Dating tayo

1.5K 32 2
                                    

Doon tayo sa dating tayo
Kung saan ang ngiti sa ating mga labi ay hindi mabura
Pero... pero
Pero may hangganan talaga ang lahat
May dapat ba akong pagbayaran?
Samantalang ikaw yung nangiwan
At ako yung nasaktan
Iniwan mo kong nakatunganga sa ilalim ng buwan
Habang nagaaliw sa mundo ng musika at pantasya
Habang tumutulo ang aking mga luha
At ibinibigkas ang mga salitang
Mahal kita
Minahal kita
At mamahalin pa kita
Pero paalam na
Sana dumating ang araw na bumalik tayo sa dati
Sa ikaw at ako
Sa dating tayo

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon