Ikalabing-dalawang Baitang: Harana

794 17 0
                                    

Dedicated ito sa lahat ng tumangkilik sa kwento na ito maraming salamat po. Sobra kong na-appreciate kayo kahit super silent kayo na reader pero I super appreciated it. di niyo alam kung gaano ako ka-thankful na kahit baguhan lang ako at super amateur tong pagkakasulat ko nito pero still binasa niyo ito. I love you guys.

Then DEDICATED ito sa author na nag-inspire sa akin magbasa ng boyxboy. Siya talaga yung pinakuna kong kwento na nabasa dito sa wattpad na boyxboy. Idol ko talaga siya super.:) Thanks sa pag-inspire sana mag-update ka na sa SMFU. hahaha

Ikalabing dalawa: Harana 

Harana

Uso pa ba ang harana 

Maaari ikaw ay nagtataka 

Sino ba tong mukha gago 

Nagkakandarapa sa pagkanta 

At nasisintunado sa kaba

Wah!!!!! Nakakainis talaga yung Justin na iyon. After niya kong ikiss sa harap ng madaming tao at iparamdam sa akin na mayroong something sa amin, ngayon! NGA-NGA ako. Shetness talaga iyon oh. Ilang araw na ang lumipas pero hala, MIA na naman ng gago.

Hayts! Sumasakit ang bangs ko sa batang ito e.

"Dylan! Bumaba ka na dyan sa kwarto mo. Nagpakaermitanyo ka naman. Hala maligo ka na." sabi ni kuya Pat-pat. Napasimangot naman ako.

Bakit ako mag-aayos? Wala naman akong balak for today eh. Ang gusto ko lang ay magmukmok. Nakakadepress din kaya na isipin mo kung sobrang assumera ba lang ako o napakapaasa lang ni Justin. AHHHH! Nakakaloka talaga. Ang mas mabuti pa ay matulog na lang ako.

"Mic test, mic test."

"check mic, check mic."

"Pre dahan dahan naman oh, ang bigat kaya nito."

"Hoy! Ingatan mo yan dong, mahal yan."

"Ehem, ehem!"

"Check mic, check mic"

"Sound system oh, paayos!"

"Ah!!! Tangnes, ano ba yung ingay na iyon?" bigla ko na lang naisigaw.

Nakakaidlip na kasi ako ng bigla kong narinig yung mga ingay na iyon. Nakakaloka. Nakakasira ng ganda ang mga ito ah.

"Hoy!Makasigaw naman oh. Tumayo ka na dyan the whole day ka na halos nakahiga. Hala, hala bangon." pilit ni mama sa akin para tumayo. Kahit naiirita ay sumunod pa din ako. Nakakatamad naman eh.

After kong gawin ang lahat ng daily routine ko ay bumababa na ako. Halos maghahapon na din pala at nakakaramdam na din ako ng gutom. Sabi ko naman sa inyo tinatamad ako e.

Nang nakababa na ko ay nakita ko si mama na nakadungaw sa bintana. Si kuya naman ay nasa may pintuan; dahil nacurious ako nakidungaw na din ako. And to my surprise,

"Ehem, ahm. Ako po si Justin Kyle Lee. 17 years old nakatira sa Earth, de joke sa kabilang kanto ay gustong mangligaw sa lalaking kakadungaw lang sa bintana." madamdaming sabi ni Justin.

Hindi ko alam kung namula ako doon oh ano pero isa lang ang sigurado.

KINIKILIG ako!!!!

HAHAHA namumula ang pisngi ko ng sumagot ako sa sinabi niya.

"Hoy! Bugok ka, bakit ngayon ka lang nagparamdam. Sira ulo ka." masungit kong sabi.

Napangiwi naman siya bago ulit nagsalita.

"Ah, pasensiya na aking sinisinta. Hindi ko kasi alam kung paano mag-uumpisa. Alam kong nagtampo kaya sana, sana hayaan mo kong bumawi."

Paano ito babawi?

I'm So In Love  (bxb)Där berättelser lever. Upptäck nu