Chapter 4: Danger in Training

56 7 0
                                    

Jocelle's POV

Ramdam kong may yumuyugyog sa akin pero hindi ko iyon pinansin o minulat man lang ang mata ko. "Jocelle, gising na!" Panggigising ng isang babaeng boses sa akin. "Limang Minuto pa," usal ko at dumapa saka niyakap ang unan. "Giiisiiiinnnggg naaaaaaa!!" Boses naman ng lalaki ang sumigaw.

Padabog akong bumangon. "Ano ba?! Sinabing limang minuto pa----" minulat ko ang mata ko at kusa akong natigilan ng makita ko ang napakalapit na mukha ni Eugene. "Waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!" Kinuha ko ang unan saka ko inihampas ng inihampas sa kanya. "A-aray, aray! Ano ba?! T-teka, sandali, sandaleeeee!!" Sigaw ni Eugene at kinuha ang dalawang kamay ko para pigilan ito sa paghampas sa kanya.

"Bitawan mo nga ako!" Mabilis kong kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak nya. "Bakit mo ako ginising??!" Galit na tanong ko sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay, "Baka nakakalimutan mong magsasanay ka ngayon? Kanina ka pa hinihintay ni Master Jeremiah sa labas." Nagulat ako sa sinabi nya.

'Oo nga pala! Nakalimutan ko, leche!'

Mabilis akong bumaba sa kama at tumakbo palabas ng kwarto habang sinusuklay ang buhok ko at tinali iyon. Dumiretso muna ako sa kusina para magtoothbrush. Pagkatapos niyon ay lumabas na ako at naabutan ko si Master na naghihintay nga. Nilapitan ko sya. "P-pasensya na ho, M-master," sabi ko saka ako nag-bow. "Wala iyon. Wag mo lang uulitin." Pumwesto sya ang imupisahan nya na akong sinanay. Akala ko nung una ay madali lang pero hindi pala.

Habang tumatagal ay humihirap ng humihirap ang pinapagawa nya sa akin. Lumipas ang dalawang buwan ng pagsasanay ko ay kinausap ako ni Master Jeremiah. "Magaling kang bata. Likas na nga talaga sa iyo ang pakikipag-away. Napalawak mo ang iyong kaalaman sa paggamit ng kapangyarihan mo. Inaasahan kong gagaling ka pa," nag-bow ako kay Master matapis nyang sabihin yon. "Maraming salamat, Master." Ani ko at umalis. Pinuntahan ko yung apat pa sa kabilang bundok dahil doon sila nagsasanay. Naabutan ko silang nag-lalaban. Pumwesto ako sa gilid at pinanood silang lumaban.

'Magagaling sila.'

Matapos nilang magsanay ay bumalik na kami sa templo.

Pagdating namin doon ay may mga nakahandang pagkain. Naabutan rin namin si Master Jeremiah na inilalagay sa mesa ang iba pang mga lutong pagkain. "Ano pong meron, Master?" tanong ni Eugene at naupo sa isang upuan na nakahilera sa mahabang mesa.

'Andami naman atang pagkain?'

"Dadating dito si Jerecho, kakamustahin nya kayo," sagot ni Master at pumasok sa templo. Nagkibit-balikat na lang kami at maya-maya ay may dumating. Isang lalaking may mahabang damit na kulay asul at may pulang kapa. May naka-sulat na 'JR' sa noo nya at MAY CHUPON??!!

"Sino yan Eugene?" tanong ko sa kanya at itinuro ang matangkad na lalaking bagong dating. Sya kasi ang katabi ko. "Bwahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhhhahahahahahahahaha!!" malakas nyang tawa at napahawak pa sya sa tiyan nya.

'Anong nangyayari sa kanya?'

"Bwahahahahahahahahha----!!" natigil sya sa pagtawa ng palabasin ko ang itim na espadang kidlat ko at itinutok sa kanya. "Sya si Jerecho, Jocelle." Sumulpot naman si Dennis sa tabi ko.

'Si Jerecho lang pala----, wait.'

"Si Jerecho yan?! P-panong naging, s-sigurado ka?!?!" Gulat na tanong ko at itinuro yung sinasabi nyang si Jerecho daw. Natawa lang silang lahat sa ini-asta ko. "Hahahahahahahahahahahahahahahaha!! Ako nga Jocelle. Hindi nya ako nakilala?! Hahahahaaha-- *cough cough* hahahahahahah-- *cough cough*!!!" biglang tawa ni Jerecho at naubo pa.

Bumaling ako kina Eugene. "Si Jerecho nga sya." Nakangiwing sabi ko at nakitawa na rin. Dumating naman si Master Jeremiah. "Andito ka na pala Jerecho, maupo ka na." ani Master Jeremiah kay Jerecho na hanggang ngayon ay tatawa-tawa pa rin. Sinamaan ko si Jerecho ng tingin. "Hahaha, P-pasensya ka na, Jocelle. Hindi ko lang m-mapigilan. Haha," naka-peace sign nyang sabi at tumigil na rin sa pagtawa.

"Syanga pala, nandito ako para pag-usapan ang tungkol sa misyon nyo." Nag-umpisa na kaming kumain habang nakikinig lang kay Jerecho. "Kayo ay ipadadala sa mundo ng mga kaluluwa---,"

"ANO!!??" bago matapos ni Jerecho ang sasabihin nya ay nakapag-react na kami maliban kay Vincent. "Hn," maikling sabi na naman nya. "Tama ang narinig ny---" hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil sa biglaang pagsalita ko. "Count me in." Walang emosyong sabi ko at umalis na roon at pumasok ng templo.

3rd Person's POV

Matapos sabihin ni Jocelle iyon ay sumang-ayon na rin ang lahat na sumama. Natapos silang kumain at napag-desisyunan na pag-usapan muna ang natutulog na si Jocelle.

"May kakaiba akong napapansin sa kanya, e." Sabi ni Alfred na siyang naka-isip na pag-usapan si Jocelle. Nakikinig ang lahat habang tahimik naman si Vincent na nakikinig. "Parang nawawalan sya ng gana pag ako ang kausap nya, e." mangiyak-ngiyak namang dugtong ni Alfred. Nagtawanan ang lahat.

"Ayaw nya lang sa mga panget." Pagsingit naman ni Vincent. Tumayo si Alfred at dinuro si Vincent. "Wag ka ngang epal! Bansot!" pikon nang sabi ni Alfred. Tumayo rin si Vincent at seryosong tiningnan si Alfred. "Panget." Naka-ngising sabi nya at bumalik sa kina-uupuan nya.

"UMALIS NA KAYO NGAYON DIN!!" malakas na sigaw ni Jocelle kasabay ng malakas na pag-sabog. Na-alarma ang lahat kaya dali-dali silang pumasok sa templo. Pumunta sila sa kwarto nila dahil dun galing ang pag-sabog. Naabutan nila si Jocelle na nakatayo sa gitna habang dumudugo ng marami ang ulo nya. Hawak nya rin ang itim na espadang kidlat nya at ang buong katawan nya ay napalilibutan ng itim na kidlat na awra. Sa isang dulo naman ay may Sampung halimaw na nakahandusay sa sahig.

"Anong nangyari?!!" gulat na tanong ni Sharlyn habang si Eugene ay inihahanda ang kanyang raygun, si Alfred ay inilabas ang kanyang ispiritwal na espada, Si Dennis ay kinuha na ang kanyang rosas at ginawa itong latigo at Si Vincent naman ay hinugot ang kanyang espada. Handa na silang tumulong kay Jocelle pero pinigilan sila nito.

"W-wag kayong m-mag-alala. T-tapos na." Usal ni Jocelle at biglang hinimatay. Nasalo naman agad sya ni Eugene. "H-hoy! Gumising ka!" binuhat sya ni Eugene palabas. Puno na ng dugo ang katawan ni Jocelle kaya agad syang dinala ni Eugene sa Sala ng templo at inihiga sa sahig. Sumunod naman sina Sharlyn, Dennis, Vincent at Alfred. Dumating naman sina Master Jeremiah at Jerecho na tumatakbo.

"Anong nangyari, Eugene?" tanong ni Jerecho kay Eugene. "Nag-uusap kami sa labas. Bigla nalang sumigaw si Jocelle at may malakas na pagsabog. Pagdating namin may mga kalaban na nakahandusay sa sahig at sya naman ay duguan." Kahit di-ugaling mag-kwento ay sinabi parin ni Eugene ang nangyari. Agad namang ginamot ni Master Jeremiah si Jocelle at naghilom na ang mga sugat nito.

"Kailangan nyang magpahinga. Sharlyn, samahan mo sya sa isa pang kwarto." Sumunod naman si Sharlyn at umalis na.

'Bwisit!!' pag-mura ng apat sa kanilang mga isip.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~*Thank you very much Yu Yu's!!*~

Don't forget to Vote, Comment and Follow!

You can also visit some of my accounts: (You can Pm me for some info's)

Facebook: facebook.com/jocelle.lee.7
Instagram: jocelle_yyh
Twitter: @jocelleYYH

~*God bless you all Yu Yu's*~

-JocelleYYH

Yu Yu Hakusho (Tagalog Version)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz