Chapter 15

3.7K 87 2
                                    

Napabalikwas ng bangon si Cyrus at daling kinapa ang switch ng ilaw at nagliwanag ang buong paligid.Nakita niya sa kama ang isang naaagnas na katawan ni Allison na pinagpistahan ng maraming uod at langaw.Naitakip niya ang kanyang kamay sa bibig at ilong dahil sa napakabahong amoy.Nagtatakbo siya patungo sa banyo at nagsusuka doon.Pakiramdam niya ay sumakit ang ulo niya sa sobrang baho na naghari sa kanyang silid..

"Puta!Sino na naman kaya ang naglagay ng mabahong bangkay ni Allison sa aking silid!"

Patuloy siya sa pagduwal dahil pakiramdam niya kinakalkal ang kanyang sikmura.

Agad siyang lumabas habang tinatakpan ang kanyang ilong at bibig at lumabas ng silid.

Bumaba siya ng hagdanan at hinanap ang mama niya  ngunit hindi niya ito matagpuan.
Nagtungo siya sa may kusina at nakita niya na nagkalat ang mga gamit doon.Kinakabahan dahil marami din mga nabasag na bagay sa sahig indikasyon na may hindi magandang nangyari.
Nakita din niya ang mga patak ng dugo galing sa sala hanggang sa may kusina.

Sari saring emosyon na ang naghari sa dibdib ni Cyrus hanggang sa marating niya ang lababo at natagpuan doon ang kanyang ina na nakaupo habang dilat ang mga mata at may saksak sa dibdib.
Nakabaon pa ang patalim sa dibdib nito at nagkalat ang maraming dugo sa gilid nito.

Parang sasabog ang ulo ni Cyrus dahil sa nakita.Sumigaw siya ng ubod lakas na halos ikaputol na ng litid nito at niyakap ang wala ng buhay ng ina.

"Mommy..sino ang may gawa sayo nito?!Magbabayad sila!" Umiiyak siya ng umiyak habang nag aapoy ang dibdib sa galit.

Biglang dumating ang mga katulong at nagulat din ang mga ito sa nakita.Inutusan pala ito ng mommy niya upang may bilhin sa palengke.

May narinig na kalabog si Cyrus sa taas ng bahay nila kaya agad siyang umakyat doon baka sakaling maabutan niya ang salarin.

Subalit ang tumambad lamang sa kanya ay ang nakasulat sa dingding.

Matakot kana.. pagkatapos ng papa mo..ikaw na naman ang susunod..

.

"Hayop ka!Magpakita ka sa akin!Putang ina ka pinatay mo ang mommy ko!" Sigaw niya at nangangalit ang mga bagang.Nakarinig siya ng sasakyan na dumating.
Naalala niya na ang papa niya ang isusunod.

Nagtatakbo siyang bumaba sa hagdan habang tinatawag ang daddy niya.

"Dad!Dad!" Sigaw niya at agad itong sinalubong sa labas.Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito ng makita siyang nagsisigaw.

Akmang binuksan na nito ang pintuan ng sasakyan ng may biglang malakas na sumabog.

Hindi makahuma si Cyrus ng makita ang kotse ng ama na nasusunog.Lumalagablab at kinain ito ng apoy.

"Daddy..." Para siyang nawalan ng boses at napaluhod sa lupa.
Para siyang mababaliw dahil sa mga nangyayari sa mga magulang niya.

Nagsidatingan ang mga pulis at ambulansiya.

Tulala lamang si Cyrus habang pinapasakay siya sa ambulansiya upang gamutin ang mga sugat niyang tinamaan ng mga bubog ng pagsabog.

Labis labis ang panangis ni Robert Lim dahil sa pagkamatay ng kapatid na si Luisa Lim.Yakap yakap niya ang wala ng buhay na kapatid.

"Bakit kapa dinamay?Wala ka ng kasalanan." Nakatayo lamang si Khim sa pintuan habang yakap yakap ng papa niya ang tita Luisa niya na wala ng buhay.

Taimtim din siyang lumuluha habang dinadamayan ang pinsan niyang si Cyrus na tahimik lang sa mga sandaling iyon.Hindi na kaya ni Khim ang mga nangyari.

Ayaw man niyang isipin ngunit pakiwari niya may koneksiyon ang pagpatay ng mga magulang ni Cyrus sa kasalanang ginawa nila.Pati mga magulang nila ay nadadamay na dahil sa paghihiganti.
Walang lakas ng loob si Khim upang aminin sa mga magulang ang nagawa niyang kasalanan.

"Hindi niya dapat dinamay ang mga magulang ko!Wala silang kasalanan!" Galit na galit si Cyrus at pinagsusuntok pa nito ang dingding ng hospital.
Silang dalawa lang ang nasa silid sa mga oras na iyon.

"Kailangan ma natin sumuko.Baka madami pa ang madadamay kung ipagpatuloy natin ito."

"Ngayon paba ako susuko pagkatapos niyang patayin ang mga magulang ko?No way!Hahanapin ko siya at ipapalasap sa kanya ang ginawa niya!"

Under The Rain (gay revenged)(boyxboy)(tagalog)Where stories live. Discover now