Chapter 13: Spirit Stone

46 5 0
                                    

Jocelle's POV








Nararamdaman ko ang sarili ko na nakaangat sa lupa. Pero parang lumilindol ata? Unti-unti kong iminulat ang mata ko.






O_O!!!!!!!!!!!!!!!!











"Yaaaaaaahhhh!" Malakas na sigaw ko. Bakit buhat-buhat nya ako? Bakit tumatakbo kami?











"May nakakita sa atin, Jocelle. Kumapit ka." Napakapit naman ako sa leeg nya ng bigla nyang bilisan ang pagtakbo. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko doon ang mga kasamahan naming tumatakbo rin.











"E-eugene." Naiusal ko na lang at nakita ko naman na may gumuhit na ngiti sa mukha nya.












"Rain of thunder." Bulong ko at mabilis na nagsidatingan ang mga kidlat at natamaan ang mga kalabang humahabol sa amin. Huminto kami sa pagtakbo kaya ibinaba na rin ako ni Eugene.










"Mabuti na lang pala at nagising ka, Jocelle." Sabi ni Sharlyn na nagpunas pa ng pawis.












"Pasalamat lang yung mga yun at hindi ko ginamit ang espada ko! Patay na sana sila sa umpisa pa lang! Wahahahahahahhahahahahahahahaha!!" Pagmamalaki naman ni Alfred at tuma-taas baba pa ang balikat kakatawa.












"Hn, managinip ka ng gising, Alfred." Pagsusungit naman ni Vincent kay Alfred.











"Tama ka, Sharlyn. Pero sa ngayon, kailangan na nating tumuloy sa paglalakbay." Sumang-ayon kami sa Sinabi ni Dennis.











"Kumapit kayo sa'kin." Naka-ngiting aya ko sa kanila. Nakita ko namang kumunot ang noo nina Eugene, Vincent, at Alfred.












"Haha. Gawin nyo na lang, Vincent. Maghawak-hawak tayo." Sabi ni Dennis at pumunta na sa akin. Ganun na rin si Sharlyn. Kumapit sila sa balikat ko. Wala namang nagawa sina Eugene kaya lumapit na rin sila at kumapit sa akin.










Napangiti naman ako. "Hold on tight, baby." Naka-smirk kong sabi saka mabilis na tumakbo. Medyo nagulat pa yung tatlo pero agad ring naka-recover at kumapit ng mahigpit.










*SWOOOOOOSSSHHHH!!*














Nagkakaroon ng tunog ang hangin sa bilis ng pagtakbo ko. Medyo malapit na rin ang ika-limang bundok. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo kaya walang anu-ano'y nakarating na kami.










Huminto kami sa tapat ng isang NAPAKAlaking bahay.












'Bahay ba talaga 'to?! Anlaki a?'











Tinanggal na nila ang pagkakakapit nila sa akin at hihingal-hingal na pinagmasdan ang mansyon. "Ito na ba?" Tanong ni Alfred. "Oo, Alfred. Base dito sa direksyon na ibinigay sa akin ni Master Jerecho ay ito na nga." Sagot naman ni Sharlyn at namamangha pa sa bahay o mansyon o kung ano pa man na nasa harap namin.












"Lika na sa loob!" Eksayted na sabi ni Alfred. "Baka umiyak ka pagkatapos." Pambabara naman ni Vincent. "Napupuno na talaga ako sayong bansot ka, a!" Pikon na sabi ni Alfred. "Di ka kasya sa akin, panget." Pamimilosopo naman ni Vincent.









Yu Yu Hakusho (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon