Chapter 12

4.2K 96 1
                                    

Hindi parin makapaniwala si Kenzo sa kanyang nalaman.Nakita niya ang mga luha sa pisngi ni Shawn at makikita sa lumuluhang mga mata nito na hindi nito nais ang ginagawa,may kung ano lamang ang nag udyok dito upang gawin ang bagay na iyon.

"Hindi naman ako masama eh.Wala akong inaapaakan na tao at namuhay ako ng payapa kahit wala na akong pamilya.During that birthday ay hindi ko maipapaliwanag ang saya ng nararamdaman ko..sa buong buhay ko ay noon ko lang naranasan na magkaroon ng isang bonggang selebrasyon.Masaya ako kasi nandun ang mga kaibigan ko..at ikaw.Naging masaya ako dahil nandun ka..naranasan ko kung paano pahalagahan ng isang tao kahit ganito lang ako.Minahal ako na hindi ko naranasan sa mga magulang ko." Tuloy tuloy sa pagdaloy ang mga luha ni Shawn habang inaalaal kung paano ito naging masaya.Gustong gusto na itong yakapin ni Kenzo at sasabihin dito na mahal na mahal niya ito at anuman ang mangyari ay mananatili siya sa tabi nito.

"Akala ko na lahat ng pagmamahal na ipinakita ng mga tao sa paligid ko ay totoo.Mapaglinlang pala at huli ko na nalaman na kaya pala akong ipahamak dahil lang sa makasariling pagnanasa.Hindi mo ba alam na sinabi ni Khim sa akin noong gabi ng birthday ko na naghihintay ka sa akin dahil may sorpresa ka?Alam mo naging excited ako ng malaman ko iyon." Napakunot noo si Kenzo sa narinig.

"Pero wala akong sorpresa sayo that time.Sapat na sa akin na nakasama kita at nasabi ko na sayo ang lahat ng gusto kong sabihin." Sabi niya.

"Iyon nga ang akala ko eh.Hindi ko alam na kaya pala akong ipahamak ni Khim sa pinsan niya.Kusa akong sumama sa kanila dahil sa akala ko naghihintay ka sa akin.Hindi ko inaasahan ang kapahamkan na naghihintay sa akin.Dinala ako ni Cyrus kasama ang apat pang mga kaibigan niya sa isang abandonadong bahay.At doon...doon.." Nahirapan na itong magsalita dahil humagulgol ito ng iyak.
Walang magawa si Kenzo ngunit tiningnan na lamang si Shawn na hindi niya alam kung paano aluin.Wala siyang nagawa upang sagipin ito.Hindi paman niya narinig ang buong istorya may kutob na siya kung ano ang nangyari dito.

"Masakit Kenzo..pinagtulungan nila ako.Pinaglaruan.Ilang beses akong nagmamakaawa sa kanila ngunit patuloy parin nila akong binababoy!Hindi nila ako tinantanan hanggang hindi ako malagutan ng hininga.Buti nalang may isang tao ang tumulong sa akin..si Drake.At ngayon matitikman nila ang aking paghihiganti!Isa isahin ko silang lahat!" Ngayon ay napalitan na ng matinding galit ang boses nito.Ngayon lang maintindihan ni Kenzo ang pinagdadaanan nito.Naikuyom niya ang mga kamao dahil sa galit.Sinamantalahan pala ito ng mga taong halang ang kaluluwa.
Mananagot sa kanya si Khim!Pagbabayarin niya ito!Hindi sapat na dahilan na dahil lang sa matinding nitong pagmamahal sa kanya ay kaya na nitong ilagay sa kapahamakan ang buhay ni Shawn.

"Pwede tayong magsumbong sa mga pulis para mahuli ang mga taong gumawa nito sayo." Ang sabi niya.

"Hindi." Matigas nitong wika."Nasa aking mga kamay and buhay nila.Ako mismo ang papatay sa kanila!Matitikman nila ang hagupit ng aking paghihiganti!"Masyadong napuno ng galit ang katauhan nito at ang pagnanais na makaganti.

"You don't have to do this." Ang sabi niya ngunit tiningnan siya nito.

"Hindi Kenzo.Ako ang tatapos sa kanila.Two down to go.Nasa sayo na ang disisyon kung gugustuhin mo paba ang isang tulad ko na mamatay tao.Ngunit gusto korin na isipin mo na inapi din ako.Pinagtangkaan ang buhay.Binaboy!"

Habang tinitigan ni Kenzo ang mukha nito ay isa lang ang nasa isip niya..ang mamahalin ito kahit ano pa ito.Marahan siyang humakbang palapit dito at buong pagmamahal na hinaplos ang pisngi nito.Tinitigan niya ang mga mata nito at gusto niyang iparamdam ang init ng kanyang pagmamahal.

"Mahal kita..walang nagbago sa nararamdaman ko sayo kahit sino at ano pa ang nagawa mo.Handa kitang tulungan  tanggalin ang poot na nararamdaman mo diyan sa dibdib mo."
Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi at ilang sandali pa ay naglapat ang mga iyon.Kapwa namin pinagsaluhan ang alab at init ng aming mga halik.
Mabilis nitong tinugon ang mga halik niya at kusa na itong pumulupot ang mga kamay sa kanyang leeg.
Ninamnam ng bawat isa ang pananabik.

Matagal din bago naghiwalay ang mga labi nila.Namumuo parin ang mga luha nito sa mga mata kaya marahan itong pinahid ni Kenzo.

"Stop crying.." Pang aalo ko sa kanya.

"Masaya ako dahil andito ka.Mahal na mahal kita ..sobra.Patawarin mo ako kung pinasok ko ang ganitong buhay.Sana maintindihan mo na kailangan kong gawin ito dahil ito lamang ang tanging paraan upang maibsan ang sakit ng mgapinagdadaanan ko.Hindi sapat na makulong lamang sila.Buhay ko ang gusto nilang kitilin kaya buhay rin ang hingin kong kapalit." Sabi nito ngunit muli niya itong hinagkan upang patahimikin ito.Gusto niyang kalimutan mona kahit ngayon lang ang nais nitong paghihiganti.Gusto niyang isipin nito at guguluhin ang mga sandali na magkasama sila.Silang dalawa lang at Malaya sa anumang isipin at problema.

Nang gabing iyon ay sabay nilang pinagsaluhan ang tamis ng kanilang pag iibigan.Magkatabi silang natulog at magkayakap sa kama na walang mga saplot.
Madaling araw ng mapansin ni Kenzo na bumangon si Shawn at nagbihis ito ng isang itim at mahabang damit habang nakatalukbong ang mukha.Nagkunwari siyang tulog at pinakikiramdaman lamang ito.Napansin niyang lumabas kaagad ito.Napabuntong hininga na lamang si Kenzo at nagmamadaling bumangon at nagbihis.Hindi na niya naabutan pa si Shawn at hindi niya alam kung sino ang pupuntahan nito sa dalawang magpinsan.

Napaisip si Kenzo kung ano ang maari niyang gawin upang matulungan ito.Naalala niya ang sinabi nito sa kanya kagabi matapos nilang magtalik.

"Kung maari ay huwag mo mona sabihin kay Rhina na buhay ako.Baka mag alala lamang siya at nasa kalagitnaan pa ako ang aking mga plano.Ayaw kong masira ang lahat ng ito.Hindi pa ako tapos." Napansin niya biglang nag iba na naman ang katauhan nito na parang naging mabagsik.

"Huwag mong isipin na nag iisa ka sa laban mo.Nandito ako na handang tumulong sayo." Ang sabi niya at sumiksik sa batok nito.

"Laban ko ito Kenzo.Ako mismo ang tatapos sa lahat ng ito."

Hindi na siya nagsalita pa sa sinabi nito ngunit may nabuo siyang plano sa isip.



Itutuloy...

Under The Rain (gay revenged)(boyxboy)(tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon