Chapter 21: Clash between Them

29 4 0
                                    

Daniella's POV










Nang makarating kami ni Dennis sa harap ng bahay ni Jocelle ay nagpaalam na siyang aalis dahil dadaan daw siya doon sa Spirit World ka-ek-ekan na yun. May ganun bang lugar? Try ko kayang tumambay dun minsan, ano? Hahahaha, joke.










Pinihit ko ang doorknob ng pinto at pumasok ng bahay.






"Jocelle? Nandito ka na ba?" Tawag ko sa kanya at dumiretso sa sala ng bahay. Isinalampak ko ang sarili ko doon dahil talagang napagod ako ngayong araw. Tapos marami pa akong ire-eview mamaya dahil bibigyan ako ng Special Quiz sa makalawa para daw mahabol ko yung quizes na naibigay ng teacher bago ako lumipat dito.










Inikot ko ang paningin ko sa bahay para hanapin si Jocelle. Wala akong makita na palatandaan na nandito siya. Saan naman kaya nagsusuot-suot yun?








"Asdfghjklzxcvbnm--- Mahal ko--- qwertyuiopasdfghjkl---- Vincent---- asdfghjkl." May narinig akong boses mula sa kwarto ni Jocelle. Mukhang nag-uusap sila, kung may kausap man siya, ngunit di ko masyadong marinig. Ano kaya yung pinag-uusapan nila? Sino naman yung kausap niya? Di ba pwedeng dito na lang sa sala mag-usap o di kaya'y sa kusina? Mukhang private ata pinag-uusapan nila e.














Dahil sa curiosity na dumadaloy sa katawan ko ay umakyat ako sa taas at lumapit sa pinto at dinikit ang tenga ko doon para marinig ko ang mga nag-uusap sa loob. Wala na akong marinig sa tunog galing sa loob. O baka naman nabibingi lang ako? Mas dinikit ko pa yung tenga ko nang biglang bumukas yung pinto kaya naman nahulog ako sa sahig sa labas ng kwarto.











"What made you think that you can pry on us?" Malamig na tugon ni Celle. Inangat ko yung ulo ko at nakita ko siyang nakatingin sakin gamit yung blangkong ekspresyon ng mukha niya habang hawak niya yung doorknob ng pinto. Pero ang ikinagulat ko ay nang makita ko kung sino ang kasama niya.











O_O










'Bakit niya kasama yan?!'









"Anong ginagawa niyan dito, Celle?!?!" Gulat na ani ko at itinuro yung kasama niya. Kumulo talaga yung dugo ko up to its boiling point! Tinignan ko ng masama si Poncio Pilato na walang pakialam na nakatingin din sakin. Aba't ginagalit talaga ako neto, a?!









"You're not supposed to answer a question with a question." Malamig na naman niyang sabi at lumabas sa kwarto niya. Nilagpasan niya lang ako at sumunod lang si Lucifer. "Hn," sabi niya at isinara ang pinto ng kwarto. Magugunaw na ba ang mundo?!









"Ugh, Celle! C-chotto Matte!" Hinabol ko sila pababa pero sadyang mabilis sila at nakaabot na sila agad sa kusina. Pumunta akong kusina at hinampas ang mesa ng pagkalakas-lakas. "Hey, I don't know whats running in your mind but can you please tell me what on Earth is going on?! Kanina ka pa ganyan, e! Di na kita maintindihan. May nangyari ba, Celle? Do you have a problem? You can share it to us." Nanggigigil na usal ko at pinipigilan ang mainis dahil sa mga nangyayari at sa mga inaasal ni Jocelle. Idagdag mo pa tong pagmumukha ni Haedes.













"Wag mo nang palakihin ang usapang to, Daniella." Singit ni Hudas kaya naman mas lalong uminit ang ulo ko at hinampas kong muli ang mesa. Nagsi-talbugan naman ang mga nakahain sa mesa sa lakas ng hampas ko.









"COULD YOU ATLEAST ZIP YOUR FUCKING MOUTH FOR A WHILE?! CAN'T YOU SEE WE'RE TALKING HERE?! USAPANG MAGKAPATID LANG TO VINCENT NA ANAK NI LUCIFER, KAPATID NI HAEDES, PINSAN NI PONCIO PILATO AT BEST FRIEND NI HUDAS!!" Di ko na talaga napigilan ang init ng ulo at kulo ng dugo ko. Hahangos-hangos pa akong tumingin sa kanila na pero parang wala lang sa kanila yung mga sinabi ko.












Yu Yu Hakusho (Tagalog Version)Where stories live. Discover now