Chapter 42: Reality Slaps

Comincia dall'inizio
                                    

Bigla akong tumakbo papunta sa kanya at itinusol ang palaso sa damit nito.

Napahinto naman ang lahat. Maging siya ay tila nabigla sa pangyayari. Napangisi ako ng palihim.

He knows that the arrow has a poison kaya ganito ang nararamdaman niya. I have already hint sa sinabi kanina ni Sir Joey bago siya namatay pero imposible eh.

Bakit niya magagawa ito? Pero paano kung tama?

"Ano?" bungad ko.

"Y-You have already the clue Selene, bakit hindi mo sabihin?" sagot nito.

Naramdaman ko ang presinsiya ng lahat na nakatingin sa akin ngunit hindi ako nagpahalata.

Tinignan ko siya ng masama.

"Bakit ba ayaw mong ikaw na lang ang magsabi? Dahil ba may maliit na device ang nakalagay diyan sa may dibdib mo?" wika ko sabay punit rito.

Biglang nanlaki ang mata nito.

"P-Paano mo n-nalaman?" utal-utal niyang sambit sabay turo sa hawak kong device. Inilagay ko ito sa bulsa at muling tumingin sa lalaki.

"Si Tito Sean hindi ba? Siya ang boss mo!" galit kong wika.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

Sobrang nakakalula lang na malamang ang Ama ni Min ang tumulong kay Sir Joey, ang nagpapatay at ang maaaring pasimuno ng lahat. Ang hindi ko maintindihan, bakit? Bakit niya nagawa?

Hindi ko alam pero maaari ring mali ang binigay niyang clue pero tugmang-tugma eh.

Naramdaman kong lumapit si Duri pati si Inspector Park sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihin Selene?" wika ni Inspector Park.

"Totoo ba Selene? Alam na ba ito ni Min?" nag-aalalang sambit naman ni Duri.

Binitiwan ko sa pagkakahawak ang lalaking ito.

"Nag-iwan ng salita si Sir Joey sa akin bago siya namatay. And I calculated that it was Tito Sean. Ang hindi ko maintindihan ay bakit?" usad ko at lumingon kay Duri.

"Hindi pa niya alam." puna ko at lumingong muli sa lalaki.

Hindi nga ba alam ni Min? O alam niya? Napasabunot ako sa aking buhok at napasipa sa gitnang bahagi ng lalaki kaya napahiyaw ito.

"You pest!" reklamo nito.

"Selene!" sigaw ni Duri sabay hawak naman nila Inspector Park at Officer Jim sa lalaki.

"Sige na Selene, ihahatid na namin ito sa kulungan. Hanapin mo na si Min." suhestiyon ni Inspector.

Bigla akong nakaramdam ng hilo kaya napahawak ako kay Duri.

"H-Hey! Sinasabi ko na nga ba eh ang tigas talag– Hoy Selene!"

Hindi ko alam kung ano ang nangyari nang tuluyan na akong nawalan ng malay.

"Sa tingin mo'y buhay siya?"

"Hindi ko alam kung totoo nga ba pero naniniwala akong buhay siya." sambit niya sa akin sabay hawak sa aking balikat. Tinignan ko siya sa mata, he is not lying.

"Samahan mo ako papunta roon at hayaan mong tayong dalawa ang maghanap ng solusyon." maawtoridad kong bigkas na may namumuo ng luha sa aking mga mata.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora