Chapter 5: Sleeping Beauty

56 7 0
                                    

Jocelle's POV

Naglalakad ako patungo sa kung saan. Hindi ko malaman kung saan ako papunta. Ang lugar na ito ay puro usok. Puro puti. Tatakbo ako pero hindi nakakatulong. Bumabalik parin ako sa pwesto ko. Sinubukan ko na ring gamitin ang kapangyarihan ko, pero hindi ko ito magamit dito.

'Nasan ba ako?!'

"Anak." Tinawag ako ng isang pamilyar na boses. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. "Sino ka?" Tanong ko sa boses. Patuloy kong nililibot ng tingin ang buong paligid. "Anak." Pag tawag ulit sa'kin ng boses.

"Papa?" Tanong ko sa kawalan ng makilala kung sino ang may-ari ng boses. "Kailangan mong bumalik. Marami ka pang kailangang gawin. Bumalik ka na, anak." Unti-unting tumulo ang luha ko. "Ayaw ko, Papa. Dito lang ako. Gusto kitang makasama." Humihikbing paki-usap ko kay papa.

"Anak, makinig ka. Maraming tao ang kailangan ka. Marami ka pang misyon. Marami ka pang kailangang maranasan. Bumalik ka na." Patuloy ang pag-agos ng luha ko na para bang wala ng katapusan. Napa-luhod ako sa kina-tatayuan ko habang umiiyak.

"Ayoko, Papa. Sasama ako sayo."

Eugene's POV

Lahat kami ay hindi mapakali sa hindi na paggising ni Jocelle. Ilang araw na rin syang hindi gumigising. Nandito kaming lahat sa bahay nya dahil pina-uwi na kami ni Jerecho. Salitan kami sa pag-bantay sa kanya.

Kung minsan ay si Alfred o di kaya ay si Dennis ang kasama ko. Pero ngayon si Vincent ang kasama ko. Si Sharlyn naman ay palaging nandito sa bahay nya.

Naglilibot-libot ako sa bahay nya ng makita ko si Vincent na nakaupo sa bintana at mukhang malalim ang iniisip. "Baka malunod ka nyan, Vincent." Pag-basag ko sa mga imahinasyon nya. "Anong ibig mong sabihin?" Nag-tatakang tanong nya at lumingon sa akin.

'Ang slow, amp!'

"Baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo." Pag-papaliwanag ko sa kanya. Iniwas nya naman ang tingin nya at tumingin sa malayo. "Hn," ayan na naman ang walang kwentang ekspresyon nya. "Inaalala ko lang si---" pinutol ko ang sasabihin nya.

"Si Jocelle??! May gusto ka kay Jocelle!?!" Gulat na tanong ko sa kanya. "Tanga. Si Mikaela ang inaalala ko. Gunggong." Pag-tukoy nya sa kapatid nya. Naka-hinga naman ako ng maluwag doon.

"Eugene!! Vincent!! Si Jocelle!!" Nagsisisigaw si Sharlyn sa loob ng kwarto ni Jocelle. Agad naman akong kinabahan. Nagkatinginan pa muna kami ni Vincent saka tumakbo sa loob ng kwarto. "Anong nangyari, Sharlyn?!" Tanong ko sa kanya ng makarating kami sa loob.

3rd Person's POV

Nag-uusap sina Master Jeremiah at Jerecho sa templo nito kasama sina Dennis at Alfred. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, dumating si Sharlyn sa templo.

"Master Jeremiah, Master Jerecho!!" Humahangos na tawag ni Sharlyn sa dalawa. Agad namang natigil ang pag-uusap nila sa pagdating ni Sharlyn. "O, Sharlyn. Anong nangyari?" Tanong ni Jerecho kay Sharlyn.

"Si Jocelle, Master Jerecho!!" Pag-aalala ang namutawi sa puso ng apat.

Jocelle's POV

"Ayos lang ako, Master." Ngumiti ako para naman hindi na sila mag-alala. Matapos ang isang pangyayari na hindi ko matandaan, biglang naging concious muli ang katawan ko. Ang tanging naaalala ko lang ay nasa lugar ako na puro usok. Yun lang.

"Sigurado ka ba?" Nag-aalala namang tanong ni Eugene sa'kin. "Bingi ka ba, koya? Narinig mo naman ang sinabi ko hindi ba?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Bigla atang bumait 'to?'

"Tsk!" Bigla naman syang nag-walk out. Naging Bipolar na rin.

"Jocelle, kumain ka muna." Inalok nan ako ni Dennis ng pagkain. Mabuti pa 'to mabait. "Salamat, Dennis." Kinuha ko yung tinapay na inabot nya sa'kin at kinain yun. "Hn, aalis muna ako." Si Vincent at akmang aalis.

"O, andyan ka pala, Vincent?? Di kita napansin. Wahahahahahahahahahhahahahahahahahahahhaha!!!" Pang-aasar ko sa kanya. Sinamaan nya lang ako ng tingin at lumabas na ng kwarto ko.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo, Jocelle." Nagsalita naman si Alfred. "Sinong kausap mo?" Pambabara ko sa kanya. Sumimangot naman syang tumingin sa'kin.

"Haha, joke."

----Time Skip----

Ano bang problema ng mga 'to?!

"Halika na kasi!" Hinila-hila pa ako ni Sharlyn. Si Alfred naman ay nakasunod lang sa likod namin. Wala naman dito sina Eugene, Vincent at Dennis. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Pilit ko pang kinukuha ang kamay ko na hinihila nya. "Basta nga, sumunod ka na lang," naka-ngiting sabi nya kaya wala akong nagawa kundi sumunod.

"Sandali, huminto ka muna." Magsasalita pa sana ako ng bigla nyang lagyan ng piring ang mga mata ko. Natatakot naman akong gamitin ang kapangyarihan ko at baka kung saan pa ako mapunta, mapahamak pa ako.

Naramdaman ko naman ang sarili kong umangat sa lupa. "H-hoy! Ano ba?! B-bitawan mo ako!!" Pilit akong kumakawala sa pagkakabuhat sa akin ni Alfred. Alam kong sya yun, ano. Kaya ba naman akong buhatin ni Sharlyn? Tss.

"Nandito tayo," mahinang sabi ni Alfred at dahan-dahan akong ibinaba. Kinakabahan naman ako dahil ang tahimik ng paligid. Unti-unti namang tinatanggal ni--- err, kung sino man, ang piring ko. Hindi pa masyadong natatanggal ang piring ay umingay na ang paligid.

"Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday-- happy birthdaaaayyy!! Happy birthday to you!!" Natanggal na ng buo ang piring at nakita ko sina EUGENE, VINCENT AT DENNIS NA KINAKANTAHAN AKO!! Nag-gi-gitara si Eugene.

'Kailan pa sya natutung mag-gitara!?'

Inip naman ang mukha ni Vincent pero halatang nag-e-enjoy naman sya. Tss. Si Dennis ay masaya sa pagkanta nya. Sina Master at Jerecho naman ay nakiki-kanta rin.

"Haaaapppyyy Biirrtthhhdddaaaayyy toooo yoooouuuuu!!" Huling linya naman nilang lahat sa kanta. Ewan ko kung bakit pero naiiyak ako sa TUWA.

Nagsilapit naman silang lahat sa akin. "Happy birthday, Jocelle!" Isa-isa nila akong binati maliban kay Eugene. Lumapit sya sa akin ng dahan-dahan.
"Maligayang kaarawan, Jocelle. Happy birthday." Seryosong sabi nya at ngumiti ng napakalapad.

Paki-ramdam ko ay huminto ang mundo. Magugunaw na ata! Ano bang nagyayari dito?!

Hindi naman nagsasalita yung mga kasama namin. "Aaaaayyyyiiiiiieeeeeee!!" Pang-aasar naman nila sa amin na pinangungunahan ni Jerecho habang si Master Jeremiah ay nakangiti lang at si Vincent naman ay tahimik lang.

'Ha-ha-ha! Happy April Foolsday ba'to?'

"Hehehehe," yun na lang ang naisagot ko. Nagtawanan naman silang lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~*Thank you very much Yu Yu's!!*~

Don't forget to Vote, Comment and Follow!

You can also visit some of my accounts: (You can Pm me for some info's)

Facebook: facebook.com/jocelle.lee.7
Instagram: jocelle_yyh
Twitter: @jocelleYYH

~*God bless you all Yu Yu's*~

-JocelleYYH

Yu Yu Hakusho (Tagalog Version)Where stories live. Discover now