6

173 9 2
                                    

Dear diary,

Hanggang ngayon hindi parin ako makamove on kay Janus-face. Ngiting ngiti pa rin ako, kagabi bago matulog tapos kanina habang nagsasandok ng kanin. Kanina nga, excited akong pumunta ng school kasi makikita ko siya kasi hello, schoolmate kami 'di ba? Maski nga si Kuya Butoy nagtataka kasi hindi raw nakabusangot ang mukha ko. Inirapan ko lang siya, hindi ko sisirain ang mood ko. Dedma sa mga bashers today.

Habang naglalakad ako sa corridor, napaisip ako. Hanggang ngayon pala ay hindi ko parin alam ang pangalan niya, Janus-face. Oo nga 'no? Hindi ko pa natatanong. Saka na, mga last day ng school ko na tanungin ang pangalan niya. Requirements muna na ang uunahin ko.

Papasok pa lang ako ng room, agad napawi ang ngiti sa aking mga labi, naks! Pwero usog at biro, gaya nga ng magnet na may positive at negative, gano'n din ang buhay ko!

Akala ko mabait na siya dahil may utang na loob siya! Mali pala ako dahil nagsisimula pa lang siya!

Ako na naman ang ginawang target ng grupo niya! Kung kailan magbabakasyon na!

Kinuha ng mga lalaki ang gamit ko tapos tinapon sa garden, ang lugar na restricted ang pagtapak sa lupa noon dahil may sapak ang hardinera. At ang kapal ng mukha niyang lumapit! Akala ko tutulungan niya ako, 'yon pala siya ang mastermind! Halos tumirik na ang mata ko sa galit! Tapos no'ng paalis na sila, naglakad siya palapit sa akin at bumulong, "See you, pimple carer."

Sa galit ko, basta na lang akong dumampot ng kung ano saka hinagis iyon sa kan'ya. Natamaan naman siya pero nang tumingin siya sa akin ay mapang asar na dumila. Napasigaw na lang ako sa inis!

Tapos alam mo ba? Malamang hindi! magpapatalo ba ako? Dumampot uli ako ng kung ano at binato ko siya. Saktong paglingon niya, natamaan siya sa noo saka ako kumaripas ng takbo.

Nang makalayo na ako ay saka lang ako napangiti, satisfying talaga kapag nakakaganti ka. Mapagpakumbaba who?

- Pim

Diary ng may Pimples (Diary series 1)Where stories live. Discover now