"Si Ate Rafaella, sabi niya hindi niya iiwan ang lugar na to, kami' pero iniwan niya din kami, noon parati niya din kaming tinuturuan magbasa parang ikaw." Hmm, sino kaya siya?

"Siguro may dahilan naman' kaya siya umalis. Hindi ako mangangako sayo ng kahit ano pero' habang nandito ako tuturuan ko kayo at mag eenjoy tayo. Sali kana sa amin?" Masakit naman talagang umasa at mabigo sa mga taong nangako sa atin' pero hindi naman nila tinupad. Pero malawak ang buhay, marami paring dahilan para maging masaya.

Bata pa siya para problemahin ang mga bagay na ganon. Pero sino nga kaya si Rafaella?

"Sige Ate Mariel, sasali na po ako sa inyo." Mabait naman pala siya, nadala ng charm ko.

Nagulat si Heart na kasama ko si Sasha at nakahawak pa sa kamay ko. Kinindatan ko siya.

"Oh mga bata, makakasama na natin si Ate Sasha ninyo." Isang malakas na yehey! ang narinig ko sa kanila.

Mag iisang buwan ko nadin silang nakakasama at nag eenjoy ako. Naisip ko si Nanay Abby, ang Nanay nanayan ko, ang nagpakita sa akin ng pagmamahal, tama siya kahit simple ang buhay na ganito masaya at higit sa lahat tahimik, walang pressure. Kamusta na kaya sila? Panigurado galit na galit si Dad sa ginawa ko.

Pero masaya ako dahil nagagawa ko ang mga bagay ng gusto ko lalo na ang pagtuturo sa mga bata. Masaya ako kapag nakikita silang naglalaro, may ningning sa mga mata at malulutong na halakhak. Bagay na hindi ko naranasan.

Ate Mariel, gusto mo bang sumama sa amin bukas? Maliligo kami sa talon. Masarap maligo doon, malamig ang tubig. Napangiti ako kay Sasha, magiliw na ito at ngayon ay iniimbitahan pa ako.

Hmmm, anong oras ba? Hindi ako pwede sa umaga at marami akong gagawin. Pero gusto ko sumama, hindi ko pa nararanasan maligo sa ganon. I never seen an actual Waterfalls my whole life.

Sige sa hapon nalang Ate, mga alas dos, malilim naman doon kaya hindi mainit. Excited na ako para bukas. Kailangan ko nalang magpaalam kay Gabriel.

Nagsipaguwian na kami at nagkasundong magkikita nalang sa maliit na store nila Sasha.

Nag umpisa na akong magluto ng hapunan. Hindi ko alam pero natutuwa ako kapag nakikitang magana si Gabriel kumain ng niluto ko. Pero hindi ako nagpapakitang pinanunuod ko siyang kumakain at nagagalit.





Gabriel's POV

Kakatapos ko lang mag shower ng maamoy ang niluluto ni Mariel at wala akong mairereklamo sa pagluluto niya kahit ang mga tao ko ay bilib sa kanya. Bumaba ako at sinilip siya sa kitchen. Napagmasdan ko ang pang upo niya. Hindi iyon kalakihan pero sakto lang at kahit mahabang saya ang suot niya hindi makakailang maganda ang hubog ng katawan niya.

Napatingin ako sa makinis niyang batok dahil nakapusod ang buhok niya. Malaya ko siyang napagmasdan dahil nakatalikod siya sa akin. At hindi ko alam pero nag init ang pakiramdam ko.

Seriously Gabriel? Hindi ko alam na naisatinig ko iyon.

Huh? May kailangan ka ba? Gulat na tanong niya. Gusto mo na bang kumain? Patapos na din naman ako. Dagdag pa niya.

Ah eh wala, itatanong ko lang kung anong hapunan? Palusot ko.

Pasta ang niluto ko. Chicken Alfredo. Nagtaka ako kung bakit alam niya iyon para sa isang laking probinsyang gaya niya. Nangunot ang noo ko. At bago pa ako makapagtanong..

Nabasa ko lang sa magazine doon sa library. Sibukan ko lang, mukha kasing masarap. Paliwanag niya. Nagkibit balikat na lamang ako.

Hindi nagtagal ay tinawag niya na rin ako. Nakahanda na ang pagkain at sa amoy palang ay natakam na ako.

Nakita ko siyang pumasok sa kanyang silid. Minsan ko na siyang inalok sumabay sa akin sa pagkain ayaw naman niya. Akala siguro niya pipilitin ko siya. Sumubo na ako ng pasta at hindi ko napigilang mapangiti, she's really a good cook. Kung siya siguro ang magiging asawa ko, araw araw akong busog.

Tssss! Sinita ko ang sarili ko sa pagiisip na maging asawa siya..Isa lang ang babaeng mamahalin ko at alam kong babalik siya.

Umiinom na ako ng tubig ng muling lumitaw si Mariel. Parang may gusto itong sabihin...

May gusto kang sabihin' Mariel? Inunahan ko na siya.

Ah kasi, bukas ng hapon, gusto ko sana sumama' kina Sasha maligo sa Talon. Kilala ko si Sasha, bunsong anak ito ni Mang Teban at Aling Dadang.

Hindi pwede! Dumito ka lang sa bahay, kung gusto mo maligo ka d'yan sa pool 'pero dito ka lang. Sagot ko sa kanya, nakita ko siyang sumimangot. Himala at hindi na umapila pa.

Naging abala kami ng sumunod na araw ng mga kasama ko. Nakapagtanghalian nadin kami, si June na lamang ang inuutusan ko na kumuha ng pagkain ko' ayoko na kasing maulit ang nangyari kay Mariel, mas mabuting nasa bahay na lamang siya.

Pero nag init ang ulo ko ng marinig ko ang pag uusap ng tatlong lalaking halos kaidad ko, mga trabahador ito sa konstraksyon sa bayan.

Pare ang sexy nong chicks na dumaan kanina, ang kinis ng legs! Yong may kasamang mga bata. Dinig ko pre maliligo sila sa talon. kinutuban ako at mukhang kilala ko ang tinutukoy nila.

Tara Pre' panoorin natin. Malay natin baka mag two piece iyon. Maliligo sa talon, two piece? Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa talon.

At tama nga ako, ang magaling kong maid, tuwang 'tuwang naliligo kasama ang mga bata. Tila siyang siya ito di alintana ang ngayon ay bakat na hubog ng katawan sa manipis na dilaw na t-shirt. Naging alerto ng makarinig ng mga yabag.

Sinalubong ko sila..

Sir Gabriel... bati ng isa sa kanila. Alam kong kilala nila ako dahil pagaari ko ang lupang kinatatayuan ng mga bahay nila.

Saan ang tungo ninyo? Maliligo ba kayo sa talon? Kunyaring tanong ko.

Oo sana Gabriel! Ikaw anong sadya mo dito? Mayabang ang isang to.

Susunduin ko ang girlfriend ko. Naliligo kasama ng mga bata. Maoturidad na sagot ko. Bakas sa kanilang mukha ang pagkagulat. Marahil alam na nila kung sino ang tinutukoy ko.

Ay siya nga...nako naalala ko may inuutos pala ang Tatay ko kanina Sir Gabriel, sa susunod nalang ako maliligo. Mabilis na nagpa alam ang isa sa kanila.

Kami din Gabriel. Sa susunod nalang. Turan ng isa pa. Wala na din nagawa ang mayabang ng kasama nila kundi umalis.

Inis na binalik ko ang tingin sa babaeng tila walang pakialam sa paligid at tuwang 'tuwang nagtatampisaw sa tubig kasama ang mga bata. Ang tigas ng ulo, sinabihan ko na siyang wag tumuloy.

Pinili ko na bumalik nalang sa trabaho sa taniman ng Kamatis. Pero hindi maalis sa isip ko ang magandang imahe ng babaeng naliligo sa talon.







Sino ang gustong maligo din sa talon mga Labs? Excited ako sa mga mangyayari kina Gabriel at Mariel. Sana kayo din..

Skycharm24

Kismet (Completed)Where stories live. Discover now