto niya daw malaman kung sino talaga siya, nag-aalala ako anak, paano kung mahanap niya yung mga magulang niya? tapos kunin nila satin si Justine, anak hindi ko na kayang mawalan pa ng isang anak" 

"mamy, hindi po ganon si Justine, kung ano po yung dahilan niya, alam ko pong sa sarili niya lang yun, at wala po siyang plano na iwan tayo" 

"sana nga anak, mahal na mahal ko kayo nila kuya Jurmaine mo" 

"mahal na mahal ko rin po kayo mamy" 

"sige na anak, magingat ka aa. I love you, see you next week" 

"love you too ma, and ma, paki-sabi po kay Justine na tawagan niya ko pag-uwi niya aa?" 

"oo anak, bye" 

"bye bye po" 

napabuntong hininga nalang ako, nabanggit niya sakin dati na gusto niyang makilala yung mga tunay namagulang niya, pero hindi ko alam na gagawin niya na ito ngayon. 

kinakabahan ako, feeling ko dapat nandoon ako sa tabi niya. 

kilala ko si Justine, sa sandaling panahon na magkasama kami, alam kong sa sitwasyon ngayon nahihirapan siya. 

antayon mo lang ako Justine, sabay nating aalamin kung sino ka. 

*End of Chapter* 

Just Inlove [Slow Update & Editing]Where stories live. Discover now