MTJAB-Season 2: Chapter 30

Start from the beginning
                                    

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Eris.

"Mag-iingat ka rito, Ate. H'wag mo kaming isipin masyado nila Nanay. Aalagaan ko sila, lalo na ang Tatay." Paninigurado niya at marahan akong ngumiti.

"Salamat, Eris." Bulong ko.

"Hindi, Ate. Ako ang dapat magpasalamat sa'yo. Pasensya ka na, hindi ako makatulong. Hayaan mo, mag-aaral akong mabuti at ikaw naman ang aalalagaan ko." Bulong niya na nagpangiti sa akin. Pinunasan ko ang mga mata ko na nagbabadya na namang tumulo ang luha.

"S-sige na, baka mahuli pa kayo sa flight niyo." Paalala ko sa kanya. Tumango tango siya at sumakay na sa van. Isang marahan na ngiti ang ibinigay sa akin ni Nanay.

"I love you, Nay." Bulong ko at tumalikod na ako. Ayokong makitang paalis na sila dahil mas lalong bumibigat yung pakiramdam ko. Narinig ko pa ang malakas na pagtawag sa akin ni Angelo. Itinaas ko na lang ang kanang kamay ko bilang tanda na narinig ko siya.

"Mahal na mahal kita, Ate! Sana pagbalik namin, makita na ulit kitang nakangiti!" Sigaw ni Angelo. Para akong isang baliw na panay ang iyak at ngiti dahil sa mga pinagsasabi ng bunsong kapatid ko.

Muli kong pinagmasdan ang lupain namin na ngayon ay alam kong kami na ulit ang nagmamay-ari. Pero ang nakatawag ng pansin sa akin ay ang puno ng mangga kung saan madalas kaming mag-usap ni Liam noon. Bumalik lahat ng alaala niya sa akin. Maging ang pamilyar na sakit na alam kong siya lang ang makakahilom, naramdaman ko na naman.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pamilyar na haplos sa magkabilang braso ko. Amoy pa lang ng pabango, alam ko na kaagad kung sino siya.

"B-bitawan mo ako..." Halos hugutin ko na ng mga salitang 'yon sa pinakamalalim na parte ng lalamunan ko. Pero mas isinandal niya ako sa bisig niya.

"Ayokong bitawan ka. Alam ko ang tigas ng mukha ko para sundan ka pa rito but life is bullshit without you, Lian. Tatlong araw ka pa lang nawawala, nababaliw na ako." Sobrang husky ng boses niya at alam kong nagpipigil siya ng hikbi.

"I... I'm sorry. Ayusin naman natin 'to. Hindi ko kayang wala ka." Dagdag pa niya. Nagsimula na namang magliparan ang mga traydor na paru-paro sa tiyan ko at ang malakas na pagtatambol ng puso ko, hindi ko na naman mapahinto. Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko bago ako nakabuo ng isang maayos na salita para sa kanya.

"Nabuhay ka naman noon nang wala ako, 'di ba? Nakaya mo. Isipin mo na lang na isang panaginip lang lahat ng nangyari sa atin, Liam. Dahil para sa akin, isang bangungot lang ang lahat." Litanya ko sa kanya. Muli akong napasinghap nang maramdaman ko ang malakas na pagwawala ng puso niya mula sa likod ko. Alam kong nasasaktan ko siya ngayon pero hindi namin maaayos pareho 'to kung alam namin pareho na wasak kaming dalawa. Tama na rin siguro yung desisyon ko na makipaghiwalay sa kanya.

"Please, baby, don't give up. You are all I have. Sa'yo na umiikot ang mundo ko." Pagmamakaawa niya. Tuluyan na niya akong nayakap mula sa likod at naramdaman kong tumungo siya sa balikat ko at dinampian ng halik iyon.

"I-ipapagamot ko si Tatay. Lahat ng kakilala nila Dad, kakausapin ko. M-may doktor na kilala yung pinsan ko, sigurado akong mapapagaling niya si Tatay." Nanginginig ang boses niya na para bang isang bitiw ko lang sa kanya, babagsak na siya. Parang pinipiga yung puso ko ngayong naririnig ko na ganyan siya.

"Masyado nang masakit, Liam. Hindi maaayos 'to kung pareho tayong nasasaktan. Pabayaan mo na ako at ipangako mo sa akin na ito na ang huling beses na lalapitan mo ako." Umiiyak na bulong ko sa kanya. Parang may kung anong pumipilipit sa tiyan ko. Hindi ko kayang magpanggap na hindi nasasaktan. Hindi ako yung tipo ng babae na isang usap lang, maaayos na kaagad ang lahat. It takes time bago maghilom lahat ng sugat.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now