9

110 5 0
                                    

Dear diary,

Busangot ang mukha ko dahil wala na akong pambayad ng upa sa bed spacing. Hindi naman ako makauwi sa Siargao dahil ang layo at bukod doon ay wala pa akong perang pamasahe. Paano na ako mabubuhay nito?

Lalo pa akong sumimangot noong marinig ko ang hagikhikan ng mga taong dumadaan na napapatingin sa akin. Matapos nilang mapasulyap sa akin ay magbubulungan sila ng kasama niya.

Alam ko namang may kabundukan at bulkan ang mukha ko. Dagdagan mo pa ng langis na pwedeng ipunin at ibenta. Ganito ang mukha ko pero hindi ako panget! Hindi ko ibababa ang confidence ko 'no! Aba, sino ba sila?

Busy ako sa pakikipagtagisan at pakikipagpatayan ng tingin sa mga tao ng bigla akong mapatalon at mahulog sa bench na kinauupuan ko. Kung may laser lang ang mata ko sigurado ako patay na lahat ng matamaan ng tingin ko!

Bwisit na hinayupak! Wala ba siyang mabiktimang iba at ako lagi ang nakikita niya para gulatin at sirain ang araw?! Mabulunan sana siya sa kakatawa! Natural talagang demonyo na may mukhang anghel ang lalaking 'to! Mapagpanggap! Pumutok tuloy pimple ko!

- Pim

Diary ng may Pimples (Diary series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon