Chapter 9

4.3K 148 2
                                    

Nandun parin ang kaba ni Rhina sa dibdib ngunit mayroon ng pananabik sa kanya anuman ang sasabihin ni Drake.

"Matagal kona sana gustong sabihin sayo ito pero naduduwag ako at natatakot.Napaka influencial ng pamilya nina Cyrus at Khim kung makikialam pa ako ngunit hindi ko kaya ang manahimik nalang."

Nakikinig lamang si Rhina at gusto niyang magpatuloy ang lalaki upang mas maintindihan niya ang sasabihin nito.

"Nandun ako sa birthday party ni Shawn at alam ko kung ano ang nangyari sa kanya."Nanlaki ang mga mata ni Rhina sa narinig.

" Alam mo ang nangyari sa kaibigan ko?Tell me!"Napataas ang boses niya dahil sa emosyon
na kanyang narararamdaman sa mga sandaling iyon.

"Pinadukot siya ni Khim." Sabi ni Drake.Sunod sunod ang mga rebelasyon na narinig ni Rhina at hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.
He's a liar!Alam niya pala kung saan si Shawn dahil siya mismo ang nagpadukot sa kaibigan!
Hayop ka Khim!

Bulong niya sa isip.

"Pero bakit niya gagawin iyon?"

"Dahil may gusto siya kay Kenzo.Hindi matanggap ni Khim na si Shawn ang gusto nito kaya niya pinadukot ang kaibigan mo kay Cyrus at sa mga barkada nito.Nakita ko kung ano ang ginawa nila kay Shawn.Dinala ni Khim si Shawn sa likod ng bahay nila at doon ito pinasakay sa kotse ni Cyrus.Ang sabi ni Khim naghihintay si Kenzo kaya kusang sumama ang kaibigan mo.Nakita ko ang pangyayaring iyon dahil nandun ako sa likod..gumagamit kasi ako ng binabawal." Sabi ni Drake at medyo nahiya pa itong sabihin na isa itong adik.

"Alam kong may mali kaya naisipan kong sundan sila dahil naka park lang sa hindi kalayuan ang motorsiklo ko.Dinala nila si Shawn sa isang abandonadong bahay at doon.."

"Anong ginawa nila sa kaibigan ko?!" Namumuo ang matinding galit sa katauhan ni Rhina ng marinig ang lahat.

"Pinagtulungan nila si Shawn..ginahasa.Wala akong magawa dahil lima silang nandun at dilikado sa akin kung tutulungan ko ang kaibigan mo.I'm so sorry kung wala akong nagawa."Nakayukong sabi ni Drake."Pagkatapos ng ginawa nila ay iniwan na nila si Shawn na nakabulagta sa lupa at hindi na gumagalaw."

Namumuo ang luha sa mga mata ni Rhina habang naikuyom ang mga kamao sa sobrang galit.

Mga hayop!Magbabayad kayo sa ginawa ninyong lahat!!!!

"Nang makaalis sila ay agad kong nilapitan si Shawn at nalaman kong buhay pa siya." Pagpapatuloy ni Drake.

"Buhay pa ang kaibigan ko?"Nakaramdam ng saya si Rhina dahil sa narinig.

" Dinala ko siya sa isang bahay namin at doon ko siya ginamot.Ilang araw din siyang walang malay ngunit bigla na lamang siyang nawala."

May masamang kutob si Rhina na baka involve si Shawn sa mga patayang nangyari sa mga kaibigan ni Cyrus.

Oh my!Baka gumaganti siya!

Hinarap niya si Drake at hinawakan ito sa balikat.

"Thank you so much."

"Hindi pa dito nagtatapos ang lahat dahil hinding hindi natin mapipigilan ang paghihiganti niya."

So alam din pala ni Drake na ang kaibigan niya ang pumapatay.

Lutang ang isip ni Rhina kahit nasa klase siya at hindi parin mawaglit sa isipan niya ang lahat ng sinabi ni Drake.

Gustong gusto na niyang sugurin si Khim ng makita ito kanina ngunit nagtitimpi siya.

May araw din ang mga ito sa kanya.

-----
Kinahapunan ay pauwi na si Kenzo at may pagmamadali sa mga kilos niya.Dadaan mona siya sa bahay nila dahil may kukunin siyang mga gamit doon dahil doon siya matutulog sa barung barong ni Shawn.Gusto niyang sariwain ang lahat ng alaala nila sa bahay na iyon at baka sakali na pupunta ito doon.Malakas ang kutob niya na buhay pa ito at alam niya dumadalaw parin ito sa bahay nito.Tinahak na niya ang kinaroroonan ng kanyang sasakyan at akmang bubuksan na ito ay biglang may tumakip sa kanyang bibig at ilong at nalanghap niya ang pabango na humigop sa kamalayan niya.

----
Nasa kotse na si Cyrus habang nagmamaneho pauwi ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Agad niyang inabot ang cp niya na nasa kanyang tabi.

Subalit nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang tumatawag.

Dude Rayven calling..

Agad niyang nabitawan ang phone niya at napabilis ang pagmaneho niya dahil sa gulat.
Ngunit may biglang tumawid sa kalsada kaya agad niyang inapakan ang preno kayat halos sumemplang ang kotse niya.Galit na galit siyang bumaba at handa na siyang murahin ang taong iyon na bigla nalang tumawid na nakabaluktot at nakatalikod sa kanya.Nakasuot ito ng itim at hindi maaninag kung lalaki ba ito o babae .

"Ano ba!Putang inang matanda ka!Kung gusto mong magpakamatay tumalon ka nalang sa building o do kayay saksakin mo iyang sarili mo!Huwag kang mandamay ng ibang tao!" Galit niyang mura dito ngunit hindi ito kumikilos.Akmang tatalikod na siya ng bigla itong nagsalita.

"You will die." Mahinang sabi nito at tumawa na animoy baliw.Nanindig ang balahibo ni Cyrus at akmang babalik na sa kotse ng makita ang dalawang malalaking aso na naglalaway at kita pa ang matutulis nitong mga ngipin.Handang handa na ang mga ito na dambahin siya.

Marahan siyang napaatras ngunit mas lalo pang lumalapit ang mga ito sa kanya.Magdidilim na sa mga oras na iyon at puro talahib lamang ang kanyang nakikita.Walang dumadaan na sasakyan doon kapag gabi na.

Sa huli niyang pag atras ay dimba na siya ng mga ito at pinagpistahan siya.Pilit niyang lumalaban at itinitulak ito ngunit patuloy ang mga ito sa pagkagat at gutay gutay na ang kanyang damit.Walang makatutulong sa kanya sa mga sandaling iyon kaya pinilit niyang inabot ang isang bato malapit sa kanyang ulunan.
Pinagkakagat parin siya ng mga asong animoy takam na takam sa laman.Pinagkakagat nito ang kanyang pantalon at nagkaroon na siya ng maraming sugat.
Nang maabot ang bato ay agad niya itong hinampas sa ulo ng isang aso kaya nabasag ang bungo nito.Napahinto naman ang isa sa pagkagat sa kanya ng makitang patay na ang kasama nito.
Para itong may sariling isip na umatras at umuwang bago ito umalis.
Naiwan si Cyrus na hinang hina habang pinipilit na tumayo.Masakit ang buo niyang katawan dahil sa mga sugat na tinamo.

Dahan dahan siyang humakbang sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan at agad lumulan doon.Tiningnan niya ang taong biglang tumawid kanina subalit wala na ito doon.

Pilit siyang nagmaneho at agad na umalis sa lugar na iyon.



Itutuloy....

Leave your votes and comments. .

If you can't reach me through my my messenger or fb account..
You can leave your message as well by texting this number

09263534818..

I'll wait your text.

Thank you!

Under The Rain (gay revenged)(boyxboy)(tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora