(2 of Age Doesn't matter when it comes to love)

144 1 0
                                    

…………………..

Sa paglalakad niya nakasalubong niya si Dianne, Nagbatian sila at humingi ng dispensiya si Andrew sa kanya. Ilang beses na rin silang lumalabas. Nagkakainuman, yayaan sa gimik, kuwentuhan. Isang araw pumunta si Andrew sa bahay nila Dianne at nakitang niyang may hinatid sa kotshe si Dianne na lalaki.

“Mag iingat sa pagmamaneho”

-umalis na ang sasakyan-

“Oh, Andrew andito ka, ano ginagawa mo dito?”

“Masama bang dalawin ang kaibigan?”

“Ah, hindi naman tara tuloy ka”

“Dianne may sasabihin pala ako saiyo”

“Ah, Ako din.. itigil na natin ito”

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

“Andrew…….”

[Hindi maintindihan ni Dianne ang nararamdaman niya para kay Andrew, pinipigilan niya ang kanyang damdamin dahil mas matanda siya rito]

“Dianne,.. Mahal Kita!”

“Hindi. Hindi puwede..”

“Bakit?? Wala ka bang nararamdaman para sa akin?”

“Andrew bata ka pa marami ka pang mahahanap ng mas hihigit pa sa akin, magsasawa ka din laro ang ito.”

“Sa tingin mo naglalaro lang ako? Ano akala mo sa kin bata?”

“Oo”

“Eh, ikaw matanda na?!”

“Oo,mas matanda ako saiyo matanda ako ng ilang taon.. naiintindihan mo ba? Kaya napaka sakit para sa akin nito”

-biglang umalis ng patakbo si Andrew”

[ANDREW]

-umiiyak- “huh? Mas matanda? Ano ito lokohan?”

Kinaumagahan pinuntahan ni Andrew si Dianne sa Dance Lesson, pero wala si Dianne doon kaya tinanong niya kay Even kung saan pumunta si Dianne sinabi ni Even na pumunta ito ng bundok doon muna magpapalipas ng ilang araw. Kaya dali dali niya itong pinuntahan ng walang pag aalinlangan.

-Pagkadating sa pinuntahan-

Andrew: Hello po, andiyan po ba si Dianne?

Manong: Naku, iho kakaalis lang pumunta doon sa gubat may hahanapin daw.

Andrew: ah, sige po maraming salamat..

Umalis agad si Andrew papunta sa gubat upang hanapin si Dianne…

“DIANNE!!!!”

May nakitang babae na nakatalikod..

“DIANNE!!”

Pag kaharap nito si Dianne.

“Andrew?! Ano ginagawa mo dito?”

-biglang tumakbo si Andrew at niyakap ng mahigpit si Dianne-

-nagulat- “Andrew?”

-umiiyak- “Wala akong paki alam kung ilang taon ka na, wala akong paki alam kung ano sasabihin ng iba ang importante mahal natin ang isa’t isa”

-umiiyak- “Andrew, pero…”

“Dianne, walang pero pero… kaya ko baguhin ang lahat sa akin para lang sayo, ikaw ang nagbukas sa sarado kong puso, ipinakita mo sa akin ang lahat ng dapat kung malaman. MAHAL NA MAHAL KITA”

“Andrew MAHAL NA MAHAL DIN KITA”

Hinawakan ni Andrew ang muka ni Dianne, pinunasan ang mga luha nito at kanyang hinalikan sa labi.

Matapos ang lahat mag kahawak sila ng kamay sa paglalakad..

“Teka, Andrew paano mo nalaman na nandito ako?”

“Dahil kay Even…”

“Si Even? Haha”

“Dapat nga ako mag pasalamat sa kanya dahil nakilala kita”

“Ang weird nun”

“Sinabi mo pa, bakit ka nandito sa gubat? May hinahanap ka daw?”

“Oo meron”

“Ano yun?”

“Ito oh… magkadikit na batong buhay”

“Para saan naman yan?”

“May nabasa kasi ako sa isang magazines na pag may ganito ka puwede ka humiling lalo na sa relationship”

“Ano hiniling mo?”

“Ikaw”

“Hahahaa… andito na ako”

“Ang bilis nga eh,.ohh. ito para saiyo yung isa”

“Salamat”

Ginabi na sila sa gubat kaya tumuloy muna sila sa isang maliit na kubo. Kinaumagahan nagising si Andrew na wala sa kanyang tabi si Dianne, hinanap niya ito ngunit isang sulat lang ang kanyang nakita.

Dear Andrew,

Sa mga oras na ito papunta na ako sa airport hindi na ako nakapag paalam sayo ng maayos dito ko na lang sa sulat dinaan, ayaw ko kasi maistorbo ang tulog mo hehehe^^.

Ang totoo niyan ayaw kitang makitang malulungkot sa pag alis ko ayaw kong mag paalam sayo dahil naniniwala ako na baling araw magkikita parin tayo. Napaka suwerte ko dahil nakilala ko ang isang tulad mo MAHAL NA MAHAL KITA..

Huwag kang mag alala susulatan naman kita.. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin.

Nagmamahal

Dianne♥

Pagkatapos basahin ni Andrew ang sulat dali dali siyang pumunta sa Airport para habulin si Dianne maraming tao sa airport ng mga sandaling iyon kaya nahirapan siyang maghanap, ngunit nahuli na siya..

[ANDREW]

Alam kong babalik siya, mahal namin ang isa’t isa.. Hindi hadlang ang long distance relationship para sa amin. Dahil naniniwala kami sa isa’t isa.

………………………..…. Meron eroplanong lumapag galing sa JAPAN…………………………………

"MATH" Me And The Handsome♥(on going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum