Chapter 13:

404 43 14
                                    

Kisses' POV:

Nakatingin ako sa phone ko, umaasang may tatawag sakin kahit alam ko namang wala syang number sakin.

Napahinga ako ng malalim,

"Are you okay?"

Napatingin ako kay Marco,

"Oo naman"

Sagot ko nalang, nasa labas kami ng airport ngayon. Kakarating lang namin, ngayon ang alis ni Marco.

"You know what? Hanggang dito mo na lang ako ihatid"

"Hindi, kahit hanggang sa loob man lang ng airport ay mahatid kita"

Pumasok kami sa loob ng airport at sabi niya hanggang doon na lang daw kasi baka mahirapan syang umalis pag sinamahan ko pa sya hanggang departure area.

Para namang hindi sya babalik,

"Sigurado ka ba? "

Nginitian nya ko,

"Oo naman. "

Tinignan ko sya sa mukha nya ng pangmatagalan bago ko sya niyakap,

"Balik ka agad"

I said between our hug,

"I will."

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya,

He waved at me at nagsimula ng maglakad paalis, nakatingin lang ako sa likuran nya.

Napayuko ako ng bigla ko na namang maalala si Edward, bigla syang nawala nung kumakain kami sa rooftop.

Tumawag si Heaven sa kanya at bigla syang nag excuse pero hindi na bumalik, may nangyari kaya?

"Kisses"

Napa angat ako ng tingin at nakita si Marco sa harap ko,

Nagtataka akong napatingin sa kanya,

"Bat bumalik ka? May naiwan ka ba?"

Tanong ko

"Baka may mabalitaan ka while nasa states ako. Tatagan mo lang loob mo ,i'll go back as soon as possible"

Di ko maintindihan ang sinasabi nya, anong mababalitaan ko?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala, if ever lang. "

Nginitian nya na naman ako pero may kakaiba sa mga ngiting yun, pilit.

Napansin kong napatingin sya sa likod ko, kaya napalingon rin ako.

Anong tinitignan nya?

"Anong meron?"

Tanong ko, habang hinahanap kung anong tinitignan nya,

"Wala, I just thought that I saw someone familiar."

Tinignan ko sya, he's acting weird.

"I'll be going."

Pagkatapos nun ay umalis na talaga sya, di ako umalis doon sa kinatatayuan ko hanggang sa nakikita ko pa sya, doon lang ako umalis nung di ko na sya makita.

Bago ako lumabas ng airport ay naupo ako sa mga upuan doon, kinuha ko phone ko at tinignan kong may text o tawag.

Baka kasi naman nagtext sya diba? Kahit di nya nga alam number ko.

Ganun ba sya kagalit sakin at iniwan nya ko sa rooftop?

Ibinaba ko ang phone ko sa tabi ko at napahawak sa ulo ko, napapikit ako.

Chasing A Stranger Back (Beautiful Stranger Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon