Chapter Six

15 0 0
                                    

CHAPTER SIX 

Tumungga si Enric ng beer sa hawak na bote, ang mga mata niya ay nakatutok ng tuwid sa dance floor ng Eyrie, ngunit hindi naman nito iyon nakikita. Maging ang resident DJ nila ay malamang mainsulto at mag-desisyong mag-resign kapag nalaman nito na sa kabila ng ingay ng musika na pinatutugtog niya ay hindi ito pansin ni Enric. Wala sa Eyrie ang atensyon ni Enric. Nagtatime travel iyon sa huli nilang pagkikita ni Rina. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang reaksyon nito sa naging pag-uusap nila. Hindi niya gusto ang naging paghihiwalay nila.  

I mean, what the hell? himutok ng isip niya. Kailangan ba talagang mag-react siya ng ganoon katindi? She was the one who asked me about me! About Enric... who is me! Bumuntong-hininga siya. This is getting confusing. 

Napakaraming pagkakataon noong magkasama sila para sabihin dito na siya si Enric - ilang beses din niyang tinangkang magtapat dito, pero hindi niya ginawa; at isa pa iyon sa bumabagabag sa kanya.  

Napapangiwi siya sa tuwing sasabihin nitong bakla siya pero, sa hindi niya malamang dahilan ay hindi niya magawang sabihin dito na siya si Enric. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ng kaibigan nito at kapag nalaman nito ang totoo ay lalayuan na siya nito. She would treat her like any other guy and he hates to admit it but he likes being the exception to her rule. Gusto niya ang pakiramdam na siya lang ang tanging lalaki na nakakalapit dito pero kahit na ayaw niyang malaman nito na siya si Enric ay hindi niya napigilan ipagtanggol ang sarili nang mabanggit siya nito. He has this sudden urge to explain his motivations to her, make her understand him. Make her understand Enric. 

Muli siyang uminom mula sa boteng hawak. Tila dumadalas ang pagpapaliwanag niya sa mga tao; una sa kapatid niya, ngayon naman ay kay Rina. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang magpaliwanag dito. Ano ba ang pakialam niya kung galit ito sa kanya? O kung hindi nito maintindihan ang prinsipyo niya sa buhay? Rina is nothing to him! Hindi niya kailangang mag-explain dito, and yet, ginawa niya pa rin. 

He smiled bitterly. Tila padami ng padami rin ang mga bagay na ginagawa niya na hindi niya alam ang rason simula nang makilala niya si Rina. Rina just stirs a lot of things in him that he was left confused. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganito. Pakiramdam niya tuloy ay nasa ibang lugar siya. Hindi siya pamilyar sa ganitong sitwasyon. Hindi niya alam kung paano siya kikilos o kung ano ang iisipin. 

"Maraming babae diyan na katulad niya mag-isip, na ginagawang recreation ang pakikipag-relasyon. Kung wala talaga siyang balak makasakit, dapat nagkakasiya siya sa mga ganoong klase ng babae. The fact na marami siyang nasasaktang babae means that he was not discriminating enough." 

"What the hell!" Hindi na ba talaga siya patatahimikin ng Czarina na iyon? 

Padarang niyang kinuha ang susi ng kotse sa mesa at mabilis na lumabas ng bar. Mukhang hindi effective ang ingay ng bar para makalimutan ang babae.  

Napabuntong-hininga na lang siya nang matagpuan ang sarili na binabagtas ang daan papunta sa bahay ni Rina. 

Napamura si Rina nang mamatay ang ilaw. Nasa kalagitnaan siya ng paggawa ng design ng mga evening gowns na gagamitin ng mga kliyente niyang socialites sa isang event na gaganapin sa susunod na linggo nang biglang mamatay ang ilaw. 

Bumuga siya ng hangin sa pagkabanas at kinapa ang cellphone na nakalapag sa mesa. Binuksan niya ang ilaw niyon at padarang na naglakad papunta sa kusina.  

Talaga naman! Kung kailan may tinatapos eh... 

Saglit siyang naghalungkat sa cabinet nang makarating siya sa kusina hanggang sa mahanap niya ang mga vigil candle at posporo doon. Kumuha siya ng tatlong pirasong kandila, gayundin ng posporo at muling bumalik sa sala. Sinindihan niya ang isa sa mga iyon at inilapag iyon sa mesa kung saan nagkalat ang mga design plates niya at tumingin sa orasan. 

The Gay or The Playboy?Where stories live. Discover now