MTJAB-Season 2: Chapter 30

Start from the beginning
                                    

Gustuhin ko mang balikan siya, ayaw na ng utak ko. Tama na ang puso. Tama na ang paggamit ng puso ko dahil masyado na akong maraming nasaktan nang sinubukan kong gamitin ang puso ko at pamilya ko pa ang nasaktan ko.

"Ayokong ipangako! Baby... ayusin natin. Kaya naman nating ayusin." Desperadong desperado na ang boses niya. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagbusina. Alam kong si Kevin na 'yon. Isa sa mga bagay na hiniling ko sa kanila ni Ms. Mae ay ang ilayo ako sa lugar na ito. Dahil hangga't nandito ako, alam kong hindi mahihilom yung mga sakit sa puso ko. I wouldn't make the same mistakes twice. Tama na ang isang beses na pagkakamali ko sa pamilya ko.

Marahas kong kinalas ang pagkakayakap sa akin ni Liam at mabilis akong tumungo para maiwasan ang mga titig niya pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at marahan na pinisil iyon.

"Hinding hindi ako titigil sa pagmamahal sa'yo, Lian." This time, narinig ko na ang paghikbi niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at marahan na umiling.

"Sinasabi mo lang 'yan." Sagot ko sa kanya.

"Dahil ako, unti-unti na akong tumitigil sa pagmamahal sa'yo." Pagsisinungaling ko sa kanya. Marahan kong binitawan ang kamay niya at tuluyan na akong naglakad palapit sa sasakyan ni Kevin nang hindi pinagbibigyang tingin si Liam.

Darating din ang araw na alam kong makakalimutan niya ako. Si Marcus Liam Cando siya. Alam kong marami pang magmamahal sa kanya. Hindi ang isang katulad ko na maraming pagsisising ginawa simula nang mahalin ko siya. Huli nang sabihin kong tine-treasure ko ang bawat sandali na kasama ko siya dahil alam kong hindi ko na mababawi lahat ng masasakit na salitang binitawan ko para sa kanya. Kailangan kong panindigan 'to para sa pamilya ko.

Isang panyo na naman ang nakaharap sa akin ngayon na kaagad kong kinuha at pinunas sa luha ko.

"Salamat." Bulong ko. Narinig kong huminga nang malalim si Kevin habang abala sa pagmamaneho patungo sa condo unit na titirahan ko.

"Next week na ang debut mo sa showbiz. H'wag mong sabihing haharap ka sa maraming tao na ganyang kapangit ang mga mata mo." Panunuya niya sa akin pero hindi ko siya pinagbigyang pansin pa.

Sinong mag-aakala na gano'ng kabilis magbabago ang buhay ko? Sa isang linggo, magiging girlfriend ako ng isang sikat na singer. Sa isang linggo, magiging isang sikat na rin ako kagaya niya. Pero lahat ng pagbabagong 'yon sa buhay ko ay may kapalit.

'Yon ay ang mawala siya.

"Come on guys! Maghapon na tayong nagre-rehearse dito, hanggang ngayon hindi niyo maayos ayos 'yang isang kanta na 'yan!" Bulyaw ni Ms. Jheann sa amin. Siya ang mentor namin ni Kevin sa pagkanta at kanina niya pa kami sinesermonan na wala kaming emosyon sa pagkanta.

"Masyado kayong plain. Paano niyo maipapakita sa mga tao na nagkabalikan kayo!" Dalawang araw na ang lumipas, may mga lumabas na article tungkol sa aming dalawa ni Kevin na kaagad namang kinagat ng madla. Napapaniwala sila na ako ang dating girlfriend ni Kevin na matagal na niyang itinatago sa publiko. Bulong bulungan na rin kasi noon pa ang isang babae na matagal na niyang girlfriend at bigla na lang may lumabas na issue na tinanggihan ng babae ang kasal na alok ni Kevin para dito at ngayon, pinalabas na lang nila Ms. Mae na nagkabalikan na si Kevin at ang girlfriend niya at ako ang babaeng 'yon.

"Jheann, iwan niyo muna kami." Malamig na untag ni Kevin. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Ms. Jheann. Sandali niya akong tinitigan at halos mapalunok ako sa pagbabanta nito sa akin.

"Cheer up guys!" Sigaw ni Ms. Mae saka tumalikod na sila ni Ms. Jheann. Kaming dalawa na lang ni Kevin ang naiwan sa studio. Pinagmasdan ko siya at napahugot na lang ako ng isang malalim na paghinga nang mapansin ko na naman ang peklat sa dalawang kilay niya. Sana okay lang siya. Alam kong nakarating na rin sa kanya ngayon ang balita tungkol sa aming dalawa ni Kevin.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now