"Si Sky ba nakita mo?" tanong niya sakin. Hmm. 

"Hindi e." sagot ko naman agad sakanya, pero tumingin muna siya sakin na parang di naniniwala kaya tinitigan ko siya lalo. Babaeng to! Napaka amp! 

"Di ko nga alam! Di ako nag sisinungaling sayo, pangako!" sabi ko sakanya para maniwala siya, binaling naman niya ang atensyon niya sa tubig hanggang sa may narinig kaming isang pag sabog maliit sa talon kaya agad kami napatingin sa isa't isa.

Naglakad kami papunta sa kinaroroonan ng pagsabog. Gulat kaming dalawa dahil puro apoy ang nasa paligid. Naaawa ako sa mga kaibigan kong halaman, dahon at puno.

Naagaw naman ng atensyon ko ang isang babaeng nakapulang hood na nakaupo sa puno.

Inutusan ko naman ang kahoy na yun na paikutan ang babaeng iyan ng mga sanga niya.

Gulat na gulat ang babae at sinusubukang makawala.

"Sino ka!" sigaw ni Aeya. Inilapit ko naman ang ulo ko sakanya at bumulong.

"Inunahan mo naman ako sa pagtanong e!" -ako

"Ay patawad" - siya

"Sino ka!" ulit ko naman. Di pa rin niya sinasagot ang tanong namin kaya hinigpitan ko ang pag ipit sakanya.

"Ako si Prinsesa Adena." nakayukong sabi niya at nung umangat ang ulo niya, pula at lumiliyab ng apoy ang kanyang mata.

"Prinsesa Adena ng Velleitari Palace" sabay naming sabi ni Aeya. Pinakawalan ko naman siya dahil ngayon lang namin siya nakatagpo. Paano at nakatakas siya sa palasyo nila.

"Patawad. Hindi namin alam" sabi ko kay Adena. Ngunit bigla nalang siya naglaho sa harapan namin.

"Ako nga pala si Prinsesa Dayna ng Trissac Isles!!" sigaw ko pa baka sakaling marinig niya pa ako. Mukha namang mabait siya. Hmm pero nang makita ko ang mga abo na halaman, ay masama pala pa rin siya. Nasa dugo na nila iyon.

"Ikaw ay nanggaling sa Trissac Isles?!" bigla siyang sumulpot sa likuran namin kaya mabilis kaming napatingin sakanya. Mukhang galit siya dahil sa tono ng boses niya.

"Ako nga pala si Prinsesa Aeya ng Molleze Palace." pakilala naman ng katabi ko. Tinignan lang siya ni Adena at bumalik sakin ang masamang tingin.

"Sagutin mo ko!!" pasigaw na sabi ni Adena sakin. Ano bang problema neto at papatulan ko talaga to.

"Oo galing nga ako sa palasyong iyon. Bakit?" takang tanong ko sakanya at galit na galit siya.

"Dahil sainyo. Nawala ang kapatid ko! Mga taksil! Mga kaaway!" at bigla siyang naglabas ng bolang apoy papunta sa pwesto ko. Agad naman ako nakailag at biniak ang lupa para lamunin siya neto.

"Wala akong alam sa sinasabi mo!!" -ako

Ngunit bago ko magawa ang binabalak, pinigilan ako ni Aeya.

"Wag" at umiling iling pa. Nasa dugo pa rin talaga ang pagiging salbahe ng mga taga Velleitari. Nakita ko namang napabagsak si Adena.

"Anong ginawa mo?" takang tanong ko kay Aeya.

"Nag alis lang ako ng kaunti tubig sa katawan niya para mapagod siya" sagot naman niya sakin. Aba't ang galing.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Adena. Nakahawak siya sa may leeg niya na parang uhaw na uhaw.

"Sa susunod na magkita tayo Adena. Di na kita papalagpasin pa." matapang na sabi ko sakanya.

"Umalis na tayo Dayna!" sumunod naman ako kay Aeya.

Ang layo na namin sa lugar na pinag awayin namin ni Adena. Hindi ko alam kung saan ito at ang ganda. Umupo ako sa may puno at pumikit. Pinapakiramdaman ang mga buhay ng mga puno at halaman. Ang sarap sa pakiramdam.

"Kami ang my dahilan sa pagkawala ng kapatid niya?" tanong ko sa isip ko. Ngunit wala akong alam sa sinasabi niya, pano ko nga ba malalaman kung di ako nagtatanong sa aking ama at ina.

Hindi ko pa rin siya bigyan ng kaawaan dahil duon, sinira niya ang mga nananahimik kong halama at puno. Gusto pa niyang lamunin ako ng bolang apoy niya kanina. Di ko siya mapapatawad.

"Ang lalim ng iniisip ah" isang lalaking sumulpot sa harapan namin kaya naman si Aeya ay tuwang tuwa. Oh kilala nyo na?

"Ano ginagawa mo dito Sky?" tanong ko sakanya.

"Ayaw nyo ba akong makasama? Sa gwapo kong ito?" ayan nagmamayabang nanaman siya.

"Walang may pake" bara ko pa sakanya. Sinamaan naman ako ng tingin ni Aeya kaya tumahimik na ako.

"Sky, nakita na namin si Prinsesa Adena" pagkasabi ko nun agad siyang lumapit sakin at tumabi na parang higad.

"Maganda? Sexy?" tanong niya kaya napahawak nalang ako sa noo ko.

"Masama ang ugali" singit ni Aeya. Nagseselos na yan! Sus sa dami ba namang babae ni Sky di pa siya sanay.

"Di na mawawala yun sa dugo ng mga Velleitari" pag sasang ayon ni Sky kay Aeya kaya ang bruha tuwang tuwa! Pag ibig nga naman. Natahimik naman kami pagkatapos naming pag usapan si Adena. Nabwibwisit lang ako kapag naaalala ko siya.

"Ako din may ike-kwento!" dahil alam na namin ang ike kwento niya kunwari natulog ako at si Arya tumayo na parang aalis. Isa lang naman lagi e, ang babaeng nakikita niya! Ayun lang.

"Iba to mga kaibigan. Iba ang kutob ko sakanya! Maganda siya pero parang pakiramdam ko isa siyang dugong bughaw." agad akong napalingon sa sinabi niya at si Aeya naging interesado din.

"Paano mo nasabi isa siyang dugong bughaw ha?" tanong ni Aeya sakanya.

"Dahil ang kanyang mga mata ay napaka ganda, magiging dugong bughaw na siya dahil papakasalan ko siya" pagkasabi niya nun, binatukan namin siya ni Aeya ng napakalakas! Kaya napasimangot siya habang hinihimas ang ulo niya.

(Sky's mind: ayoko sabihin sakanila ang nakita ko dahil kilala ko si Dayna, hindi niya titigilan ang taong iyon. Saka na kapag sigurado na ako sa nakita ko)


------
A/N: Ang kukulit ng mga prinsesa at prinsipe. Agree ba kyao guys? Keep reading.

VOTE*COMMENT*BE a FAN
- simpl

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now