12

95 8 0
                                    

Dear diary,

Sobrang saya ko ngayon! Sobrang daming blessings ang natatanggap ko ngayong araw. Una, kumuha ako ng scholarship last two months at ngayon ko nakuha 'yong resulta at tanggap ako! Pero huwag ka! Full scholarship pa!

Pangalawa, may foreigner kasing nakaiwan ng wallet niya. Ako kasi ang nakakita. At dahil isa akong mabuting mamamayan, sinauli ko iyon sa may ari. Nabigyan pa ako ng tip! Worth $100 dollars! Pwede na akong makaipon dahil doon!

Pangatlo, nalaman kong nagustuhan ng costumers ang gawa kong cupcakes kaya ginawang best seller ang gawa ko at hindi lang iyon! Ginawa na rin akong regular staff! O, diba? Bongga!

Pang apat, kahit pumutok ang malaking pimple ko ayos lang atleast nabawasan diba? Self motivation lang, teh.

At alam mo ba? malamang hindi, at dahil malapit na nga ang first semester kailangan ko ng extra money at inoffer-an ako ng extrang trabaho. Gaya nga ng mga pagkakataon, kung may swerte, mayroon ding malas. Gusto daw akong maging personal alalay ng hinayupak!

Diary anong gagawin ko? Tatanggapin ko ba o tatanggihan? Hindi ako makapagdecide! Kainis!

- Pim

Diary ng may Pimples (Diary series 1)Where stories live. Discover now