Chapter 50 - She Is

Magsimula sa umpisa
                                    

"Daddy and my mom were never really married. Malaki na ako ng nakilala ko si Daddy. Wala ako'ng galit sa kanya. Mom explained na sya ang may gusto why they are not together when i was born. When dad found out na may anak sya, hindi sya nag dalawang isip na kunin kami. But all i thought is wala na rin syang kamag anak or what."

"H-how did you know?"

"I saw Prince's high school yearbook. I saw Aled's surname. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila sabihin ang totoo sa akin—-"

"Nila? Aling totoo?" All of a sudden ay hindi nya na ito maintindihan.

"Ah.. Si Daddy at si Prince. I kept asking them kung related ba si Daddy at ang asawa mo. But they just kept on making me look like stupid. Kung ano ano pang dahilan sinasabi nila. Oops, sorry. Nagiging madaldal na yata ako." She giggled. Nawala na ang tensyon na nararamdaman nila kanina.

"No, it's okay."

"So.. salamat rin sa pag entertain sa'kin kahit na alam ko'ng na shock ka."

"Wala yun. Yan din siguro ang naramdaman ko bago ako maging parte ng pamilya na ito. But don't worry. Mama and Papa are nice." Sincere na sabi nya.

"Oo nga eh. Actually i wasn't really expecting na ganito ang magiging pagtanggap nila. I-I was hoping na mas malala ang animosity since ang sabi ng daddy, may misunderstanding sila ni Tito. Hindi ko na lang inungkat. All i want is to meet them."

Tumango tango sya. She can feel her longing for a family, her sincerity. Tapos, bigla nyang naisip ang asawa nya. Ano kaya ang iniisip nito ngayon?

Ilang sandali pa at tumayo na ang babae. "Nice meeting you personally. I have to get going. Pakisabi na lang kila tita at tito na sobrang nagpapasalamat ako sa pagtanggap nila sa akin."

She hugged her then gave her a beso.

Hindi na sya agad nakapag react.

"Ihahatid na kita sa gate.." Sabi nya na lang.






Sophia never felt better.

Hindi nya alam kung bakit pero nararamdaman nya na magiging successful ang plano nya. It's been two years since maisipan nya na finally, sya na ang kailangang gumalaw para mapasa kanya na ng tuluyan si Aled.

Si Aled, ang dapat na mapapangasawa ng ate nya. Si Aled, ang snob pero super hot na lalaki na bagamat hindi sya pinapansin noon ay ang kanyang prince charming. Ano pa ba ang hahanapin nya dito?

Bata pa lang sya, gustong gusto nya na ito. She has this unrequitted like for the man. She waited years to finally become a woman, to finally be the right one for her prince charming.

And to he shock, nalaman nya na lang na ikinasal na ito.

Imagine how hurt she is! She's been waiting like all her life to be the one for him tapos biglang may babaeng out of nowhere ang ikinasal sa Prince Charming nya? She doesn't like to loose. She won't give her Prince Charming up. Sa kanya si Aled, sa kanya lang.





 Sandy went up to Aled's room matapos maihatid si Dychie. Bago pa ito tuluyang makaalis ay nabanggit nito na wala ito'ng kotse dahil 'itinago' raw ni Prince. Bagamat parang gusto nya pang makipag usap dito the moment na muli nito'ng banggitin ang lalaki, wala na syang magagawa.

"DId she left already?" Agad na tanong ni Aled ng maisara nya na ang pinto.

He was staring at the television while sitting comfortable in his king size bed. But alam nyang hindi naman nito iniintindi ang pinapanuod nito.

"O-oo."

"What did she said?" Bagamat tila interisado ito, pinapahalata rin nito na wala ito'ng pakealam sa babae.

She shrugged her shoulders. "W-we just talked a bit.." Ang totoo nyan, hindi nya talaga alam ang sasabihin dito.

Hindi na sumagot ang lalaki.

"Gusto mo ba'ng kumain ulit?" She asked.

Umiling ito. "Come here."

The moment na nakalapit sya rito ay agad nito'ng hinapit ang bewang nya. They were hugging now pero hindi maalis sa isip nya ang babae. Sila ba ni Prince?


----------

Hi! Follow me on instagram:

instagram.com/heyleelay

and twitter

twitter.com/theellestrange

I Married the Ice King (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon