"S-sino ka?" Ulit ko. I watch his lips turned into smirk. Lalong nanindig ang aking balahibo at tumayo. He's towering me. Umabot lamang ang eye level ko sa kaniyang dibdib.

"Bakit gusto mong malaman?" He sounds playful. Nakagat ko ang labi.

"Hindi kita kilala. Bakit ka nandito sa palasyo?" Tanong ko.

Kinakabahan ako. Wala man siyang ginagawang masama pero ramdam ko ang dala niyang panganib. Ni hindi ko naramdaman ang presensya niya kanina! Ni hindi ko matukoy kung bampira siya o anong nilalang. All I know is his dark and dangerous aura is something that scares me.

"Beautiful.." he murmured. I froze when his warm palm covered my left cheek. It gently caressed me, na tila hinehele ako.

"S-sino ka? Paano ka nakapasok?" I asked again.

I suddenly want to see his face! Hindi ko iyon maaninag. What if, alisin ko ang hood ng cloak niya? Natigilan ako nang umiling siya.

"You can't do anything against me, lady. Bago mo pa magawa, alam ko na.." Makahulugan niyang saad. Napaawang ang labi ko at umatras. Muling hinuli ng kaniyang palad ang aking pisngi.

What does he mean? Nakababasa siya ng isip?

"Hmm, you can say that.." he gently said. Napalunok ako.

He's not a vampire! I'm sure. O baka naman ito ang kakayahan niya bilang isang bampira? Maririnig lamang ng bampira ang iniisip ng isang nilalang kung ito ang kaniyang mate. Malakas ang koneksyon nila. Pero bago iyon, kailangan muna nilang gawin ang ritwal. Kaya imposible na siya ang aking kalahati.

He smirked again. He's happy because he turned my mind into chaos. Natutuwa siyang marinig na ang gulo ng utak ko. Na marami akong tanong. Well..this is me. Always curious.

"Sino ka?" tanong ko muli. Tumigil sa paghaplos ang kaniyang palad. Ngunit nanatili ito sa aking pisngi.

"Why are you so curious, lady?" he asked. His baritone voice says that how much mature he is. Lumipad ang utak ko sa maraming haka-haka ukol sa kaniyang hitsura. And I want to prove my imaginations, I want to see his face.

"Paano ako hindi magiging curious? E, bigla kang lumitaw rito. I can't even see your face. Sino ka nga ba? Ano ang kailangan mo?" Sunod-sunod ko na tanong. Hindi siya umimik. Ngunit nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa posibilidad na pumasok sa aking isip!

"Kalaban ka ba? Are you here to spy?" Umatras ako ngunit tumama na ang likod ng aking binti sa upuan. Agad akong tumakbo at pumunta sa likod noon kaya nakapagitan na sa amin ang upuan. "Ano? Reveal yourself already!" I hissed. Napalunok ako nang mas bumigat ang kaniyang aura.

Nawala siya sa paningin ko. My lips parted again and look around. But I stiffened when a strong arm caught my waist. It snaked around my stomach and hot breath fanned the side of my neck.

"Hindi ako nakapailalim sa kaharian na 'to para utusan mo, prinsesa. Kahit kailan hindi mo ako mapapasunod. I don't want you and anyone commanding me. I'll do what I want," he firmly said. Suminghap ako ng hangin dahil sa kaba. I can sense the anger on his voice and it's dripping like an acid. Pakiramdam ko ay kaya niya akong durugin habang mahigpit niya akong kinukulong sa kaniyang katawan gamit ang isa niyang braso.

"I'm not anyone's puppet."

I can sense that he wants to be dominant. Always. Ayaw niyang inuutusan siya. I can compare him to those smelly alphas.

"K-kung ayaw mo, e 'di umalis ka dito! Once you're on our territory, you must follow the leaders and I'm one of those leaders!" I replied. Lalong humigpit ang kaniyang braso na nakapulupot sa 'kin. Bumagsak ang tingin ko roon and I notice that his veins are now visible on his white pinkish skin.

Beauty and the DemonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt