Introductions and Over heard Conversations

1.7K 48 14
                                    

JIA

“Thanks again for tonight. Ingat ka pauwi…” sabi ko habang naka-ngiti sa kanya.

“Always a pleasure Ms. Morado.” At kunwari pa siyang nag-bow habang tumatawa.

Haha, ang OA. Umuwi ka na nga, it’s getting late…” at lumakad na nga siya papunta sa sasakyan niya. “Bye Miguel…”

“Bye Ji. I’ll text you later…” he waved. At sumakay na nga siya and drove off.

Sinundo niya ako after evening training para mag dinner, and now hinatid niya na ako sa dorm.




Pagpasok ko ng dorm I saw ate Ella sa couch, nanunuod ng TV, at of course, kumakain. This time isang solo pack ng ice cream.

“Hi Jia!” bati niya “Kamusta ang date?” tanong nitong nakangiti, may wiggle-wiggle pa ng kilay.

Lumakad ako at tumabi sa kanya,

Okay lang naman po Ate. Nagkwentuhan, kumain, the usual.” sabi ko at sinubukan kung kuhanin yung spoon niya para kumain din ng ice cream.

“Oi, anong ginagawa mo?!” sabi niya habang inilayo ang kutsara para di ko maabot.

“Hihingi lang naman!”

“Sorry, baby ko to… Pabili ka dun sa baby mo..” sabi niya, di parin binibigay ang kutsara.

“Sinong baby?” di ko na gets.

“Eh di si Miguel. Ano ba yan loading…”

“Haha! Di ko naman baby yun..” at sinubukan ko ulit kunin sa kanya yung kutsara, pero mabilis talaga siya, nailayo ulit niya.

“Ops! Kala mo ha…” sabay subo ng ice cream

Teka, anong di mo baby? Di mo pa ba sinasagot yun?” tanong niya at seryosong humarap sa akin.

Hindi pa…” sagot ko, habang iniwas ang tingin ko sa kanya.

“Bakit naman! Sige ka, baka mapagod yun kakahintay ha, biglang mawala! Wala na ulit magtitiyaga sayo!” 

“Aray! Wag ka ngang brutal!” sabi niya habang hinihimas ang braso niya kung san ko siya kinurot.

“Magtitiyaga talaga ate ha!” sabi ko kunwari nagtatampo


“Haha, Joke lang naman Ji! Eto na nga oh!” at inoffer niya na voluntarily yung spoon niya at ice cream.


Kinuha ko naman yun at nginitian siya. “Thanks ate! Hehe!” I ate 1 spoonful and we sat watching the show in silence for awhile.

Napa-isip din ako,

Bakit nga ba hindi ko pa sinasagot si Miguel? Medyo matagal na din siya nanliligaw, more than 3 months na ata. I mean, he’s a nice guy naman. He’s patient and very understanding when it comes to my games and studies. He’s also very sweet and thoughtful, he has a sense of humor din, tapos he gets along with all of m friends din, well, except kay Bea. There is something between them na di ko maintindihan. They’re civil around each other pero, ewan ko sa kanila! Aside from that, there is something I can’t figure out, parang may kulang parin.

“Oi wag abuso ha!” biglang sabi ni ate Ella at kinuha na ulit yung ice cream niya.

“Abuso ate?! Isang kutsara lang abuso?!”

Taking ChancesWhere stories live. Discover now