Ikalabing-isang Baitang: Paano ba manligaw?

672 18 0
                                    

Ikalabing-isang Baitang

Paano ba manligaw?

Justin

Weeks had passed at hanggang ngayon ay wala pa din. As in wa eh. Hindi ako makadiskarte.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko; nawawala ang kakapalan ng mukha, umuurong ang dila at parang lumalabo ang kagwapuhan ko.

Shete, pagDylan na ang pangalan parang di ako si Justin Kyle Lee e.

Nakakabaliw parang yung nagsusulat ng kwentong ito. Medyo adik din.

(nasama pa ako? Epal ito ah.)

Hay, buti na lang pogi ako.

( kapal muks)

Heh!

Stop na nga sa pagmumukmok.

"Hey! Wanna eat?" alok sa akin ni kuya Derry. Nasa bahay nga pala siya.

At masaya.

You know why?

May lovelife na kasi ang loko.

At kilala niyo ba kung sino?

"Babe, Layuan mo yang torpe baka mahawa ka." pang-iinis niya sa akin.

I glared at him.

"At least hindi assumero kuya Kira." balik kong inis din sa kanya.

Tama si Kuya Kira, ang adik kong kuya.

Natawa naman si Kuya Derry. Nalaman ko na kasi yung reason kung bakit sila nagkahiwalay and at the same time kung bakit ayaw ni Kuya Derry ishare sa akin kung anuman yung secret niya. Si kuya pala ang secret niya.

hay.

Buti pa sila, ayos na. Ako kaya?

Dahil sa pag-iisip ko tungkol doon bigla akong napabuntong hininga.

Sabay naman napatingin yung lovers sa akin.

"Problema mo?" medyo rude na tanong sa akin ni kuya. Inis pa siguro sa akin dahil sa pagbrobrought up  ko nung kaengotan niya.

Tinapik naman siya ni Kuya Derry.

"Hoy umayos ka nga. Bad nito." saway niya kay kuya pangit. haha medyo bad din eh.

Binelatan ko naman si kuya. haha kala niya ah.

At dahil sa inis ay binatukan ako

" Ouch" pagdaing ko.

Hinimas-himas ko yung ulo ko ng makarinig naman ako ng daing na parang namimilipit.

Hinanap ko kung saan nanggaling yung at di ko maiwasang di matawa sa nakita ko.

Kuya Derry pinching Kuya Kira's nose.

Tawa ako ng tawa sa sobrang pula ng ilong niya. Sininghalan naman ako ni kuya.

"Ano tinatawa-tawa mo dyan?! " away niya sa akin.

Umiling lang ako habang pilit pinipigilan ang pagtawa.

"Pero seriously bunso, ano problema mo bakit ka naman bigla na napabuntong hininga dyan?"

Naptigil ako sa pagtawa dahil doon at sumeryosong tumingin sa kanila.

" Mga Kuya? Ahm. Bakit ganoon?" di ko matuloy-tuloy na tanong

They look at me encouragingly.

"Ano? Pa-paano ba manligaw?" medyo nahihiyang tanong ko.

Well. sorry po you can't blame me kasi this is the first time na naisip kong gawin ang bagay na ito. Kaya siguro tulala yung dalawa before Kuya Kira patted my shoulder and said,

"Hmm.... I don't know." while looking at me seriously.

Feeling ko mahuhulog ako sa kinauupuan ko dahil sa sagot niya. Diyos mio good thing nakakatanda ko siyang kapatid kasi kung nagkataon. Baka kinaltukan ko na siya.

I gritted my teeth and look at him.

"Seryoso naman e. Kainis ito." sabi ko.

Tumawa lang siya bago ulit umingin sa akin.

" Oo na, oo na. Sa totoo lang kasi di ko din alam e. Mahirap masabi kung paano ba talaga manligaw. Walang perfect formula or strategy sa bagay na iyan. Tanging ikaw at ikaw lang ang makakaisip ng paraan." mahabang paliwanag niya.

Napaisip naman ako.

Its only me that can think of a way to pursue or a way to court him. Pero ano?

Kuya Derry look at us.

"You know for the first time maganda yang lumabas sa bibig mo. I'm proud of you." sabi ni kuya kay kuya ko with his goofy grin.

"I know right." mayabang na sabi naman ni kuya.

Pinanggigilan nila ang isa't isa bago ako naman ang pinagtuunan ng pansin ni kuya Derry.

" Justin, one good advice. Just show who you are. Ipakita mo ang mga kaya mong gawin. Wala kang dapat patunayan pa kasi kahit ano ka pa. Mahal n amahal ka ni Dylan. Always remember that."

Mahal na mahal daw niya ako.

Sana nga.

Tinapik ulit ako ni kuya Derry bago ngumiti.

"Kaya mo iyan. Gamitin mo kung saan ka pinakamagaling by that makakagawa ka ng pinakaeffective na way para maparamdam mo yang nararamdaman mo sa kanya."

Then parang light bulb na nag-ting ang idea sa utak ko.

Napatayo ako bigla at napayakap kay kuya Derry. Nahalikan ko pa siya dahilan kung bakit bigla akong hinila ni kuya ko.

"Oy sumosubra ka ata. Nakakatyansing ka na. tama na yan." inis na sabi ni kuya.

Natawa lang kami ni kuya Derry bago ako lumayo sa kanya.

Swerte talaga ako dahil sa kanila. I'll be forever grateful to them sana lang maging maganda ang kalalabasan.

Sabi nga ni Kuya Derry, ipakita ko daw kung saan ako mahaling. Sana lang talaga maging okay siya. Kinabahan naman ako bigla.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Enjoyness

I'm So In Love  (bxb)Where stories live. Discover now