Chapter 16:

822 54 25
                                    

Kisses' POV:

Nag-iba kami ng settings para sa photoshoot, ginawa siya parang nasa sala.

At may couch na nilagay sa gitna, nag iba rin kami ng sinusuot ni Edward.

Paglabas ko galing dressing room ay andun na si Edward sa couch at naka upo.

Pag-lapit ko doon ay agad na nag resume ang photoshoot.

naka upo si Edward sa couch at nakahiga naman ako sa lap niya.

"Act like lovers, be natural."

Utos  ni Luis,

Professional si Edward, parang wala lang talaga habang ginagawa namin ang photoshoot.

O ako lang talaga na aw-awkward sa nangyayari?

Nakalimutan ko, ako lang pala ang may feelings saming dalawa, bakit siya ma aw-awkward?

"Ok! Break muna saglit. Kirsten dear, mukha kang lutang, fix that."

Nag sorry ako kay Luis, ang dami kong iniisip, na-didisturbo trabaho ko.

Sa lahat ba naman kasi na makakasama ko sa photoshoot ay si Edward pa.

Palakad na ako papuntang dressing room para magpahinga doon saglit,

"Luis! Luis! Nakita mo ang news!?"

"Why?"

"Tignan mo dali! "

Napalingon ako at nagtaka kung bakit nagkakagulo sila, anong meron?

Mukha ring nagtataka si Edward sa pinagkakaguluhan nila,

They turned on the TV pero hindi ko rin nakita kasi pinagkakaguluhan nga nila,

'Di na sana ako makikichismis kasi kailangan kong ayusin sarili ko sa dressing room kasi lutang na lutang ako nang lakasan nila bigla ang volume ng TV.

"Sikat na actor noon na si Ryan Delavin ay natagpuang patay sa bahay niya sa US...."

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon ulit doon sa TV na pinagkakaguluhan,

"It is said that the actor has been suffering with his sickness at yun ang rason kung bakit bigla siyang nawala sa pagiging artista at pumunta ng US, walang nakakaalam ng sakit niya sapagkat higpit na bilin nito ay walang pagsasabihan..."

Nanigas ako sa harap ng TV na kahit hindi ko alam kung kailan at pa'no ako napunta roon.

Unti-unti kong nararamdaman ang pagtulo ng luha ko galing sa'king mga mata.

"Kisses..."

Tawag sakin ni Edward, pero hindi ko siya magawang tignan .

Agad ako napatakbong dressing room at hinanap ang cellphone ko, wala na 'kong pake kung pinagtitinginan na ako ng mga staffs doon at mukhang nagtataka.

'Di nga pala nila alam na kapatid ako ni Kuya Ryan.

Agad kong tinawagan si Marco habang hawak hawak ng isa kong kamay ang ulo ko,

Ano 'to? Yun ba ang dahilan kung bakit bumalik siya sa US?

"Kirsten, okay ka lang?"

Pumasok si Luis sa dressing room at tinanong sakin yun, pero wala ako sa tamang pag iisip.

Dinial ko nang paulit-ulit ang number ni Marco kasi walang sumasagot,

"Hindi...h-hindi..."

Hindi 'to totoo!

Chasing A Stranger Back (Beautiful Stranger Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon