Sunrise and Campfire

1.8K 46 9
                                    

A/N: Hi guys... Ito yung nangyari before yung naunang chapter, before nag drama si Bea! 😊 Wag kalimutan mag comment at vote please.

JIA

FRIDAY

“10 minutes girls! Ang wala pa sa baba ay magco-commute papunta sa resort!!!” sigaw ni ate Ly mula sa sala.

Nasa kitchen na ako noon. Sabay kaming bumaba ni Jho, pero ng nakita niya si Bea eh agad niya itong nilapitan at tinabihan sa couch.


“Ano ba yan girls!!! Si Bea nga na galing pa sa malayo andito na!” sigaw nanaman ni ate Ly.


Ngumiti nalang ako,

Hindi naman nalalate yan si Bea eh…

Pero parang antok na antok pa siya. Mula sa kusina kasi eh tanaw ko siyang nakasandal pa kay Jho at nakapikit ang mga mata.


Maya maya pa, bumaba na si Mich na tumatakbo.

“Sorry! Sorry! Sorry!” sabi pa niya.

“Ella! Asan ka na?!” si ate Den naman ngayon ang tumawag, at finally bumaba na si ate, may dalang isang malaking maleta.

“5:45 palang naman oh! Kung makasigaw eh!” sabi niya.

“Ilang linggo ka ba doon at ang dami dami niyang dala mo?” si Jho.

“Ha-ha!” at bumelat kay Jho. “Diba sabi bring the essentials! Pag kayo humingi talaga nitong mga dala ko, makikita niyo!” pabiro pa niyang sabi.


Umiling nalang ako at ngumiti, parang may idea na ako kung anong laman noon.


“Finally!” si ate Ly, at inirapan si ate Ella. “Girls gather up.” Tawag niya sa lahat. “Before tayo umalis, kailangan muna natin mag assign ng room and roommates.”

Biglang nag si lapitan ang mga tao sa gusto nilang ka partner, buti nalang tinabihan agad ako ni Michifu.

“Oops! Since team building ito, bubunot tayo ng roommates” at inilabas niya ang isang bowl with rolled papers on it.

“Lahat tayo kukuha ng paper with numbers written on it. Kung sino man ang makakuha ng parehong number, sila ang mag kasama sa room. 2 persons lang pala per room. So get 1 and pass.”

At pinasa na nga ang bowl to all of us. After awhile nag salita ulit siya.

“So, No. 1?” tanong niya, nagta-as ng kamay si ate Kiwi at si Mich na katabi ko.


“Awwww, Bye Babe” bulong ko at nag sad face kunyari… siya din ganun ang reaction.


“No. 2” si ate Marge and si Giselle ang nagtaas ng kamay.


“No. 3?” si ate Ly and si ate Den.


“Woooohoo! Iba talaga ang AlyDen oh, di mapaghiwalay!” pang aasar ni ate Ella. Tumawa naman kaming lahat, pero di na kami pinatulan ng dalawa.


“No. 4?” tinaas ko ang kamay ko and looked around, and saw her, naka taas din ang kamay.


Si Bea! Roomates kami?! Well…


Hindi ko maipaliwanag, pero ang saya ko ng nakita ko yun!


I saw her smile ng nakita niyang nakataas din ang kamay ko.



Taking ChancesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant