"Di ka naman nag iisa, kasama mo yang maliit na yan" at nginusuan si Baby Liyah ko. Ang sama niya, idadamay pa niya si Liyah sa pinag uutos niya sakin.

"He-he. Kaya ko na. Atsaka wag mo nga akong akbayan. Ditayo close!" sabat irap sakin at tinanggal ang pagkakaakbay sakin. 

Tumayo na ako at kumuha ng pang lilinis ko sa kisame ng bahay. Pagkapasok ko sa loob, tinignan ko muna kung malinis baka pinaglololoko nanaman ako.

Oo nga, ang dumi. Dahil diyan, sinipag nanama akong maglinis! Si baby Liyah naman kinuha ang isang stick at lumipad na roon sa kisame, pinag kukuha ang mga spider's web gamit ang stick.

Ako naman ay kumuha ng hagdanan para maabot ko ang kisame. Sa liit ko ba naman!

Dahan dahan akong umakyat sa hagdan at nagsimula ng maglinis. Nakakaenjoy maglinis dahil una ayaw mong makakita ng dumi sa paligid, pangalawa kusang tinutulungan ako ni baby Liyah at pangatlo maganda ako.

"Baby Liyah mag ingat ka okay?" sabi ko sakanya at tumango tango lang habang lumilipad sa ere. Pinag lalaruan at iniikot ikot sa stick ang spider's web.

Pagkatapos ko linisan ang iba't ibang parte ng bahay! Nasa kitchen na ako, woo malapit ko na to matapos! Last na ito.

Nakita ko naman papunta sa kitchen si Hada at Zoren. Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pag akyat sa hagdan. Nang iharap ko na ang mukha ko sa kisame isang malaking gagamba ang tumambad sa mukha ko kaya naout-of-balance ako.

"Ahhhhh!!!!" sigaw ko pa!

Pagdilat ko ng mata ko. Nasa harapan ko na si Zoren. Parehas kaming nakahiga. Ibig kong sabihin, nakapatong pala ako sakanya. Waaa.

Napatingin naman siya sa gitna namin at ngumiti ng nakakaloko habang pataas at pababa ang kilay niya. Lumaki ang mata at butas ng ilong ko sa ginawa niya kaya mabilis pa sa bente quatro oras ang pagtayo ko!

"Manyak!" sabi ko sakanya, tinignan lang naman niya ang cleavage ko. Tss.

"Flat" sabi pa niya akin sabay tawa at nagsimula ng umalis. Teka, ako flat? Hindi naman ah. Sakto lang naman ang hinaharap ko. Hmm! Ano ba tong pinagsasabi ko!

"Wag mo na linisan diyan. Mag meryenda kana" nakayuko naman akong sumunod sakanya. Nakakahiya talaga.


-

Zoren's POV

"Zoren san tayo pupunta?" pangungulit sakin ng weak ugly creature na kasama ko. Naiinis talaga ako sa presensiya niya na medyo natutuwa, kung may magagawa ako para paalisin siya ginawa ko na e. Kaso ako nama malalagot kay Lolo. Tsk.

Naglalakbay kami ngayon dahil sa utos ni Lolo bago siya umalis na may bagay akong kukunin sa kanlurang bahagi ng Madrinadia.

Ang sinasakupan ng Trissac Isles.

Para mapabilis kami patungo sa lugar ng Trissac, ginamit ko ang kapangyarihan ko.

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now