Capitulo Cuarenta y Dos: Daddy?

Start from the beginning
                                    

Sumunod si JC, dala 'yung drinks, fruit juices. Apat na glass? Huh? Huling dumating si Kenjiro at Ethan. Buhat-buhat nila sina Kaycee at Liit. Kinandong ni Ethan si Liit sa may lap ko at kinandong naman ni Kenjiro si Kaycee sa may lap ng asawa ko--este si Daniel. Kaya pala apat 'yung baso. Linantakan naman agad nu'ng dalawang bulilit 'yung pagkain. Nagpapasubo pa. Ayos a. Ang cute ng mga babies namin, ang cute namin. One big happy family ang peg.

Paano kaya kung 'yung talagang anak na namin ni Daniel? Ay teka?! Anong sabi ko? Erase! Erase! Muntik na 'kong mabulunan du'n a. Ano bang iniisip ko? Hindi pa nga kinasal, anak agad? Napainom tuloy ako sa juice bigla, naubos ko sa isang lagok.

Landi ng isip mo Chandria! Naku! Naku!

"Hay naku wifey, huwag mo kasi akong masyadong isipin. Alam ko namang patay na patay ka sa kagwapuhan ko."

Muntik nanaman akong mabulunan sa sinabi niya. Ano daw? Wifey?! Mas lalo tuloy namula 'yung pagmumukha ko, ang init sa pakiramdam. Sana hindi niya mahalata.

"Tsk. Nangangamatis ka na wifey. Huwag kiligin. Hindi pa nga tayo kinakasal tapos nagkakababy  kung anu-ano nang naiisip mo e. Hintay-hintay lang."

Anak ng gwapong unggoy naman o! Nananadya ba 'tong mokong na 'to?! Lagi na lang tuloy ako muntik masamid. Adik e. Sinasaktong sabihin 'pag nasubo ko na pagkain ko. Hindi naman kasi kami pinapansin ni Kaycee at Liit. Busy lang silang kumakain, ang tatakaw talaga forever. 

Ang sama tuloy ng tingin ko sa mayabang na unggoy na kaharap ko. Mas lalo ngang naging gwapo, pero loko-loko pa rin. Siya pa rin 'yung Daniel na una kong nakilala dati. Siya pa rin 'yung Daniel na minahal ko at mamahalin habang-buhay. Parang tanga na yata akong nakangiti dito.

"Wifey! Huwag kang ngumingiti mag-isa diyan. Ikaw ha," pang-aasar niya sabay wink. Ang gago talaga.

Patapos na kaming kumain nang maisip ko bigla 'yung parents ni Daniel. Fudge! Oo nga pala. "Unggs, may pupuntahan tayo," sabi ko nang patapos na kaming lahat kumain.

Nagtataka 'yung facial expression niya. "Saan? Bakit?" tanong niya.

"Secret, may ipapakilala ako sa'yo. Tara sa bahay ng lola mo," sagot ko. And speaking of lola, nasaan si lola? Napatingin tuloy ako sa kanya na parang nagtatanong.

"Kasama niya 'yung parents ko, nasa business trip pa sila sa Europe," sagot niya na parang nabasa kung anong gusto kong tanungin. He must be talking about Tito Damien and Tita Elena na namention sa diary ng lolo niya. Hindi ko pa kasi sila nakilala. 

Napatango na lang ako at ngumiti. Inalalayan ko si Liit na bumaba at inaya na si Daniel at Kaycee. Sumusunod lang naman sila. "Sa kotse ko tayo. I'll drive," sabi ni Daniel.

Nagpaalam kami kina Juls na nandoon pa. Magpaparty-party daw muna sila doon. Mga loko talaga. Dumiretso na kami sa kotse niya at nagsimula na siyang magdrive. Nasa may shotgun seat ako at nasa passenger's seat naman 'yung dalawang bulilit. Nagkakahiyaan moment pa sa likod.

PAGDATING namin sa tapat ng bahay nila, hatalang nakabukas 'yung mga ilaw sa loob at may tao kaya nagtataka si Daniel. Pinark niya lang sa tapat ng gate 'yung kotse at bumaba na kami. "Let's go!"

Hinila ko siya at sumusunod lang 'yung dalawang bulilit na parehong humahagikgik. Ang kulit e. Nagtatakbuhan sila dito, paikot-ikot sa amin. Pinihit ko muna 'yung knob kung nakabukas nang narating namin kaso nakalock. Nagdoorbell ako. Narinig kong may mga yabag na papalapit. Nakayakap sa amin 'yung dalawang bata.

Unti-unting nagbukas 'yung pinto. Kinukusot-kusot ni Tito Dan--I mean Dad 'yung mata niya at hindi nakatingin, humihikab pa nga. Natutulog na yata kasi sila at nagising lang. Nang humarap siya sa'min, bigla siyang natulala. Nanlaki 'yung mata niya at titig na titig kay Daniel. Medyo napanganga pa nga.

"A-Anak?" gulat niyang sambit. Naiiyak na yata.

Hindi rin makapaniwala si Daniel at pareho sila ng reaction. Halata naman na magtatay sila kasi magkamukhang-magkamukha.

"D-Daddy?" 

-------------

A/N: Hanggang dun muna. Di na keri. Hindi ko po alam kung kailan next update. Magbabakasyon muna ako hanggang Linggo. No internet. XD. Thank you po sa pagbasa. Labyu. :*

P.S. Para sa mga atat, huwag magbasa ng ongoing na story kung hindi kayo marunong maghintay. Hintayin niyo na lang matapos 'tong buong story bago niyo basahin.

P.P.S. Wala pong Book 3. 

Dreams, Destiny, and You?Where stories live. Discover now