Author's Note: Play ANGEL WITH A SHOTGUN BY NIGHTCORE while reading this Part!!!
Jocelle's POV
"Ano yun?" Napatayong sigaw ni Eugene habang inililibot ang paningin sa paligid. Lahat ng tao ay hindi mapakali kakasigaw at kakatakbo. Halos humupa ang lugar at wala na talagang natitirang tao maliban sa'min. "Maghanda kayo." Mahinahong utos ni Vincent at agad kaming naghanda. Ipinalabas namin ang aming mga tinatagong sandata at handa ng sumugod.
"Wahahahahahaahahahahaha!!!!" Malakas na tawa ng isang demonyo ang narinig namin. Nakakatakot man pero di na namin iyon inalintana. Biglang may nagsilabasang MGA halimaw sa iba't ibang parte ng lugar. Hindi lang sila halimaw sa itsura, sa dami din.
Isa-isang sumugod ang mga halimaw sa amin. Nagkahiwa-hiwalay pa kami dahil sa dami nila. Andito kami ng mga kalaban kong halimaw sa tapat ng isang napakalaking ferris wheel. Sabay silang sumugod kaya agad kong ginamit ang espadang kidlat ko. Tinamaan ang sampu sa mga halimaw. Tumalon ako ng pagkataas-taas ng makita kong may bolang apoy na lumabas sa bunganga ng kalaban.
Tumama ang bolang apoy sa isang hawi ng iba pang mga halimaw.
'Tss. Tanga.'
Bago pa ako maka-apak sa lupa ay pinuwesto ko na ang espada ko at isinaksak sa ulo ng isa sa mga halimaw. Agad ko rin iyong kinuha. Pinalitan ko ang espadang kidlat at inipon ang mga enerhiya ko sa dalawang kamay ko. Itinaas ko ang mga kamay ko at ipinalabas ang mga enerhiyang naipon doon.
"RAIN OF THUNDER!!"
Malakas na sigaw ko at umulan ng matutulis na kidlat at marami ang tinamaan sa mga halimaw. Konti na lang.
Kurama/ Dennis' POV
Tumakbo ako sa isang dulo ng roller coaster. "Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!" Malakas na sigaw ng mga halimaw na kalaban ko. "Buhawing latigong rosas!" Pina-ikot ko sa ere ang latigong rosas hanggang sa maka-gawa ito ng buhawi. Marami sa mga halimaw ang naputol ang iba't ibang bahagi ng katawan nila.
"Tapos ka na!!" Agad akong napa-lingon sa likod ko at nakita ko ang isang halimaw na akmang papaluin ako ng isang kahoy na may pako sa dulo. Iniwasan ko ang sugod nyang yon at sinipa sya sa sikmura.
*BOOOOOOGGGGSSSHHHH!!*
Tumasik sya sa riles ng roller coaster. Binalik ko ang tingin ko sa mga kalaban ko at bigla na lang akong tumilapon sa isa pang dulo. "Aarrghh!" Inida ko ang sakit ng braso ko.
Nagtawanan naman ang mga halimaw na'to.
Tumayo ako ng paunti-unti. Sumugod na naman sila ng sabay-sabay. Agad kong iniwasan ang ilan sa mga halimaw at tinamaan sila ng latigo ko. Konti na lang sila.
Kuwabara/ Alfred's POV
"Waaaaaaaaaaahhhh!! B-bakit parang dumadami kayo?!?!" Naisigaw ko sa mga kalaban ko matapos kong hiwain ng espiritwal na espada ang lima sa mga halimaw. Lumalapit sila sa akin. "Espiritwal na espada, Humaba kaa!" Isang saglit lang ay humaba ang espada at agad kong sinugod ang mga kalaban ko.
Bigla akong napa-dapa sa lupa ng may humampas sa ulo ko. Umiikot ang paningin ko at parang hihimatayin pa ako. Di yun pwedeng mangyari! Hanggang dito ba naman talo ako?!
Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa lupa para tumayo. Medyo nahihilo pa ako. Nung makatayo ako ay agad kong pinalabas ang espiritwal na espada ko. Kung kanina ay isa lang iyon, ginawa ko na itong dalawa ngayon."Sumugod kayo hanggang gusto nyo." Malumanay na sabi ko at hinintay ang pagsugod na gagawin nila.
Vincent's POV
YOU ARE READING
Yu Yu Hakusho (Tagalog Version)
FanfictionJocelle is an ordinary cool girl who transfer in Sarayashiki Junior High. She is contented of what she have knowing that she is an abandoned girl. She discover her powers and assigned to be part of the Urameshi Team and became the most powerful amon...