Final Chapter

4.7K 155 37
                                    

Thank you so much Artchie Dumapias from Gingoog city for reading under the rain.

I have to finish this story para mapagtuunan ko naman iyong mga on going stories ko pa..

Promote ko na lang iyong ibang story ko..

The Dark embrace

The Homeless Love

For The Love of Kyle

When Heart Cry in Silence

Tears Of Pain

How a Straight Gay Deal Sex with a Straight Guy

Bxb po yan lahat.
Hope magustuhan niyo rin ang at basahin ang iba ko pang mga kwento..sa mga silent readers ko maraming salamat po sa inyo at kahit wala pa akong tulog galing sa work ay nag a update ako for you guys..text me on my mobile number..
I'll wait!Thanks!

Disidido na si Shawn tapusin ang lahat ngayong gabi at maipaghiganti narin ang kanyang sarili at ang mga pumatay sa kaniyang magulang.

Patuloy na humahaguros ang malamig na hangin kasabay ang malakas na ulan.
Natagpuan ni Shawn ang sarili sa harap ng malaking bahay ng mga Hernandez habang mahigpit na hawak ang kanyang patalim.

Tatapusin na niya ngayong gabi ang buhay ni Cyrus Hernandez!
Puno ng galit na tinahak ang gate ng may biglang nagsalita sa kanyang likuran.

"Wala na si Cyrus diyan sa loob kung siya ang pakay mo.May kumuha sa kanya."

Napahinto siya marinig si Rhina.

Hindi siya lumingon upang hindi nito makita ang kanyang mukha subalit hindi niya maipagkakaila na sobra niyang namiss ang kanyang kaibigan.

Subalit pinigilan niya ang pagdugso ng kanyang emosyon na lapitan ito at yakapin dahil hindi pa tapos ang laban niya.

Bumalik sa isip niya ang sinabi nitong may kumuha kay Cyrus,ngunit sino?

Hindi siya makakapayag na makatakas ang lalaki dahil siya mismo ang papatay nito.!
Hinding hindi maaari na mauunahan siya kung sinoman ang dumukot sa lalaki .

"Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito na makita kita.Alam ko na ang lahat na nangyari sayo..I'm so sorry kung hindi kita naprotektahan at nadamayan sa sakit na nararamdaman mo.I'm so sorry kung wala kaming nagawa ni Kenzo upang iligtas ka sa mga taong nang api at nang abuso sayo." Umiiyak na wika ni Rhina.
Akala ni Shawn ay naging bato na ang kanyang puso dahil sa poot at paghihiganti na naghari sa kanyang dibdib,subalit nagkamali siya dahil naramdaman niya ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Alam kong hindi madali sayo ang pinagdaanan mo,pero hindi ka nag iisa kung anuman sa tingin mo na wala kang kakampi.Nandito kami..huwag mong sayangin ang buhay mo sa paghihiganti..may batas tayo na maari mong makapitan at higit sa lahat may Diyos tayo na  pwede mong hingahan at ipagkatiwala sa kanya ang lahat..Trust Him..ibigay mo sa kanya kung anuman ang galit at poot na nararamdaman mo sa dibdib at bibigyan ka niya ng kaginhawaan."

Patuloy sa pag agos ang mga luha ni Shawn matapos mapakinggan ang lahat ng sinabi ni Rhina.Marahan niyang nabitawan ang hawak na patalim at lumikha iyon ng ingay ng mahulog sa semento.Rhina was right..dahil sa poot at galit niya ay nakalimutan niya na may Diyos na handang tumulong sa kanya.Nabulagan siya ng kanyang paghihiganti.

Under The Rain (gay revenged)(boyxboy)(tagalog)Where stories live. Discover now