Chapter 6:

567 47 8
                                    

Kisses' POV:

Nasa Mall ako ngayon, nag gro-grocery. Di ko na sinabi kay Marco, alam kong sasamahan nya na naman ako, ayokong madisturbo sya.

I'm trying my best na hindi makasalubong sa daan o sa kahit saan si Heaven, lalo na sa condo. Ayoko lang makipag palitan ng salita sa kanya, mukhang ang laki ng galit niya sakin.

"Ano ba lulutuin ko? "

Habang pinoproblema ko ang lulutuin ko ay tumitingin tingin ako sa paligid. Hindi naman ako ganun kagaling magluto, si Marco yung nagturo sakin. Kung andito pa si Marco, hindi ko na proproblemahin ang lulutuin ko.

"*sigh*"

I brushed those thoughts away, maging independent ka na nga diba, Kisses?

Tsaka ano? Kisses? Hindi nga Kisses totoo mong pangalan, you're not Kisses, you're Kirsten Danielle.

Nababaliw na ako, lately, palagi ko ng kausap ang sarili ko. -_-

"Sa lahat naman ng proproblemahin ko, yung kakainin ko pa"

Sabi ko sa sarili ko, naglakad ako papunta doon sa meat section.

Habang tinitignan ko yung mga karne, nabigla ako ng may kumulbit sakin.

"Excuse me, miss?"

Napatingin ako sa kumulbit sakin, bakla sya at may suot syang glasses.

"Bakit po?"

Tanong ko, nginitian niya ako, nagtaka naman ako bigla.

"Kanina pa kasi kita napapansin habang nag gro-grocery rin ako."

Anong ibig niyang sabihin?

"Po?"

Tinanggal nya yung glasses nya at tinignan ako ng sobrang lapit sa mukha, nagulat ako kaya napa atras ako ng konti, ano ba kailangan nito?

Lumayo sya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tinitigan niya ako ulit sa mukha, napataas ang kilay ko. He's creepy.

Bigla syang ngumiti at sinuot ulit ang glasses nya,

"Bongga!"

Bigla nyang sigaw, nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa palagid. Nakakatakot na talaga sya.

"Ah? Ha.ha.ha? Una na po ako "

Aalis na sana ako ng magsalita sya ulit.

"I have an eyes for a star. And you're shining so bright, ija."

Nagkasalubong na lahat ng nagkasalubong, kasama na kilay ko. Ano ba ibig nyang sabihin?

"What do you mean?"

Nginitian niya lang ulit ako at may kinuha sa bulsa nya, pitaka. May binunot sya doon sa loob at ibinigay sakin.

"I'm Luis Sarcena, i'm a photographer and fashion designer  I have taken photos for so many celebrities already wearing my work. "

Tinignan ko sya, bat niya sakin sinasabi yan? Wala parin akong maintindihan.

"I'm telling you this because you have that star aura, you're gorgeous, i've seen many pretty girls here but you just shone the brightest that I can't help to approach you, I want you to model my designs. "

Nanlaki ang mga mata ko, seryoso ba sya? Tinignan ko yung binigay nya sakin at calling card pala yun.

"You'll get payment for modelling my designs of course. Are you in?"

Di ba to scam? Tinignan ko sya ng mabuti, at mukhang mayaman sya at mukhang hindi naman scammer.

Napaisip ako,sabi niya na may makukuha akong pera upon modelling his designs, hindi na ako aasa kay Marco financially.

Chasing A Stranger Back (Beautiful Stranger Book 2)Where stories live. Discover now