"Hindi! madaming insekto ang nakapaligid sa bulaklak na yan kaya naging kulay yellowsiya." sabi pa niya at lumapit sa halaman. kumuha siya ng isang sanga at tinusok sa rosas.

Nagulat ako dahil totoo nga ang sinabi niya. Biglang nagsialisan ang mga insekto na yun at ang rosas na akala ko kulay yellow ay itim pala. Nakaka amazed talaga sa Madrinadia.

Ilang oras na rin kami sa paglalakad tila wala naman kaming pupuntahan ni Zoren. Talagang pinapagod talaga ako ng lalaking ito. Wala pa ako dalang tubig. Nauuhaw na ako!

"Zoren. Malayo pa ba tayo? San ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sakanya na hingal na hingal. Ang bilis pa niya maglakad palibhasa ang haba ng legs niya at ako, Oo inaamin ko maliit ako.

"Basta malapit na." sagot niya sakin. Wala talagang kwentang kausap to. Di pa sinabi kung saan. 


After 30mins

"Woowww! Zoren ang ganda dito!!" sabay hawak sa damit niya at niyuyugyog siya.

"Bitawan mo nga ako! Nadudumihan damit ko e" sabi ng katabi kong nagsusungit nanaman. I mean masungit talaga!

"Wow ha? Ang yabang talaga!!! Bwisit" sagot ko sakanya sabay inirapan siya.

Si Hada naman lumipad sa ere, ganun din si Liyah. Hanggang sa nagsama silang dalawa at lumipad palayo. Iniwan kaming dalawa ni Zoren. Diyos ko, wag naman sanaako pagtripan ni Zoren.

"Liyaaaaah!!" sigaw ko kay Liyah pero di man lang ako nilingunan! Napaka pasaway!

"Alam nila to, di sila maliligaw. Kaya kawawa ka kasi ililigaw kita!" pagbabanta niya sakin kaya napahawak agad ako sa braso niya. Nagsimula naman siyang maglakad at ako nasa likuran niya nakahawak sa braso niya.

Ang daming mga nilalang na nagpapabenta n kung ano-ano. Di ko alam an tawag e, di naman ako taga rito. Pero mukhang masarap!

"Hoy zoren. Akala ko ba papahirapan mo ko? Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko sakanya.


[A/N: KAPAG NAKA BOLD AY KAY ZOREN ANG ISIP, KAPAG NAKA NORMAL KAY ALIYAH ANG ISIP]

Kung di lang ako pinagalitan kagabi ni Lolo dahil sa katigasaan ng ulo mo, at binantaan na gawin akong palaka di ako mag aabalang isama ka dito para makita mo ang mundo namin. Kaya ko lang ginawa tong alipin para sumunod ka sakin, di ka pa naman nasunod sakin, kung nagkataon lagot ako kay Lolo.

"Maghintay ka mamaya, papahirapan kita. Ngayon magpakasaya ka muna!" sabi ko sakanya, nakakatawa talaga kapag nagugulat siya. Ang pangit ng mukha niya.

"Kahit anong ipagawa mo kayang kaya ko!" sabi ko kay Zoren, lecheng lalaking ito. Maghanda handa na ako sa gagawin niya.

Naglakad lakad kami at nakakapit pa rin ako sa braso niya.

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now