Chapter 1: All Star Cast

160 8 0
                                    

A/N: 'Wag kayong magrereklamo dahil pangalan ko yang gagamitin ko. Iniba ko rin ang ibang characters, tanging mga bida lang ng Ghost Fighter ang kinuha ko. Pwede nyo ring palitan yung pangalan ko, habang binabasa nyo, ng pangalan nyo. Enjoy Minna-san!

Jocelle's POV

Pagdating ko pa lang sa school na lilipatan ko andami na agad ng matang nakatingin sakin. Ngayon lang ba sila nakakita ng transferee? Tss.

Pumasok na ko sa mismong school at dumiretso sa principal's office. Kumatok ako ng ilang beses at pinagbuksan ako ng pinto ng isang matandang lalaki.

"Good morning, serr. Ako ho yung transferee." Tumango lang siya at bumalik sa upuan nya saka nya ako sinenyasang maupo. Iginala ko ang mata ko sa paligid ng office. Medyo kalakihan rin. Umupo ako sa isang swivel chair na nasa harap ng desk ni Mr. Principal.

"What's your name iha?" Biglang tanong nya habang nag-ii-scan sa computer na nasa desk nya. "Jocson, Jocelle, serr." Iginala kong muli ang mga mata ko sa paligid habang patuloy naman sa ginagawa si serr. "Eto, Miss Jocson," binigay nya sa akin ang isang bond paper na may naka-print na detalye ng pagpasok ko dito.

"Nandyan na ang room number mo, any questions?" Umiling ako at akmang tatayo na nang biglang bumukas ang pintuan at tumambad ang mukha ng isang lalaki. Mukhang estudyante sya, pero bakit naiiba ang suot nya?

Blue ang uniform dito pero ang kanya e green. Medyo katangkaran sya, itim ang buhok na merong shades ng green. Yung mukha nya, well, ok naman. I wonder who he is.

"Urameshi? Bakit ka nandito?" Tanong ng principal sa kanya.

'Ano ba yung Urameshi?? Pangalan nya o Apelyido?'

"Pasensya na serr, maling pinto ang napasukan ko. Hehe," saka nya sinara ang pinto. Napatingin naman sakin 'tong principal. "Aalis na nga ho. Salamat, serr." At tuluyan na akong lumabas doon.

Nalalakad ako sa hallway nang makabunggo ko yung Urameshing sinasabi ni principal kanina. Hindi ko na sya pinansin at magpapatuloy na sana sa paglalakad pero hinawakan nya ang braso ko. Nilingon ko sya at nakita kong pulang-pula ang mukha nya. Anyare sa kanya?

"Bakit mo ako binunggo?" Malumanay na tanong nya sa'kin. Ang ganda ng boses nya. "Hindi kita nakita, pasensya," walang emosyong sagot ko at lalong namula ang mukha nya.

*Kriiiiiiinnnnggggggg!!!*

Biglang nag-bell kaya marahas kong kinuha ang braso ko sa pagkakahawak nya at nag simulang maglakad papalayo.

Yusuke/Eugene's POV

Marahas nyang kinuha ang braso nya sa pagkakahawak ko at naglakad na.

'Waaaaaaaaaaaaahhhhh! Anong klaseng babae yun?! 'Di ba sya takot?'

Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam ang gagawin. "Eugene!" Boses ni Alfred yun a. "Ano tutunganga ka lang dyan? 'Wag mong sabihing natakot ka sakin? Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!" Binatukan ko nga. "Aray naman, Eugene! Nanakit ka a!" Sigaw na naman nya. "Tara na," sabi ko na lang at pumunta na sa klase.

Jocelle's POV

Pagdating ko sa classroom na naka-assign sa akin e nabungaran ko ang malakas na bungangaan ng mga kaklase ko.

'Section One ba talaga 'to?'

Hindi ko na sila pinansin at naupo na sa upuan. Ilang minuto lang rin, dumating na yung teacher. Nag-umpisa na syang mag discuss ng kung ano-ano pero bago yun e pinakilala nya muna ako sa harap dahil nag iisang transferee ako sa section na'to.
Madali lang naman ang tinuturo nya kaya yakang yaka ko to.

Lumipas na rin ang mga oras. LUNCH TIME. Uuwi muna ako sa bahay dahil dun ako kakain at wala akong dalang baon. Sa paglalakad ko sa kalye, may nakasalubong akong grupo ng kalalakihan. Anim sila sa bilang ko.

"O mga pare! Hulog nga naman ng langit, ano?" Yung esyudyante number 1 na mukhang chonggo. "Pwede ka bang sumama sa amin, Miss?" Estudyante 2 na mukhang alupihang dagat. Tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri nila ang pagkatao ko.

"Wala akong ganang makipag-usap sa inyo. Umalis na kayo, wala kayong mapapala sa akin," malamig na tugon ko at humalukipkip naman ng tawa etong anim na unggoy na to.

'Mukhang taga-kabilang eskwela sila.'

Kukunin sana ng isa pa nilang kasama  ang kamay ko pero mabilis kong sinipa ang tyan nya ng hindi umaalis sa pwesto ko kaya ayun, nahulog sya sa ilog. "Lumalaban, pare!" Sabay na sumugod ang dalawa pang kasama ni kuya na mukhang chonggo. Susuntukin sana ako nung isa pero mabilis akong naka-iwas at dinaklot ang kamay nya saka ko sya binalibag. May narinig pa akong mahinang crack, panigurado may nabali sa buto niyon. Sisipain naman ako netong isa pa pero mabagal siyang kumilos kaya nasuntok ko sya agad sa panga. Tulog!

Tatlo na lang. Sabi ko sa isip ko.
"Hoy! Anong ginagawa nyo sa kanya?!" Biglang may sumulpot na lalaki sa likod ko. Pareho ang uniporme nya sa uniporme ng eskwela namin. Parang pula na orange ang buhok nya na hindi ko maintindihan. "Si A-alfred!" Nagsitakbuhan naman yung mga lalaking kaaway ko.

"Ayos ka lang b---" hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil tumalikod  na ako at akmang maglalakad pero sumigaw ulit itong Alfred daw. "Hoy, kinakausap pa kita! Ano ba?!" Nilingon ko sya at tiningnan ang kabuuan nya. Nakapasok pa ang kamay nya sa mga  bulsa nya. "Ayos lang ako," matipid kong sabi at naglakad na pauwing bahay.

Kinain ko yung natirang pagkain ko kaninang umaga dahil tinatamad akong magluto. At isa pa, male-late lang ako pag nag-luto pa ako dahil nakipag-away pa ako kanina. Tinapos ko ang pagkain ko at umalis na ng bahay. Pumunta muna ako sa isang convinient store at bumili ng maiinom. Kumuha ako ng coke-in-can at binayaran sa cashier. Lumabas ako dun at binuksan yung coke. Ininom ko yun habang naglalakad at nakapasok pa ang isang kamay ko sa jeans ko. Hindi pa kasi ako nag yu-uniform.

Nahagip ng mata ko ang isang lalaking may mahabang pulang buhok at may red ba yun o maroon o pink na uniform. I'm not really familiar to colors, ya know? Naglalakad syang mag-isa habang nagbabasa ng libro. Di ko na sya pinansin at nagpamaunang lumakad.

Nang makarating ako sa campus namin, nakita ko si Urameshi na may kausap na di katangkarang lalaki. Black ang suot nyang jacket o robe o whatsoever habang ang buhok niya naman ay spiky black na may shade ng white sa gitna.

'Sino naman kaya yun?'

Pumasok na ako sa eskwelahan at lumipas ang maraming oras. Uwian na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's note: okay lang ba??? Please support!!

~*Thank you very much Yu Yu's!!*~

Don't forget to Vote, Comment and Follow!

You can also visit some of my accounts: (You can Pm me for some info's)

Facebook: facebook.com/jocelle.lee.7
Instagram: jocelle_yyh
Twitter: @jocelleYYH

~*God bless you all Yu Yu's*~

-JocelleYYH

Yu Yu Hakusho (Tagalog Version)Onde histórias criam vida. Descubra agora