4

225 9 1
                                    

Dear diary,

Kamalas-malasang umaga!

Kanina papasok pa lang ako ng gate, pang aasar agad ni Kuya Butoy ang nakuha ko. Nakakainis na guard na ito, akala mo model face, lubak lubak din naman ang mukha!

Anyways, after ko makipagbardagulan sa guard, may tumama sa akin na lumilipad na sapatos. Malamang manlalaki ang mata ko sa gulat. Ikaw ba namang pagkamalang lata, jusko! Uso pa rin pala ang tumbang preso?

Mukha na ngang bulkang anytime e pwedeng magkaroon ng erruption tapos ginawa pang lata!

Nilingon ko yung hinayupak na salarin at nagulat ako nang makita siya! Si Janus-face! Hagalpak ang pagtawa niya habang tinuturo ako. Marami sila, isang grupo, pero mas nakafocus ang mata ko sa kan'ya. Masama ko siyang tiningnan, tuloy pa rin siya sa paghagalpak.

At dahil late na ako, minura ko na lang sila sabay taas ng middle finger both hands at kumaripas ng takbo.

Alam mo ba? malamang hindi! gaya nga nang sinabi kong kamalas malasang umaga, pinatawag ako sa OSA at nagkaroon ng record! Bwisit talaga!

Pero bago 'yon, dinala muna ako sa clinic kasi nagdudugo pala ang pimple kong malaki! Kasalanan mo ito, Janus-face! Ginagalit mo ako!

- Pim

Diary ng may Pimples (Diary series 1)Where stories live. Discover now