19

73 7 0
                                    

Dear diary,

Hindi ko siya pinapansin. Wala kaming pansinan. Inatupag ko ng maayos trabaho ko samantalang siya ayon nag iinom. Ayaw ko siya kausapin, masakit pa rin sa damdamin ang pinagsasabi niya. Pinoproblema ko na nga mukha ko dahil madaming pimples, e, pati yung pampacheck up ni nanay tapos dagdag pa siya? Masama ba 'yong ginawa ko? Nagmamalasakit lang naman ako ah?

Siya na nga 'tong pinapakain, siya pa galit! Take note, nagsabi pa ng masasakit na salita!

Alam mo ba diary? malamang hindi, kanina nadatnan ko siyang natutulog sa sofa ng restaurant nila. Buti nalang talaga hindi pa opening. Ang daming boteng walang laman na nasa lapag. Mukha rin basura ang itsura niya. Hindi ko na sana siya papakialaman kaso naawa ako. Nakikita ko kasi siyang naiyak habang tulog. May problema kaya 'to?

- Pim

Diary ng may Pimples (Diary series 1)Where stories live. Discover now