Chapter 13: The Unexpected

Start from the beginning
                                    

"Let me introduce myself and let's start this thing na kunwari, hindi tayo na-arrage marriage, Okay." Nasa tabi ko pa rin siya at nasa likod ko pa rin ang kamay niya. Tumango-tango lang ako at kinakalma ang sarili ko.

"Ako nga pala si Jeremy Lopez. And you are?" Masaya niyang pagpapakilala. Napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin.

"I-I'm *sniff* G-Gia Athena *sniff* C-Cruz." Kanina ko pa tinatahan ang sarili ko pero patuloy pa rin siya umaagos eh. Naramdaman kong may yumakap sa akin kaya napatingin ako sa gild ko. Pati siya, naiiyak na rin yata. May namumuong luha na sa gilid ng kanyang mga mata. Ipinatong niya yung baba niya sa balikat ko kaya sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.

"Sorry, I can't help it. Pati ako naiiyak na rin. Eh, makita mo ba naman na umiiyak yung fiancee mo dahil ayaw niya yung idea na in-arrange yung kasal niyo or should I say, ayaw niya sa magiging fiance niya." Naramdaman kong basang-basa na yung balikat ko kaya humarap ako sa kanya. Hinawakan ko yung pisngi niyang basang-basa dahil sa luha at pinunasan ko ang luha niya.

"Sssh... Jeremy, tahan na."

Isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko at sumandal lang kami sa couch. Parehong kagagaling lang sa iyak at parehong namumugto ang mga mata.

Nagkwentuhan lang kami about sa sarili namin. Napag-alaman kong ka-age ko rin pala siya at lilipat na siya sa Arrowell High sa next quarter dahil nga sa magiging fiance ko siya. Nalaman ko din na parents niya sila Tita Dina at Tito James. Kwinento din niya yung kapatid niyang babae na nag-aaral sa London at sabi niya dalawa lang daw silang magkapatid.

Kwinento ko rin sa kanya about sa sarili ko at sa family ko at ipinakilala si Gian pero parang may mas alam pa siya kaysa sa akin. Sabi niya bago pa daw kami maipanganak ay mag-bestfriend na ang daddy namin at napagkasunduan nila na kapag isang lalaki at babae ang maipapanganak ay ipapakasal nila ito para hindi mabali ang friendship nila at magtuloy-tuloy pa rin.

Nalungkot naman ako sa narinig ko. Parang pinamimigay kasi ako ng daddy ko para lang hindi masira ang pagkakaibigan nila ni Tito James.

Mas naloka pa ako nang nagsalita muli si Jeremy.

"Sabi nila mommy sa akin, ipapakasal daw ako sa isa sa pinakamagandang babae dito sa mundo. And guess what, tama nga sila. Sabi ko naman sa kanila, hindi ako magpapakasal sa isang babae na hindi ko naman gusto. Pero I think kakampi ko si Destiny kasi ipapakasal ako sa isa sa pinakamagandang babae and that girl happens to be the girl that I like." Tumingin siya sa akin at ngumiti pero hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin.  

 "Alam mo ba, Gia. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung nadudumihan ako o kaya namamantsahan yung damit ko. Lagi akong nagagalit kapag natatapunan ng pagkain yung damit ko, pero kanina, noong natapunan mo ako ng ice cream, hindi ko alam kung bakit ayaw sumigaw ng bibig ko eh. Imbes na sigawan kita ay pinabayaan na lang kita na punasan yung dumi sa damit ko. But then I realized, na starstruck pala ako sa'yo or should I say, I think na love at first sight ako sa'yo. I know it sounds too girlish pero I think that's the reason kung bakit hindi ko magawang magalit sa'yo kanina. I really like you. I think I'm inlove with you. Please, ituloy na lang natin 'tong marriage." He held my cheek at naramdaman kong umiiyak na pala ako.

I don't know what to say, or even, what to react. Patuloy lang akong umiiyak kaya niyakap na naman niya ako. "Please be mine, Gia. Please be my fiancee. Huwag ka nang tumutol sa idea ng mga parents natin." Umiiyak na uli siya. I can feel na nanginginig na rin ang boses niya pati ang katawan niya ay nanginginig na rin pero kahit ako ay walang magawa eh, kasi naipagkasundo na ang lahat. Sa ayaw o sa gusto ko, ay ipapakasal talaga kami.

Bow and ArrowWhere stories live. Discover now