Chapter 3

1.6K 43 0
                                    

Angel
Mika's PoV

Pagkatapos nang klase namin ay dumeretso na ako sa canteen. Gutom na kasi talaga ako......

Umorder na ako nang pagkain. Wala naman masyadong tao dito sa canteen maaga pa naman kasi may klase pa siguro yung iba kumuha nalang ako ng isang serve ng spaghetti at isang coke.

May nakita akong bakanteng mesa sa may sulok at duon nalang ako uupo. Habang papunta ako sa table na napili ko ay bigla nalang dumating si Janella kasama ang kanyang mga alipores. Lumapit sila sa akin at biglang hinila ang buhok ko.

Ngina ang sakit ah...

"Bitiwan mo ako" sigaw ko. Pero hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang paghila sa buhok ko.

"Akala mo palalampasin ko yung ginawa mo sa akin, well nagkakamali ka" at mas diniinan pa niya ang paghila sa buhok ko

"Pwede ba, wala akong kadalanan sayo'" sigaw ko pabalik sa kanya actually we're already getting the attention from the students here at the canteen.

Grabe na masakit na talaga ha kaya hinila ko na rin ang buhok niya "Let go of my Hair Bitch" angal niya

"Let go of mine first"

And with that tumulong narin ang mga alipores niya kaya napabitaw nalang ako sa buhok niya napa-upo ako sa sahig. Nagsimula na silang tadyakan ako sa kung saan saang larte ng katawan ko. Unti unti ko ng nararamdaman ang sakit ng katawan ko naramdaman ko rin ang pagbuhos sakin ng malagkit na bagay at nang tingnan ko ito ay iyong spaghetti na inorder ko.

Biglang huminto sila Janella sa mga ginagawa nila. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaking nakahawak sa pulso ni Janella. Magulo ang kaniyang buhok ngunit malinis parin naman siyang tingnan kahit ganon mas nakadagdag pa nga ito sa kagwapuhan niya.

Matangos ang kaniyang ilong at mapupula ang kaniyang mga labi. Ang kaniyang mapupungay na mata ay hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon.

"Stop it already Janella" he told Janella in a serious tone.

"Well im just teaching her her lessons babe" Janella answered.

"Let's go" at hinila niya na papalayo si Janella at sumunod naman ang kaniyang mga alipores sa kaniya. I owe him that one well kung hindi siya dumating baka gutay gutay na ako bigla namang may lumapit na lalaki sa akin at inalalayan akong tumayo napagtanto kong si Kevin pala ito "Are you okay? I'm gonna bring you to the hospital. Sorry if hindi kita napagtanggol kakarating ko lang " hinihingal niyang sabi

"Ah, oo kaya ko pa namang tumayo" sabi ko sa kanya at inakay niya ako papunta sa likod nang school

"Sigurado ka bang ayaw mong dalhin kita sa clinic" aniya "wag na may first aid kit naman ako eh"sabi ko naman sa kanya at nagsimula na rin siyang tulungan ako sa paggamot nang mga sugat ko.

"Kilala mo ba yung nagligtas sa akin kanina mula kina Janella gusto ko sanang mag pasalamat kaso umalis siya kaagad eh" tanong ko kay Kevin

"Hindi mo ba talaga siya kilala" gulat niyang tanong umiling nalang ako parang nagulat na naman siya at sinabing "Si Kenneth Rockefeller yun oy imposibleng di mo siya kilala" aniya.

Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kung sino talaga yung lalaki kanina.

Isang Kenneth Rockefeller iniligtas ang tulad ko. Siya lang naman ang Campus Hearthrob kilalalang kilala siya sa buong school well I heard his name pero hindi ko pa siya nakikita kaya hindi ko alam ang hitsura niya. May usap usapan ring babaero daw iyon at linggo linggo kung magpalit ng babae.

"O sige una na ako may klase pa kasi ako bye" at tumayo na siya at nagsimulang maglakad paalis well tapos niya narin namang gamutin yung mga sugat ko

-------------------------
Revised

Suddenly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon