Chapter 9:

552 51 8
                                    

Kisses' POV:

"Wear this."

Sabi ni Clara sabay binigay sakin ang isang dress na pang summer talaga ang dating, mahaba sya sa likuran at tube sya.

Binigay nya rin sakin yung hat na kanina ko pa tinitignan kanina, wala lang. Ang ganda kasi.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay kinuha ko na ang damit at nagbihis.

"Oehmgee~ bagay na bagay sayo, ang ganda ganda mo"

Tuwang tuwa na sabi sakin ni Clara, napangiti naman ako sa sinabi niya.

I appreciate compliments a lot, I don't get them often.

"Lika na? Ibandera natin kagandahan mo sa labas hahaha"

Hinawakan ni Clara yung kamay ko at hinila ako palabas...

"Sir Luis, eto na"

Sigaw niya kaya napunta yung atensyon samin ng lahat.

"Oh I know that you would look stunning, dear! "

Masayang sabi ni Luis, dinala ako ni Luis sa harap.

"Ganda ng bagong model natin ah?"

Biglang sabi ng kung sino, hindi ko kilala.

"I have eyes for beauties~"

Sagot ni Luis dito,

"Anyway dear, siya ang magte-take ng pictures mo. Assistant ko, gusto ko lang panoorin ka before I take pictures of you personally. Just seeing you wearing my work is a sight to see, ok?"

Feel ko talaga lalaki ulo ko sa mga pinagsasabi ni Luis, pag nagkikita kami puro siya compliments sakin.

Napapansin ko yung mga naliligo sa beach o yung ibang andito sa beach ay pinapalibutan na kami, para bang nakikiusyoso lang.

Kinabahan tuloy ako bigla, hindi naman ako kagaling mag model, first time ko to in fact.

Nag practice ako ng poses sa bahay, i'm not that ready.

"Dun ka na sa harap, grab this."

May binigay saking pineapple juice si Luis,

"Like I said, just act natural. Like you own this whole place, like you're the only one here, seize the moment. Feel the air, feel what you're wearing, like you own it. GO."

Pagkatapos sabihin ni Luis yun ay tinulak nya ko ng mahina paharap, umupo sya isang maliit na upuan sa ilalim ng malaking payong at nakatingin sakin.

Napalunok ako, kaya ko to.

Napatingin ako sa paligid, at pinagtitinginan ako ng mga tao, at saktong pagharap ko ay ang pagdating ni Edward sabay umupo sya sa tabi ni Luis.

Nakatingin sya sakin,

Naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao, ang simoy ng hangin ang haplos ng dagat sa dalampasigan.

"Let's start. "

Sabi nung assistant ni Luis,
Inayos ko yung hat sa ulo ko at pumikit.

I can feel the sand in my feet,

"Kaya ko to."

Bulong ko at idinilat ang mga mata ko, be natural.

I smiled at the camera and held my hat while holding the pineapple juice on my other hand.

"Nice."

Sabi nung photographer as I heard the click of the camera,

I tried different poses, naglakad ako sa dalampasigan na para bang ako lang mag isa, nilaro ko yung dagat, pinagmasdan ko ang sinag ng araw, pinakiramdaman ko ang hangin.

Chasing A Stranger Back (Beautiful Stranger Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon