Napanguso ako at umiling sa kanya. "But it doesn't make a point. How could you be so kind to me? You're doing this as if you have known me for so long when in the first place apat na araw pa lang tayong magkakilala." sabi ko sa kanya.






Bumuntong-hininga siya. "It's not about how long you've known the person. It's about how you feel towards them. And I feel that you are my little sister asking for comfort. I want to give you that. I don't want to see you crying and hurting."








Natigilan ako at wala akong masabi. My hearts beating fast as if I have race for a marathon. How could he feel that towards me when I don’t do anything for him? Parang napakaimposible. Pwede ba iyon? Kakakilala lang naming dalawa. May ibang rason pa ba siya?






Tinignan ko siya. "I am not looking for a rebound." hindi napigilang sabi ko sa kanya. Shit! Pwede ko pa bang bawiin iyon? Nakakahiya! Really Amanda? Sinabi mo sa kanya iyon? Shit! My gosh!









Hindi ko kasi mapigilang isipin ang bagay na iyon. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula sakin. Oh my gosh! Nakakahiya talaga! Kita ko ang amuse sa tingin niya nang makabawi sa sinabi ko.







"What? You think I want to be a rebound?" di makapaniwalang sabi niya. Uminit ang mga pisngi ko sa pagkapahiya. Tumawa siya dahilan para sumabog na ang pisngi ko sa init nito. Damn it! Bakit ba hindi ko napipigilan ang bibig ko kapag may gusto itong sabihin?








"Timothy!" pagalit na sabi ko sa kanya. Nagtaas siya ng dalawang kamay habang mahinang tumatawa. "Sorry I just can’t help it!" tawa niya na may pahawak-hawak pa sa tiyan sa sobrang tawa niya.









Hindi ko na naiwasang mapangiti dahil sa pagtawa niya kahit pa alam kong tinatawanan niya ang sinabi ko sa kanya. He laughed his heart out as if there’s no tomorrow for that. How his laughed could make me happy? Nakakahawa kasi ang tawa niya. Gosh!







"Uy, napangiti na kita." sabi niya bigla. Sinimangutan ko siya fighting myself not to smile. "Weh nagpipigil."






Tuluyan na kong natawa sa kanya. Nahampas ko siya ng unan. "Lumabas ka na nga, Timothy kung mang-aasar ka lang. Ayos na ko." sabi ko sa kanya, nakangiti. Ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng mga pisngi ko pero nagiging kumportable na ulit ako sa kanya. Siya ang ilan sa mga taong mabilis kong nakakapalagayan ng loob.







Huminto siya sa pagtawa pagkaubos niya ng tawa niya. Hinawakan pa niya ang tiyan niya. Grabe talaga siya! “Ang sakit ng tiyan ko sa pagtawa.” sabi niya. Sinimangutan ko siya.







“Paanong hindi? Eh, halos mamatay ka na nga kakatawa riyan.” di na napigilang sabi ko sa kanya. “Para ka ngang nanood ng isang comedy shows.” dugtong ko pa.







Tumawa na naman siya pero saglit lang. “Sorry na.” he said. His smile remains. "Kumain ka na, Amanda. Dinalhan kita ng pagkain." sabi niya. Hindi maiwasan ng puso ko ang uminit dahil sa sinabi niya. I find his gestures sweet. I really do appreciate it.






Tumayo siya at kinuha iyong tray saka nilagay sa gilid ng kama. Napangiti ako. Lunch in bed.  Hahaha.





"Hindi mo na sana ginawa pa ito." nahihiyang sabi ko. Umayos ako sa pagkakaupo.







"Wala na nandiyan na." ngiti niya. Hiniwa niya ang manok sa plato saka binigay sakin ang kutsara at tinidor. "Inubos ko na iyong kare-kare." sabi niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay.







Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon