Chapter 9: True Feelings

53 6 4
                                    

Jocelle's POV

"Magaling ang ginawa ninyo sa laban. Lalo ka na, Jocelle. Hindi ko inaasahan na ganun ka pala makipaglaban. Hahahahahahahahahahahhahahahaha!!!" Papuri sa amin ng maliit na Jerecho. Tss, mas gusto ko pa nung malaki sya.

"Hn," biglang nawala si Vincent sa kinatatayuan nya at napunta sa basurahan sa sulok at iniluwa ang dugo galing sa bibig nya.

"Ayos ka lang ba, Vincent?" Alalang tanong ni Dennis sa kanya na nilapitan pa sya.

"Oo, wag kayong mag-alala." Bigla syang umubo at marami na ang lumabas na dugo sa bunganga nya.

Napatayo kaming lahat at nag-aalalang nakatingin  kay Vincent. "Vincent! Kailangan mong magpagamot!" Salubong ang kilay na sermon ni Dennis sa kanya.

"Sinabing ayos lang ako!" Umalis sya bigla pero bago sya lumabas ng pintuan ay. . . . .

*Lub dub, lub dub, lub dub*

TUMINGIN MUNA SYA SA'KIN!


Napayuko na lang ako at umupo ulit.

"Hayaan nyo sya, yun ang gusto nya e." Walang emosyong ani Eugene at isinandal ang mga braso nya sa upuan.

Napatingin naman kaming lahat sa kaniya--- I mean, sila. Kanina pa ako nakatingin, e.

Sinabi ko bang kanina pa ako nakatingin? Argh, scratch that! Tss, nevermind.


Pero, kahapon ko pa kasi napapansin na biglang naging cold si Eugene kay Vincent. Ano kayang nangyari?


"Tsk tsk tsk!" Napa-iling nalang si Jerecho. Samantalang ang iba ay nakatuon parin ang atensyon kay Eugene na kasalukuyang naka-kunot ang noo na para bang may malalim na iniisip.


'Ano kayang problema?'


Vincent's POV


Pagkaalis na pagkaalis ko sa Spirit World ay pinuntahan ko agad ang kapatid ko para bantayan na naman sya ng di nya nalalaman. Umalis ako doon para di nya makitang nahihirapan ako. Ayaw ko syang mag-alala sa akin.

Nagtago ako sa taas ng isang malaking puno at pinapanood syang kinakausap ang mga hayop.

"Alam nyo ba? gustung-gusto ko ng makita ang kapatid ko." Dinig kong sabi nya sa mga hayop na sya namang ikina-gulat ko.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at pinagpatuloy ang pakikinig sa kanya.


"Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon na humiling, hihilingin ko na sana, makita ko na ang kapatid kong matagal ko ng hinahanap." Sabi nya ulit at hinaplos ang balahibo nung kuneho.



"Nasan na kaya sya, ano? Ano kaya ang kalagayan nya?" Pagpapatuloy nya.


"Miss ko na sya kahit di ko pa sya nakikita. Tatanggapin ko sya kung ano man sya dahil kapatid ko sya at mahal ko sya. Hindi ko paniniwalaan ang mga sinasabi ng mga kababaryo namin dahil alam kong mabait ang kapatid ko." Unti-unti ng umiyak si Mikaela matapos nyang sabihin yon.


Gusto kong magpakita sa kanya para yakapin sya pero hindi ko magawa. Tama na itong ako lang ang nakakakita sa kanya. Alam kong masasaktan sya pag nalaman nyang hinahatulan ako ng Spirit World.

'Kaya sana, maging malaya na ako.'



"Hn," mahinang sabi ko para magpaalam sa kanya. Tumalikod na ako at umalis.






Yu Yu Hakusho (Tagalog Version)Where stories live. Discover now