"Ano ba para kang higad e. Higad ka ba ha?" dahil sa sinabi niya napapitlag ako ng kapit sakanya. Ang kapal naman ng mukha niya tawagin akong higad. E sa tinatakot niya ako na ililigaw ako dito e!!

"Halimao ka naman! Halimao!!" sabi ko sakanya sabay tumalikod! Wala naman siguro masamang nilalang dito.

Ay oo nga pala, di ko alam ang lugar na ito pero parang nasa isang divisoria kami na may enchanted kingdom. Ganoon lan yon. May mga rides sila pero mga hayop ang sasakyan. Weird ang iba ay kahoy. Safe kaya yun.

Bahala siya! Mag isa nalang ako maglibot at mag enjoy dito sa sa...basta dito! Wala akong pakialam kung di siya kasama!

Pumunta ako sa isang tindahan, mukhang ang sasarap ng pagkain dito! pero paano ako makakabili wala akong pera dito. Bwisit na Zoren na yun! napapansin ko itsurang bato na kulay yellow ang binabayad nila. Ginto kaya yun?

Makaalis na nga at wala akong pera pambili ginugutom ko lang sarili ko.

Pagkaharap ko bigla akong nauntog sa katawan ng tao kaya natumba ako. Napasapo ang kamay ko sa noo ko. Ang tigas naman ng katawan niya. Bwisit na yun!

"Patawad. Okay ka lang ba?" sabi sakin ng isang lalaki. Tinulungan niya akong tumayo. Tinignan ko naman an itsura, uh lalala. Ang gwapo! Kyaa.

"Ah ehehe okay kang ako, Oo. Gutom lang. Ay este Oo ok lang. Hehe" grabe na ito. Di ko alam kung nananaginip ako ng gising dahil mukhang anghel ang kaharap ko ngayon.

"Patawad. Di kita nakita." sabi niya ulit sakin sabay ngumiti, okay lang kahit parang nilait mo kong maliit sa sinabi mo, i dont care! Ha-ha. Mas lalo siyang gumwapo kapag ngumiti. Napapatulala ako.

"Gutom kaba? Ililibre na kita"

"Ano bang gusto mo?"

"Anong pangalan mo?"

"Uy"

Parang may kumakausap sakin. Mayroon ba? Isa lang ang nakikita ko e, at yun ang lalaki sa harapan ko.

"Ano pangalan mo?" isang malakas na boses ang narinig ko kaya bumalik ako sa realidad.

"Ah eh ako sa Aliyah" sagot ko sa lalaking ito.

"Ako si Prinsipe Sky mula sa Gazeuse Palace. Isa ka bang mababang uri ng nilalang?" tanong niya sakin, may ganun pala dito. Napanganga pa ako sa sinabi niyang isa siyang prinsipe.

"Siguro" sagot ko sa tanong niya.

"Subalit bakit iba ang kutob ko sayo mula ng makita kita kanina, sino ang iyong magulang." pagtatakang tanong niya sakin. Anong gusto niyang iparating? Wala ako maintindihan.

"Patay na ang magulang ko"malungkot kong wika.

"Patawad. Hmm. Halika, ibibili kita ng kahit anong gusto mong pagkain." pag aaya niya sakin. Di na ako tumanggi dahil gutom na gutom na ako! Tatanggi pa ba ako sa gwapong prinsipeng ito at grasya? Hindi na no. 

Buti pa siya mabait, Hindi katulad ni Zoren halimao na ubod ng pangit ang ugali.

Asan na kaya yun *




Zorens pov

Bwisit talaga na babaeng yun! Bigla akog iniwanan dito, pag ayun nakita ko lagot sakin iyon! Itutuloy ko talaga ang pagpapahirap sakanya. Talagang binabadtrip ako ah.

Lakad lang ako ng Lakad hanggang sa may nahagip ang mata ko.

"Aliyah?" tinignan ko pa ng mabuti ang babae, di ako nagkakamali. At nakikipag usap kay Sky? Kilala ko si Sky dahil isa siya sa mga naging kasama ko mag aral sa Magical Academy ngunit di kami malapit sa isa't isa dahil nakikipag kumpetensyahan siya sakin sa talino at pagiging gwapo. Alam naman ng lahat na lamang talaga ako. Wala na siyang magagawa dun.

Di na ako nagdalawang isip pa at nilapitan ko na si Aliyah,

"Z-zoren?" gulat pa siyang nakita ako, hinawakan ko ang kamay niya sabay kinaladkad siya palayo sa lalaking iyon.

--

To be continued

A/N: TBC na kasi antok na ako! Sana magustuhan nyo po ito. San kaya pumunta ang dalawang maliit? Feeling ko nagseselos si Zoren kay Sky or ayaw lang ni Zoren mapalapit si Aliyah kay Sky. Wahaha! Wait for the next update! <3

Vote-Comment-Fan

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now