5

190 11 0
                                    

Dear diary,

Gumaling na yung sugat galing sa pimples ko. Tapos kanina habang naglalakad ako may nakita ako sa gilid ng daanan na matanda. Mukha siyang pagod at gutom na gutom. At dahil nga concern citizen ako at makabayan, nilapitan ko.

Tinanong ko kung okay lang siya at tama nga ang judgment kong gutom siya. Mabuti na lamang ay may dala akong butter coconut kaya binigyan ko. Pinagmasdan ko si lola, mukha namang mamahalin ang damit niya. Bakit nandito siya sa kalsada? Nawawala ba siya?

Napabusangot ang mukha ko, may mga pamilya talaga na pabaya e 'no?

Since hindi naman ako kilala ni lola, at bagot din ako sa buhay, nagkwento ako. Tungkol sa academic life ko, sa mga kaibigan, sa buhay, at mas lalo kong pinagdidiinan ang pamilya. Syempre, gusto ko malaman niya na walang pamilya ang papabayaan ang sarili niyang pamilya. Tama naman ako, 'di ba?

Nasa rurok na ako ng pagkukwento tungkol sa pamilya, may isang anghel na humahangos na lumapit sa amin. At dahil katirikan ng araw, nasisilaw pa ang aking magandang mata. Pero gayon na lamang ang pagsimangot ko nang makita ang taong nasa harap na'min matapos makapag adjust ng paningin ko.

Sino pa nga ba? edi si Janus-face! Kung minamalas ka nga naman oh! Hanggang dito ba naman!

Tapos alam mo ba? malamang hindi! Nagpasalamat siya sakin. Napanganga ako, akalain mo iyon? Marunong pala siya tumanaw ng utang na loob? 'chos!

Medyo kinilig tuloy ako at kahit papaano ay nakalimutan na masama ang ugali niya.

Ay mali! Hindi pala ako 'yong kinilig, 'yung pimples ko pala.

Pumutok kasi.

- Pim

Diary ng may Pimples (Diary series 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें