Chapter 13: The Unexpected

Start from the beginning
                                    

He's still looking down at my lips. I know it's stupid and I want to push him away. But the thing is, I can't move. Parang na-glue na yung paa ko sa kinatatayuan ko.

I just can't compare you with,

Anything in this world

You're all I need to be here with forevermore...

Ohem. I cleared my throat. Three inches... Two inches ... One inch ...

*Fwoosh*

May nagbukas ng kurtina. Yes, I'm saved! Finally, nakahinga na rin ako nang maluwag. Kaso nakakahiya, nakita kami nung waitress na ganoon ang posisyon namin, Awkward.

"Oops, Sorry po ma'am, sir. Mamaya ko na lang po ibibigay yung desserts niyo. Paumanhin po." And she left. Suddenly, nakaramdam din ako ng relieve sa pinaggagawa niya kaya bumalik na ako sa chair ko.   

 Umupo na rin siya sa chair niya at heto na naman kami, silence--- Awkward silence. Kumain na lang ako para hindi na bumigat pa yung awkwardness at isa pa, pagbibigyan ko uli yung tiyan kong naggro-growl.

After few minutes of awkwardness ay nagsalita na rin ako. "Why did you do that? We almost kissed!" I gave him an Oh-that-is-stupid look. Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay lang naman di ba? Unless--- Don't tell me, you don't know." Lumaki yung mata niya  at parang gulat na gulat sa na-realize niya kaya agad na napakunot yung noo ko at saka umiling-iling.

Ano nga ba ang hindi ko alam? Bigla na lang ako kinilabutan sa hindi malamang kadahilanan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, parang may something wrong. Something's not rig---

Enebeyen, pagtawanan ba naman ako. Eh, hindi ko nga alam kung ano na ang nangyayari eh. Makaalis na nga.

Papunta na ako doon sa kurtina kaso hinila niya ako kaya napaupo ako sa lap niya. Ako? Kandong niya? Whoa, tama ba 'tong nakikita ko? Nakaupo ako sa lap niya tapos Red face pa kaming pareho.

Niyakap niya ako kaya itinulak ko siya kaso mas hinigpitan pa niya yung yakap niya sa akin. Then I heard him laughed. A faint laugh.

"Grabe ka, na-arrage marriage ka na nga at lahat, pero hindi mo pa rin alam." Naluluha na siya sa kakatawa.

Whoa There! Tama ba yung narinig ko? Parang nabingi ako doon ah. Pero, imposible naman 'yan, di'ba? Tinulak ko siya nang malakas at kumawala sa yakap niya. Hindi ko alam pero bigla-bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Tuloy-tuloy pa rin ang agos ng mga luha ko kahit kanina ko pa ito pinupunasan.  

Ano 'to, joke time? Nanggu-good time lang naman siya, di'ba? Nandito nga ako para sa business meeting eh. Para sa business meeting nga ba talaga, kung bakit ako pinapunta dito?

Naalala ko bigla yung tungkol doon sa kausap niya sa phone kanina sa ice cream parlor. Ako ba yung tinutukoy niyang magiging fiancee niya? Ako ba yung kasama niya sa arrange marriage na 'to? Hell, No.

I can't believe na nangyayari sa akin 'to. Akala ko, sa koreanovela lang o kaya sa books lang ito nangyayari eh, pero believe it or not, it's happening to my life.

Umupo uli ako sa upuan ko. "Tell me, you're just joking! PLEASE, TELL ME YOU'RE JUST FOOLING AROUND!" Sinigawan ko siya na dahilan kung bakit siya nakatakip ng tenga ngayon.

"Calm down. Look, I'm sorry, okay. Kasi hindi ko kayang magsinungaling sa'yo. Kahit ako, biktima rin ako dito eh. Tahan na, please." Tumabi siya sa akin at saka, pinainom ako ng tubig. Kinalma niya ako, at hinimas-himas pa ang likod ko. Pinunasan rin niya yung mga luha ko na kanina pa tumutulo. When everything's fine, he offers to tell me about himself and I just nod.

Bow and ArrowWhere stories live. Discover now