Ikasampung Baitang: Ang Mga Baliw, yoo! Part 2

723 19 6
                                    

Dedicated kay Janine aka NINJA XIV, Belated happy birthday kapatid. Dilang crush mo si Derry ng In My Dying Days ko, oh ayan po oh, HAHAHAHAHAHAHA nagcross ng konti ang dalawang kwento.

Ayun enjoy sa inyo. SALAMAT sa pagbabasa. Smile mga babes!

Ikasampung Baitang

Ang Mga Baliw, yoo! Part 2

Dylan

Ang tagal nagtitigan nung dalawa para silang na-entranced sa isang magical awkward quietness. Oo AWKWARD kasi yung way ng patitigan nila alam mo yung parang may something na ewan ko?! Gap ba o di pagkakaunawaan. Ang cold tumingin ni Kuya Kira while si Kuya Derry naman parang blank face. Di mo mabasa yung nasa isip nila.

Buti na lang dumating bigla si mama para batiin si Kuya Kira.

"Oh! It's nice to see you Kira. It's been a long time since we've seen each other, iho." magiliw na bati ni mama kay Kuya Kira.

Doon lang lang naputol yung pakikipag-eye to eye niya at magilw ding tumingin kay mama.

"Oo nga po. Namiss kong tumambay dito at syempre kayo po tita ganda." bola pa niya kay mama.

Tumawa lang si mama at kiniss sa cheeks si kuya Kira.

"I hope magtagal kayo dito this time. Namiss ka nitong si baby bunso namin wala siyang nakakajamming eh." nakangiti pang sabi ni mama.

Nilingon naman ako ni kuya Kira then smirk.

"Talaga? Namiss ako nitong ni Dylan?" mapanukso pa niya tanong.

I pouted then nilapitan siya para batukan.

Napa-ouch lang siya at natatawang ginulo yung buhok ko. Si mama naman ay bigla akong tinampal sa kamay dahil sa ginawa ko.

"Dylan! Bakit mo naman sinaktan si Kuya Kira mo?" naninitang sabi nito.

Sumimangot lang ako at tinignan ulit si kuya Kira.

"Ang bad mo, nag-away pa tuloy kami ni Justin dahil sa ginawa mo." inis na sabi ko.

Tinawanan niya lang ako.

"Oo na, sorry po!" ala-chichay pa niyang pag-sosorry.

Inismiran ko lang siya at pinuntahan na si Kuya Derry.

Napansin kong di siya natinag sa kinatatayuan niya at tahimik lang na nakatitig kay kuya Kira na mukha naman niyang iniigore.

Kinalabit ko muna siya bago pa-piggy ride ulit na sumampa sa likod niya. Ayaw ko kasi yung blank face na Kuya Derry, di ako sanay. Kaya hangga't mukha pang pwedeng ma-distract siya ay ililihis ko ng mabad mood siya kahit di ko alam kung bakit siya bad mood bigla samantalagang ang saya pa naming nagkwewentuhan kanina.

"Kuya, hatid mo ko sa kwarto bago pumunta kina kuya para ituloy niyo yung karimarimalim na pag-inom niyo sa very first day of the school week." malambing kong sabi.

Napangiti ko na din siya sa wakas at walang sabi sabing iniwan si Kuya Kira at mama na nagkwekwentuhan pa.

Nung napadaan kami sa kanila ay napansin kong napatingin si Kuya Kira sa amin. Biglang naging blangko yung tingin niya habang sinusundan yung pag-akyat namin ni kuya Derry papunta sa kwarto ko. Napabuntong hininga na lang ako. Ano kayang problema ng mga ito? Alam ko silang dalawa ang super close ah at to what kuya Derry told me dati na kaya di siya makaalis-alis sa school ko na pinagtratrabahuan din niya ay because kay kuya Kira, o baka ibang tao iyon? Hay, ang gulo talaga ng love. Kahit anong edad pag-love ang pinag-uusapan laging may kaakibat na komplikasyon.

Nasa tapat na kami ng kwarto ko ng mahina kong sinabi sa kanya na ibaba na ako.

Binaba naman niya ako at aaktong babalik na sa veranda para siguro samahan na si Kuya Patpat ng bigla kong hawakan yung kamay niya.

I'm So In Love  (bxb)Where stories live. Discover now