(3 of Fight for Love)

Start from the beginning
                                    

“Tara na basta ikaw naman ang aayusan ko, ikaw Brian maghintay ka na lang sa salas”

“Sige po”

Bakit pati ako kailangan ayusan? Chaperon lang naman ako, baka hindi ko kayanin kasama ako sa date nila. Mag baback out na sana ako sasabihin ko na sana kay Tita na hindi na ako sasama pero…..

“Tita…”

“Ayan, Gab tapos na… tignan mo ngayon ang sarili mo sa salamin”

Nang makita ko ang sarili muntik ko ng hindi makilala, dahil matagal tagal na rin na hindi ko nakita ang sarili ko ng ganito.

“Teka, tita ako ba ito? Ang tagal ko na rin hindi nakita ang Gabriella na ito”

“Kaya simula ngayon Gabriella ka na ulit, tara bumaba na tayo”

…..

“Ang tagal naman nila”

Hinihintay ko silang bumaba ang tagal kasi pag babae talaga ang nag aayos, Tumingin ako sa may hagdan sa amin at ng sisigaw. na. “Mama, Gab….” Napahinto ako sasabihin ko sana ang tagal nila, pero hindi ko na nasabi iyon dahil pagkakita ko sa may hagdan kasama ni Mama ang hindi ko nakilalang babae… hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, “my heart beats faster and slower at the same time” si Gab pala.

“Teka, ang tagal niyo naman”

“Naku, itong si Brian mainipin talaga”

“Mama, kasi baka naghihintay na yung sinasabi mong ka date ko”

“Hindi siya naghihintay”

“Tita, inayusan niyo pa po ako chaperon lang naman ako”

“Sinong nagsabing chaperon ka? Kayo ang dalawa ang magkadate”

“Po?O.o kami po ni Brian?”

“Ma? Si Gab?”

“Bakit?? Ayaw niyo huhuhuT_T sayang naman ang pag aayos ko sainyo” nag dadrama lang ako para pumayag na silang dalawa…

“Oo na sige na Ma, mag dadate na kami”

“Yun naman pala eh, teka Brian simula ngayon siya na si Gabriella ha”

“Psshh… kahit sino pa siya kahit Gab o Gabriella pa siya.. siya parin yun”

Nang mga sandaling iyon sa mga sinabi ni Brian hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, inaasar ba niya ako o tanggap niya kung sino at ano ako. Matapos ang kuwentuhan umalis na kami ni Brian pumunta sa isang hotel restaurant para kumain.

“Ang sarap naman ng pagkain dito diba? Brian”

“Oo na..”

“Psshhuuu…. Hindi ka ba nasasarapan tignan mo nga may dumi ka sa pisngi”

“Saan?”

“Ano ba yan hindi diyan ako na nga” Pinunasan ko ang dumi sa pisngi niya, habang nakatingin siya sa akin. Bigla kong binaling ang tingin ko sa iba.

“Bakit ganyan ka makatitig?”

“Halatang halata ka na!”

“Huh?!” bigla akong kinabahan ng sabihin niya iyon, nahala na ba niya na gusto ko siya, teka ano ba itong pinagsasabi ko..

“Hoy!”

“Huh? Ano yun?”

“Halatang halata na gusto mo…..”

Bakit ganito nararamdaman ko? Nahalata na kaya niya?..

“mo… yung pagkain tignan mo may dumi ka rin sa malapit sa labi”

“Ah.. hahahha… akala ko kung ano na.. teka saan dito..” Nang tinatanong ko kung saan bigla niya pinunasan gamit ang kanyang kamay, nagulat ako dahil hindi ko magawa siyang sapakin ng sandaling iyon dahil lahat ng may balak humawak sa pisngi ko o kahit anong bahagi ng sarili ko sinasapak ko agad pero dito hindi ko magawa.

Nang iba na ang titigan namin bigla niya akong niyaya mag sayaw…

“Gab! Tara sayaw tayo”

“Huh?” bigla niya akong hinila…

Habang nag sasayaw kami ni Brian nagkukuwentuhan kaming dalawa.

“Gab! Ay, hindi Gabriella pala ang totoo niyan ang ganda mo”

“Huh?” pagkasabi niya nun bigla akong namula >///< pero hindi ako nagpahalata.

“Hmm… salamat, pero alam mo ba na ngayon ko lang nakita ulit si Gabriella”

“Oo nga, bakit nagkilos lalaki ka?”

“Hmm… Dahil meron isang guy na minahal ko dati pero niloko niya ako nag ayos ako para sa kanya pero niloko lang niya ako may mahal pala siyang iba, kababata ko pa naman din siya”

Kinukuwento ko yun kay Brian habang nag sasayaw kami, iba ang mga titig niya sa akin ng sandaling iyon.

“Naku, huwag na natin siyang pag usapan..” Tumatawa ako na nangingilid ang mga luha, at nang sandaling iyon nagulat ako sa ginawa niya, bigla niya akong hinalikan. Wala na akong narinig sa paligid ko ang naririnig ko lang ang mga tibok ng aming puso.

Hindi ko alam kung bakit ko hinalikan si Gab, naaawa lang ba ako, nagseselos, basta magulo. Basta’t ang alam ko ayaw ko siyang makitang umiiyak, at gusto ko siyang protektahan. Natapos na din ang gabi at hinatid ko na siya sa bahay nila pero simula ng halikan ko siya walang mga salita ang lumabas samin.

...to be continued....

&quot;MATH&quot; Me And The Handsome♥(on going)Where stories live. Discover now