Chapter 14

4K 82 0
                                    

Nagising si Kenzo dahil sa sigaw ni Drake.Bumangon din si Shawn at pumasok sa silid ni Drake at sumunod siya dito.

Nakita niyang pinagpawisan ang lalaki habang umiiyak.Hinahagod hagod ni Shawn ang likod nito.

"Nanaginip ka lang." Sabi ni Shawn sa lalaki.

"Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko maipaghiganti ang mga magulang ko.Pagbabayarin ko ang Roberto Lim na iyan!" Nagulat ako sa sinabi niya.Nasa tinig niya ang matinding galit sa boses nito.Pamilyar sa kanya ang pangalan na binanggit nito.Roberto Lim ay ang ama ni Khim.Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng pamilya Lim sa pamilya ni Drake ngunit may kutob ako na hindi maganda iyon.

"Nalalapit na ang paghihiganti mo.Maghintay kalang ng magandang tiyempo.Sabay natin silang gulantangin..ikaw sa ama at ako naman sa anak." Wika ni Shawn at muling pinahiga ang lalaki.Nakita siya ni Shawn na nakatingin sa mga ito kaya lumabas ito at hinarap siya.

"Kailangan mo ng umuwi bukas at baka hinahanap kana ng mga magulang mo." Sabi nito.

"Pero paano ka?Hindi kita iiwan dito." Sabi niya.

"Makinig ka sa akin Kenzo.Laban ko ito.Ayokong mapahamak ka.Mahal na mahal kita at hayaan mo ako ang tatapos sa lahat ng ito." Sabi nito at hinaplos ang kanyang pisngi.Hinawakan niya ang kamay nito at ipaparamdam niya dito na nandun lang siya  para sa dito.

"Mahal na mahal din kita.Sana mag ingat ka." Ang sabi ko.Hindi ko man ibig kunsintihin siya sa kanyang ginagawa ngunit alam ko wala akong magagawa upang pigilan siya.

Susundin ko ang gusto niya at sisimulan ko narin gawin ang sarili kong plano.
Kinabukasan ay hinatid niya ako kung saan ako pwedeng makasakay ng taxi pauwi.

----

Hindi si Khim umuwi ng bahay at doon siya umuwi sa isang bahay nila na hindi naman malayo sa pinapasukan niya.

Yumakap ang mama niya na hindi naman nito dati ginagawa.Humalik din sa pisngi niya ang daddy niya  at talagang nabaghan siya sa inakto ng mga magulang ngayong araw.Agad na siyang nagpaalam sa mga ito at hinatid pa siya ng tingin hanggang sa makasakay na siya sa kanyang sasakayan.Wala na siyang body guard dahil sa nangyari kaya ang mga ito na mismo ang nagresign.

Pinaandar na niya ang kanyang kotse papalabas ng gate nila.Napasulyap siya sa bintana sa silid ng kanyang mga magulang  na may nakita siyang isang tao doon na agad itinabing ang kurtina ng makita niya.Nandun parin ang mga magulang niya habang sinusundan siya ng tingin.
May pagtataka siya sa kanyang isipan ngunit baka katulong lamang iyon naglilinis doon.

Tuluyan nang umalis si Khim papunta sa paaralang pinapasukan niya.

...
Sinalubong siya ni Rhina na nakangiti sa kanya.

"Hi Khim..mukhang napaaga ka yata ngayon?Dahil ba hindi ka pinapatulog ng konsensiya mo?" Napatda siya dahil sa sinabi nito at nahimigan niya na mayroon itong ipinapahiwatig.

"Ano bang gusto mong sabihin?" Tinaasan niya ito ng kilay.Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito.

"Wala naman.Kinukumusta Lang kita.Baka kasi binabangungot ka gabi gabi.Iba naman kasi ang mga taong may itinatago at maiitim ang mga budhi." Wika nito at umalis na.
Nagpanting ang tenga niya dahil sa sinabi nito kaya agad niya itong sinundan at hanawakan ng mahigpit ang kamay nito.

"Back off!" Agad nitong itinabing ang kanyang kamay.

"Mag ingat ka sa pananalita mo!Baka nakalimutan mo kung sino ang kinakaharap mo?!Galit niyang sabi dito.Tumawa ito ng mapakla.

" Of course kilala kita.Ikaw lang naman ay isang plastik na kaibigan.At kapag sinusunog lumabas ang totoong amoy!"Hindi na nakapagtimpi si Khim dahil sa sinasabi ni Rhina kaya agad niya itong sinabunutan.

Gumanti ng sabunot si Rhina at nagpangbuno ang dalawa.Nagpagulong gulong sila sa lupa at wala man lang ni isa ang umawat sa kanila.
Sampal dito at sipa doon ang ginawa ng dalawa.

Agad dumating si Cyrus at pilit silang inaawat at pinaghihiwalay.Akmang susuntukin ni Cyrus si Rhina ng dumating si Kenzo.

"Sige!Subukan mong lapatan ng kamao si Rhina at magpatayan tayo dito.!" Galit na sabi nito at lumapit kay Rhina habang inaayos ang sarili.Lumapit din si Cyrus sa pinsan at ramdam ang matinding tensyon sa paligid.

"May araw din kayong dalawa." Wika ni Cyrus at dinuro duro pa ang dalawa."Hindi ninyo alam kung sino ang binabangga ninyo.!

"Magpinsan mga kayong dalawa.Puno ng hambog sa katawan.! Sabi ni Rhina.

"" Hindi pa tayo tapos!"Banta ni Khim sa kanya.

Akmang aalis na ang magpinsan ng biglang itunulak ni Cyrus si Kenzo kaya at napahandusay ito sa lupa. Agad bumangon si Kenzo at sinuntok si Cyrus kaya agad nagrambulan ang dalawa.

"Gago ka!" Sigaw ni Kenzo habang patuloy na nakipagbuno kay Cyrus.Madami nadin ang mga taong lumapit upang awatin ang dalawa dahil hindi ito nagawang paghiwalayin ni Khim at Rhina.
Putok na ang labi ng dalawa subalit hindi parin ito nagpapaawat.

Sa tulong ng mga gwardiya ay naipaghiwalay ang dalawa.

"Gago ka!" Galit parin si Cyrus at pilit kumakawala sa may hawak dito.

"Mas gago ka ulol!Bilang na ang mga araw mo!" Wika ni Kenzo.Agad na itong inalalayan ni Rhina papalayo.Putok ang labi nito at puno ng dugo ang damit nito.

Agad itong dinala ni Rhina sa clinic upang magamot ang mga pasa nito.

"I'm sorry kung nadamay kapa sa away namin ni Khim." Wika ni Rhina habang ginagamot ang mga pasa ng lalake.

"Hindi rin ako makakapayag na saktan ka ng gagong Cyrus na iyon.Hinding hindi ako natatakot sa mga pagbabanta niya lalo pa sa ginawa nila kay Shaw-.." Napatigil ito sa pagsasalita ng malingat ito.

"Hindi ko mapapatawad ang ginawa ng lalaking iyon kay Shawn.Ayokong pangunahan ang kaibigan dahil alam ko may plano siya." Napaawang ang bibig ni Kenzo dahil sa sinabi ni Rhina.Nagkatitigan silang dalawa at alam nila hindi iyon ang magandang lugar upang pag usapan ang mga nalaman nila.

"Alam ko kung anong alam mo.Gaano man tayo magalit ay hindi natin pwedeng pangunahan ang susunod niyang gagawin kung nasaan man siya ngayon." Natahimik nalang si Kenzo at sinunod ang sinabi ni Shawn na hindi niya muna sasabihin kahit kanino ang kinaroroonan nito.

--
Sa bahay ng mga Hernandez kinahapunan ay agad pumasok si Cyrus sa kanyang silid dahil sa maraming pasa na tinamo.Masakit ang labi niya dahil sa pakikipagsuntukan kay Kenzo.Pangako niyang gaganti siya sa hinayupak na iyon.Nagkakamali ito ng kinakalaban.
Tuluyan siyang pumasok sa koob ng silid niya at hindi siya nag abalang i,'on ang ilaw.Diritso niyang inilapag ang pagal na katawan ng may maamoy siyang nakakasulasok sa ilong.Tumigilid siya ng higa subalit napasigaw siya ng makita ang katabi niya sa kama..

Itutuloy..

Under The Rain (gay revenged)(boyxboy)(tagalog)Where stories live. Discover now